Chapter 7

37 1 0
                                    

"Kamusta?" Tanong ni mama sa akin habang nakangiti. Ngumiti rin ako pabalik sa kanya at nilundagan siya. "Aray ko naman, Tasha!"

"Mama! Thank you, thank you!" hinalikan ko siya sa pisngi ng dalawang beses. Sobrang saya ang nararamdaman ko. "Mama ang tataas ng seatworks at quizzes ko everyday sa Math! The best ka talaga!"

"Ikaw talaga! The best kami ng papa mo! Pero mas the best si Sir Salazar kasi tinuturuan ka niya." hinaplos niya ang buhok ko. "Magpasalamat ka din sa kanya, ito ibigay mo."

Inabot niya sa akin ang isang maliit at pulang eco bag na may lamang tupperware. "Ano 'to, ma?"

"Hindi siya nagpapabayad kaya ibigay mo na lang iyang binili kong puto." Sabi niya habang inaayos ang baon ko.

"Puto ni Mang Jose?" May halong excitement ang tono ko. Masarap ang puto ni Mang Jose! Favorite namin ito ni Papa. Tumango siya.

"Asan ang akin?"

Inabot niya sa akin ang baon ko. "Nandyan na."

"Wow! Alis na pala ako ma, bye!" Inilagay ko na sa bag ang baon ko pati ang kay Sir Salazar at lumabas na ng bahay.




Recess nang yayain ako ni Des sa canteen, bumili siya ng softdrinks habang kinakain namin ang putong ipinabaon ni mama.

"Kahapon narinig ko sa faculty, nagsimula na pala yung tutorial ni Sir Salazar!" Umupo kami sa malapit na upuan. "Sino kaya iyon?"

Ngumiti ako kay Des. Nakaka-isang linggo na simula nang tutor ko kay Sir, sabihin ko na kaya?

Lumapit pa ako lalo sa kanya. "Ako"

Tumawa siya. "Joke iyan, ha?"

Lumunok muna ako at uminom sa softdrinks niya. "Totoo nga" Sabi ko ulit sa mas mahinang boses.

"Hay nako Nes, not funny!"

Lumapit ako sa tainga niya para bumulong. "Yes, and I got to see his face up close." In-emphasize ko pa talaga 'yong "up close".

Inasar ko pa siya nang ngumiti ako lalo at humarap na sa kanya. Pinipigilan ko ang tawa ko! Cheetah, gulat na gulat si Des!

Hinampas niya ako. "Hindi nga?!"

Natawa na ako. "Oo, sorry ngayon ko lang sinabi."

"Ano? Shete ka! Isang linggo kong inisip, akala ko pre-school! Ikaw na palang babae ka!" hinampas niya pa ako ulit.

"Ano? Saan? Kailan? Bakit? Ang tali-talino mo ah!" Sinagot ko ang tanong niya na dahil sa scholarship kaya pumayag ako sa tutorial which is hindi ko gusto nang una, sayang lang talaga ang scholarship.

"What? Where? Why? Nes! Sana ako na lang!" Matamlay siyang pumalumbaba. Ilang sandali lang ay ngumiti na ulit siya. "Sige na nga, as long as ikaw naman! Kwentuhan mo ako parati ah!" Kinikilig siyang umangkla sa braso ko.

"Okay ba?" She looked at me, waiting for my approval.

Dahil mapang-asar ako. "Ayoko!" Sabay takbo ko!

"Ano? Nes bumalik ka dito!" Hinablot niya ang buhok ko kaya napahinto ako. "Ang daya mo!"

Sinabunutan ko siya kaya hinabol niya ako ulit. Tawa lang ako ng tawa. Tumigil ako sa pagtakbo nang makitang malayo na si Des sa akin.

Paatras ang lakad ko kaya hindi ko napansing may nabangga na ako. "Tsk."

Nalaglag yung folders niya. "Sorry po—" naputol ang sasabihin ko nang malakas na sumigaw si Des at nagmamadaling lumapit. "Good morning, Sir Salazar!" nginting-ngiti ito.

Stumbled MistakenlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon