Chapter 16

35 1 0
                                    

"Yes, you're special. Ganito ako kasi nagseselos ako doon sa Mike Irnaez na iyon!"

Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko din lalabas na ang puso ko. Hindi ko maintindihan. Bakit ganito? Bakit gusto kong sabihing nagseselos din ako kapag maraming babaeng nakalapit sa kanya? Bakit gusto kong sabihing special din siya sa akin? Hindi ko na maintindihan, paki-explain naman lahat!

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga balikat ko. Nakatingin lang kami sa isa't-isa. "Selos na selos ako sa kanya kasi umpisa pa lang alam kong talo na ako sa kanya."

Binitawan niya ako at iniwas ang tingin. Nagtataka ko siyang tinanong. Ito na lang ang kaya kong gawin eh. "Anong talo?"

Huminga siya ng malalim. "I know this is wrong pero Natasha, you're special for me dahil gusto kita." Hinawakan niya ang kanang kamay kong nanlalamig na dahil sa kaba. "Alam kong talo ako sa kanya kasi kaklase mo siya at," napatigil siya at tiningnan ako ng diretso sa mga mata ko. "at magkasing edad lang kayo."

Hindi ko na napigilan ang mapangiti. Ngayon lang ako nakarinig ng confession, pero hindi ko naman itatanggi na hindi ako masaya at kinikilig sa mga sinabi niya! Cheetah.

"Pumapayag na akong maging reward mo. Surprise!" Hingpitan ko ang hawak ko sa kamay niya. Iyon na lang ang nasabi ko. Napangiti naman siya at niyakap ako.

Habang magkayakap pa rin kami ay nagsalita ako. "Huwag mong pagselosan si Mike. Kaklase ko lang iyon." Sabi ko at narinig ko naman ang okay niya.

Umupo kami sa upuan namin nang nagngingitian lang habang magkahawak ang dalawang kamay. "May tanong pala ako."

Natawa siya ng mahina. "Ano iyon, daldalita?"

"Bakit special ako sayo? I mean, saan nagsimula? Ang dami daming estudyante dito yet ako pa talaga."

Iniling niya ang ulo niya. "Hindi ko din alam, it just started. Basta alam ko, attracted na ako sayo nang tiningnan mo ako sa mga mata. 'Yong araw na bumagsak ka."

Inalala ko naman ang sinabi niya. Iyon 'yong naiinis ako sa kanya kaya tiningnan ko siya. Natawa na lang ako at napa-heads down habang tinitingnan ang mukha niya.

Ginaya niya ako. Ang lapit lapit na ng mga mukha namin sa isa't-isa. Hanggang sa naramdaman ko ang haplos niya sa ulo ko. Pababa ng pababa hanggang sa napunta sa pisngi ko ang mainit niyang palad.

Napapikit na lang ako ng hawakan niya ang kilay ko, ang mata ko. Pinisil niya pa ang ilong ko. "Pinaglalaruan mo na mukha ko." Sabi ko, tumawa lang siya at hindi natinag. Hinawakan niya din ang labi ko hanggang sa tumingin siya sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya habang paulit-ulit niyang nilalaro ang mukha ko.

Nahinto na lang siya nang makarinig kami ng sigaw. "Sir!" Napaayos ako nang upo at hinawakan ang pen na nasa harap ko, napaayos din siya nang upo at binuklat ang librong nasa harap niya.

"Istorbo" bulong niya, natawa na lang ako.

"Sir Salazar, sabi ni Ms. Dima nasayo daw 'yong kopya ng mga certificates?" Napapikit na lang ako ng ma-recognize ko ang boses na iyon. Ms. Catacutan.

Tumayo na si Sir para harapin siya. Nakasandal na ito sa bookshelf habang naka-crossed arms. Nakikita ko pa ang cleavage nito sa uniform niya na parang sobrang baba ng neckline.

"Ah oo, wait." Dumukot ito sa bulsa niya at inabot ang isang flashdrive, sinadya pa talagang imbes na 'yong flashdrive lang ang hawakan, pati kamay ni Sir hindi pinalgpas, hinaplos niya ito.

Nanggigigil ako! Pigilan niyo akong huwag itulak iyan! Nako kung hindi ko lang teacher iyan baka ginawa ko na nga! Napatalikod na lang ako sa kanila at hindi ko na tiningnan pa.

"Thank you, sir." Seductive na sabi nito. Sana pwedeng hindi makarinig sa mga oras na ito, dahil kahit hindi ko nakikita, alam kong nandyan pa rin si Ms. Catacutan at naglalaro ang kamay sa dibdib ni Sir.

Lumingon ako para i-check, cheetah times seventy! Winish ko na sana hindi ko na lang nga tiningnan. Ang kamay niya ay nasa dibdib na nga nito, hinawakan ni Sir ang kamay niya. "Aiko tumigil ka nga! Magtututor pa kami."

Malanding tumawa si Ms. Catacutan. "Ito naman, see you around sir."

Naiinis ako! Naramdaman ko na lang ang yakap mula sa likod ko. Nakabalot ang mga kamay niya sa akin kaya hindi ko matabig ito gamit ang mga braso ko. Lumambot na naman ang puso ko. Hindi, hindi pwede. "Ano ba, doon ka na nga kay Ms. Catacutan."

Tumawa siya ng konti. "Huwag kang magselos doon."

Tumayo ako at humarap sa kanya. "Hindi ako nagseselos!"

"Sus, hindi nga?" Tumawa siya at hinawakan ang dalawang kamay ko. He pulled me close at niyakap ako ng mahigpit. Naramdaman ko pang hinahaplos niya ang ulo ko at paulit-ulit na sinasabi ang: "Don't worry, ikaw lang ang gusto ko."



Sa bawat araw na dumadaan, mas nagiging special ang turing namin sa isa't-isa, hindi ko nga lang maiwasang mailang sa mga tingin sa akin ng ibang estudyante dahil madalas ngingitian ako ni sir.

Pero okay lang, masaya naman ako. Masaya ako kasi sa akin lang siya ganon, masaya ako kasi masaya kami sa isa't-isa.













Nakita ko agad si Des sa malayo pagkapasok ko. Kakawayan ko na sana siya kaya lang lumapit na siya agad sa akin. She looked serious. Hinawakan niya ako sa braso at hinila ako sa cr. "Des ano bang problema? Kaya kong maglakad okay?"

Binitawan naman niya ako at pumasok na siya sa loob kaya sumunod ako sa kanya. "Mag-usap tayo."

"Okay, ano bang problema?" Tanong ko sa kanya para malaman niyang kahit anong mangyari nandito lang ako palagi.

"Baka gusto mong magkuwento." She said. Walang halong ngiti o tawa, parang hindi si Des ang kaharap ko. "Oo nga pala, mas gusto mong kakwentuhan at kasama ang iba kesa sa akin. 'Di ba?" May bitterness sa boses niya. Mukhang alam ko na ang gusto niyang pag-usapan namin.

"Akala ko ba magkaibigan tayo? Akala ko ba kwentuhan dapat lagi?" Malungkot siyang ngumiti. "Akala mo hindi ko nakita iyong yakapan niyo kahapon ni Sir?" Tinulak niya ako. "Sabi ko na nga ba gusto mo na siya!"

"Des ano ba!" Sinubukan kong hawakan ang kamay niya pero tinatabig niya lang.

"Close na talaga kayo ni sir, 'no? Malamang, nagyayakapan na nga eh." Tinulak niya ako ulit hanggang sa mapasandal ako sa pader.

Tinulak ko din siya. "Ano bang nangyayari sayo, Des? Pwede namang pag-usapan natin ng maayos ito eh!"

"Dahil sayo kaya ako ganito! Bakit ka ganyan Natasha? Akala ko ba hindi mo gusto si sir? Ikaw naman pala itong mas malandi sa atin eh!"

Nagulat ako sa sinabi niya. Pati siya hindi makapaniwala sa lumabas sa bibig niya.

Tinulak ko si Des, malakas, kasi naiinis ako. Naiinis ako kasi sinabihan niya akong malandi. Hindi ko lang alam bakit tumulo 'yong luha ko. "Ang lakas ng loob mong sabihan ako niyan, Desiree!" 

Tumulo din ang luha sa mata niya. "Bakit hindi ba?" Pinahid niya ang luha niya. "Lahat na lang talaga."

Sinampal ko siya. Oo, nasampal ko siya. "Tinuring kitang kaibigan! Paano mo nagagawa ito?!"

Nagulat ako kasi sinampal niya din ako, mas malakas sa sampal ko. "Tinuring din kitang kaibigan at ewan ko kung bakit ba naging kaibigan ko ang isang masikreto at mang-aagaw na kagaya mo!" Tumalikod na siya sa akin at umalis habang naririnig ko pa ang pagmumura niya.

Hinayaan ko na lang siya habang umiiyak pa din ako. Pahid ako ng pahid dito pero hindi eh, ayaw huminto. "Cheetah talaga!" Naiinis ako.

Naiinis ako kasi tinawag niya akong malandi. Pero naramdaman ko na lang na mas naiinis ako kasi nawalan ako ng kaibigan na kagaya ni Des.

Stumbled MistakenlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon