"Kasi nga, ikaw ang gusto ko."
Nakatingin lang ako sa kanya at parang wala na akong ibang narinig kung hindi iyon sa utak ko. Pero t-teka lang bakit parang medyo nakakagulo yung sagot niya. "A-ako? Ako po, sir?"
"Oo, ikaw lang, wala ng iba." sinuot niya ang salamin niya, tinignan ako ng ilang segundo, at binalik ang tingin sa libro. "Got a problem with that?" hindi na ako sumagot. Parang bukod kasi sa nagulo ang utak ko, nagulo din ang paghinga ko. May aircon naman dito pero pinagpawisan ang noo ko, pati ang kili kili ko.
Magkaharap kami ni sir, tapos sinenyasan niya akong umupo sa tabi niya. Tinaas ko ang kilay ko.
"Dito ka sa tabi ko." he said seriously. Tumayo ako at tumabi sa kanya.
Tinignan niya ako na parang nawiwirduhan siya sa akin. "Sabi ko, dito ka sa tabi ko. Bakit ang layo mo?"
Inusog ko ang upuan ko papalapit sa kanya. Nagsimula na siyang magsalita, hindi ko naman makita ang pino-point out niya sa libro kaya lumapit pa ako. Sa paglapit ko ay natigil siya sa pagsasalita kaya tiningnan ko siya. Bakit ba sir?
"Ang lapit mo." pabulong niyang sabi pero narinig ko pa rin.
"Sabi mo po sir. . ." hindi ko naituloy ang sinasabi ko dahil na-realize kong malapit pala ang mukha namin sa isa't-isa. Nakatingin pa sa akin si Sir, umiwas tuloy ako. "Sorry po."
"Okay, as I said earlier, to get the. . ." parang hindi ko na narinig ang mga sinasabi niya after non dahil mas narinig ko ang tibok ng puso ko. Cheetah, ano ito?! Bakit ang irrational ng pagtibok ng puso ko? Wala naman akong heart disease, hindi naman ako uminom ng kape para magpalpitate ako! Anemia lang ang meron ako, pero wala akong heart attack.
"Natasha?" napatingin ako kay Sir na kanina pa pala ako tinatawag. "Narinig mo ba mga pinagsasabi ko?"
"O-opo."
Tumango siya. "Okay, sagutan mo na ito. Magsolution ka na lang dito para makita ko kung paano mo nasagutan."
Wala talaga akong naintindihan, wala akong alam about sa topic namin ngayon. Kasi lumulutang yung utak ko kanina. Paano ko sasagutan ito?
Napansin ata niya na na-stuck agad ako sa number one. "Madali lang iyan, anong factor ng dalawang numbers, tapos i-solve mo dito."
Sandali ako nag-isip at isinulat ang sagot ko. Inayos niya ang upo niya at naramdaman ko na inakbayan niya ang upuang inuupuan ko. Bakit parang hindi ako makahinga dito? Hindi tuloy ako makapag-isip ng maayos.
"Dapat alam mo din magsagot ng mabilis." paalala niya, imbis na intindihin ang naiinitan kong sarili, nag-isip na lang akong mabuti.
Pagkatapos ko ay agad niyang chineck, nang makitang may konting mali ay sinabihan na naman niya ako. Tapos nagturo na naman siya ng pangalawang method about sa particular lesson namin. Medyo marami kaming pinag-aralan ngayon compared kahapon, hindi ko nga namalayan na almost one hour na pala ang tutorial namin.
Habang nagsasagot ako ay tinanong ko siya. "Sir, inadd mo pala 'ko sa FB, bakit po?"
Napatingin siya sa akin. "Bakit, masama?"
"Hala, hindi po Sir." saglit akong tumawa, nakita ko pa nga na ngumiti siya.
"Pansin ko Sir panay na status mo. May girlfriend ka po ba sir? Ayieee." pang-aasar ko, sa totoo lang tinatamad na akong magsolve.
Ngumiti na naman siya. Ngiting totoo, yung kahit sa mata, makikita mong masaya siya. Hala si sir, may love life na! Paano kaya kapag kinuwento ko kay Des ito? Baka umiyak yon.
BINABASA MO ANG
Stumbled Mistakenly
Fiksi Remaja"Is it wrong if I love her as a person, as a girl, and not as a student?" (Mistaken series #1) SasaCookieKeyk. 2017-2018.