4AM pa lang pero gising na ako? Usually alas singko ako nagigising. Kinusot ko pa ang mata ko, nagulat ako kasi walang luha.
Naubos na siguro kakaiyak.
Nag-stay akong nakahiga, wala, iniisip ko lang 'yong mga sinabi ni mama sa akin kagabi. Kinausap niya ako ng mahinahon.
Ang tanga mo, Natasha Legaspi. Of all people sa teacher mo pa talaga. Hinampas ko ang noo ko sa iniisip ko.
"Hindi pa huli ang lahat, bata ka pa at marami ka pang matututunan." Napangiti ako nang maaalala ko ang sinabi ni mama. Siguro nga tama siya, marami pa akong hindi alam.
"Hindi kaya nagkakamali ka lang sa naramdaman mo? Maraming nagmamahal sa teacher mo na iyon. Nang mapalapit ka sa kanya, akala mo ganon din ang nararamdaman mo. Pero pure infatuation o attraction lang pala." Sinabi ni mama iyon kagabi, napahawak na lang ako sa dibdib ko, pinapakiramdaman ang puso ko.
Mama never fails to explain everything to me. Kaya siguro matalino ako ay dahil doon. Pero pagdating dito ay nagkamali ako, hindi ko isisisi kay mama iyon, dahil alam kong kontrolado ko dapat ang mga nararamdaman ko at sa edad ko ngayon ay alam ko na dapat ang tama't mali.
Isang malaking pagkakamali, na pinapangako kong hindi ko na uulitin ulit. Cheetah naman kasi, tama si mama.
Sir Morgann Salazar is a hot topic. He's tall, dark, handsome kung idescribe ng karamihan. Masungit kasi siya, kaya attractive ang dating sa mga estudyante, ayon din ang akala ko eh, noong nakilala ko siya, mabait naman pala, palaasar pa nga eh!
Noong una, gusto ko lang ang pagtuturo niya, magaling kasi siya. Pero iyon pala, gusto ko na siya, gusto ko na kung sino at ano siya, mahal ko na pala.
Pero akala ko lang pala iyon.
Hinampas ko ulit ang noo ko. Kagaya nang sinabi ni mama, attracted ang karamihan sa kanya kaya ganon din ang naramdaman ko, pure infatuation lang. Gusto ko lang siya dahil sa mga ginagawa niya at lalo na syempre sa mukha niya. Sa mukha niyang gwapo.
Napangiti ako nang maalala ang first day ng tutorial namin. Inasar niya kaagad ako. Pinakita niya kaagad ang side niyang iyon, thankful ako kasi sa dami dami ng estudyante, sa akin niya napiling ipakita ang totoong siya.
Oo, iyon na lang iyon ngayon.
Estudyante niya ako, siya naman, si Sir Salazar, ang Mathematics teacher ko—hanggang doon na lang kami, hanggang doon na lang iyon. Nothing more, nothing less. Tanggap ko na. Para akong natanggalan ng benda sa nabali kong kamay.
Napatigil ang pag-iisip ko nang tumunog ang alarm clock ko. Cheetah times eighty! 5:30 na pala! Ang bilis naman!
Monday ng umaga, binigay ang results ng long quiz namin, nagulat ako kasi first time kong makakuha ng ganong score. 43/80!
Kasabay non ang bulungan at tingin na naman ng mga kaklase ko sa akin! Cheetah sila! Dukutin ko mga mata nila dyan eh. Hindi naman kasi nila alam na sising-sisi na ako sa nagawa ko.
Ang bababa ng mga quizzes ko. Napahinga na lang ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.
Lunch break na, umiiwas ako kay Mike kasi alam kong sasamahan na naman niya ako, baka madamay din siya sa mga fake news sa akin, ayoko naman ng ganon kaya umiwas muna ako. Mukhang naiintindihan niya naman ang gusto ko.
At si Des, miss na miss ko na siya. Naaalala ko ang mga kulitan namin dati. Halos hindi kami mapaghiwalay, kapatid na ang turing ko sa kanya at hanggang ngayon hindi ko maiwasang manghinayang sa pagkakaibigan namin. Nasira lang iyon dahil sa isang lalaking parehas naming gusto. Nakakatawa lang, dahil ngayong malinaw na ang feelings ko kay Sir Salazar, hindi naman ako makalapit kay Des dahil masaya na siya bago niyang mga kaibigan. Ang dali niya lang akong napalitan, hindi ko maiwasang magtampo. Pero siya, hindi ko mapalitan, wala na ngang gustong dumikit sa akin, karamihan ay parang nandidiri sa akin.
BINABASA MO ANG
Stumbled Mistakenly
Ficção Adolescente"Is it wrong if I love her as a person, as a girl, and not as a student?" (Mistaken series #1) SasaCookieKeyk. 2017-2018.