Chapter 5

42 2 0
                                        

"Nes! Aga aga pa, pero ganyan na itsura mo. Anong nangyari sayo?" Salubong ni Des sa akin pagpasok ko ng room.

"Nag-aral ako sa Math." I said. Nagsinungaling ako, hay, baka kasi mamaya, ratratin niya ako ng tanong kapag sinabi ko ang totoo.

"Ang dali dali lang non ah? Na-gets ko na iyon, turuan kita." Alok niya pero iniling ko lang ang ulo ko.

"Huwag na Des, nag-aral na nga ako, 'di ba."

Umupo siya sa tabi ko at inilabas ang cellphone niya. "Ay, nakita mo ba yung status ni Sir Salazar? Kaninang umaga lang ito actually." kumunot ang noo ko.

"May bagong status si Sir Salazar? Asan?"

Tinignan ako ni Des, tapos bigla siyang ngumiti. Hala. "Curious ka ata ngayon?"

"Bakit, masama ba? Ano nga kasi, patingin nga!"

"Oo na po, ito o." kinuha ko ang cell phone niya.

Asdfghjklzcbcnxiepwhaysdkdoukg

Ibinalik ko sa kanya ang cell phone after basahin. Medyo natawa pa nga ako. "Ano iyan? Bakit ganyan ang status ni Sir sa FB?"

Hinampas ako ni Des. "Ngayon nga lang siya nagganyan, ang cute kaya! Sana lagi siyang magstatus." she giggled. I was about to talk to her about my tutorial with Sir Salazar kaya lang, dumating na ang AP teacher naming si Ms. Catacutan.

Actually, hindi applicable ng surname niya sa kanya, imbis kasi katakutan siya, halos lahat ng girls dito, kinaiinisan siya. Flirt daw kasi ito kay Sir Salazar, hindi rin magaling magturo. Hindi ako naiinis sa kanya dahil sa unang dahilan, well, medyo naiinis ako sa kanya sa pangalawang dahilan. Sana ngayon, maayos ang pagtuturo niya. Madalas kasi mag-d-discuss siya pero sasamahan niya ng pakikipagkuwentuhan, nagiging boring tuloy. Hindi naman interesting ang mga kinukwento niya.

Nag discuss siya ng konti tapos after non nagpa-seatwork siya. Napa-face palm na lang tuloy ako.

Bored na bored kong sinasagutan ang seatwork niya, nang bigla niya akong tawagin. "Natasha, may problema ba?"

Tumingin ako sa kanya. Yung tingin niya parang ang taray na nagtatanong talaga kung anong problema ko. Talagang cheetah, nainis ako bigla sa tingin niya. Kung sabihin ko kayang siya ang problema ko just now?

Iniling ko na lang ang ulo ko at nagsimulang magsagot ulit.

Recess ng maikuwento ko kay Des ang first time kong saloobin kay Ms. Catacutan."Yung tingin niya talaga ang taray taray! Nako talaga, ewan ko kung anong problema nang teacher na iyon. Magturo na lang siya nang maayos."

Biglang naki-upo sa table namin si Mike at si Ian Andrade. Nako, si Andrade, kumuha pa ng pagkain ko, loko loko talaga!

"Sino, sino?" pag-singit ni Mike sa usapan.

"Si Ms. Catacutan lang." sagot ni Des. "Nako nakakainis talaga iyan. Ang landi pa kay Sir Salazar. Last time nakita ko sa faculty, todo dikit kay Sir. Nakakainis lang!" nanggigigil na kwento pa niya.

"Ay yung tiningnan ka kanina, Natasha? Nakita ko nga ang taray. Ano resbakan natin?" Sabi ni Mike. Tinawanan na lang namin siya. Ayon, nakinig lang kami sa mga kwento ni Des after non, tapos back to classes na ulit. 

Hindi ko inaasahang ma-e-excite ako sa quiz namin sa Math, dahil kadalasan takot at kaba ang nararamdaman ko, ngayon, gustung-gusto ko ng magsagot!

Binati namin si Sir Salazar pagkapasok pa lang niya, sinagot niya lang kami ng tango, saglit na napatingin ako sa katabi kong si Rena na lowkey ang pagfa-fan girl kay Sir. Halos lahat ng babae sa room ay luluwa na ata ang mga mata kakatitig kay Sir.

"Get one whole sheet of paper." he said so we immediately get one, humingi pa nga si Rena sa akin.

"Iyan, sa susunod bago ka tumitig kay Sir may papel ka na ah?" tinawanan niya lang ako sa sinabi ko.

"Hala sir! Hindi po ako masyadong nakapag-review!" sigaw ng kaklase kong si Melai kaya napatingin si Sir sa kanya.

"Ako rin sir," sabi naman ng katabi ni Melai, ang kakambal niyang si Jelai. "ang gwapo mo po kasi sir!" sabay hagikgik nilang dalawa, gumatong naman ang iba naming kaklaseng lalaki ng 'ayieee' na nagpaingay sa buong classroom.

But knowing Sir Salazar, pinatahimik niya lang ang buong klase at inayos ang salamin niya. "Sa susunod, focus on my lessons, not on my face. Okay, copy and answer."

Sa pagkopya ko ay sinasagutan ko na agad ang mga questions. Parang kusang sumusulat na ang mga kamay ko, pakiramdam ko, perfect score na ang kalalabasan nito.

Oras na para magcheck, parang bago sa paningin ko nang makita ang score kong tatlo na lang ang mali kung chineck ko ang sign, abot tenga ang ngiti ko ng malamang isa lang ang lamang ni Elen sa akin.

Hindi man halata, pero masaya akong pinasa ang papel ko. Pero mukhang mahahalata ata nang banggitin ni Sir ang pangalan ko.

"Elen Rodriguez 38/40."

"Natasha Legaspi, 37/40."

Saglit siyang tumingin sa akin nang mabanggit ang pangalan ko, hindi pumorma ang ngiti sa labi niya, pero kitang kita ko iyon sa mata niya. I can see his smile through his eyes. I'm very sure, I can see it!

Nililigpit na niya ang gamit niya nang nagtanong si Jelai sa kanya. "Sir, happy ka kasi halos lahat kami nakapasa sa long quiz ngayon?"

"Oo naman." sagot niya at saglit na ngumiti, dahilan para lalong mamatay sa kilig si Des. Mukhang gusto na rin niyang bumanat bukod kina Melai at Jelai ah.

"Pinaghirapan namin iyan Sir, para sayo!" I knew it, Des said it.

Sir Salazar answered. "Alam kong pinaghirapan niyo iyan, sana hanggang sa susunod. Goodbye." paalam niya, kilig na kilig si Des na lumapit sa akin.

"Nes! Neeeeees!" hawak na niya ang braso ko habang sinisigaw ang tawag niya sa akin. Niyakap yakap pa niya ako. "Nes!"

"Fruta!" Mike said, nang-aasar na naman. Pero sa sobrang kilig ni Des at sa inis na ako sa kanya, hindi na namin napansin si Mike.

"Nes nakita mo iyon? Yung smile niya shet! My heart just melted like an ice cream on hot summer days!" Okay, this is Des kapag kinikilig siya.

Mabilis ang oras, at ngayon, nakatayo na naman ako sa harap ng library, si Des ayon, isa sa cleaners, pero happy pa rin siya dahil sa smile ni Sir. Sabi pa nga niya kanina: "Sir Salazar's smile is a one year supply for my happiness!" hay nako talaga si Des.

I was about to open the door, nang saktong bumukas din iyon. Si Sir Salazar.

"Hahanapin na sana kita, tara na." all smiles si Sir. Bakit ganon, parang madalas ko siyang makitang nakangiti? Intrigahin ko kaya muna siya bago ang tutorial namin?

"Congrats pala kanina, second to the highest, naks!" pang-aasar niya. Ngumiti ako bago sumagot. "Thanks Sir, kasi tinuturuan niyo ako eh. Oo nga po pala, pinapatanong po ni mama kung wala po ba talagang bayad ito?"

Umiling siya. "Wala nga."

Sumandal ako sa aking upuan. "Pero Sir, if ever daw, sana daw po may bayad. Sir kasi nakakahiya naman kayo pa nagvolunteer dito."

"Ano ka ba, pakisabi sa mama mo, okay lang. Gusto ko lang naman makatulong. Dati kasi mahina din ako sa Math, kaya gusto kong makatulong." he said while flipping the pages of the book in front of him.

Tumango tango ako, nagkaroon ng ilang minutong katahimikan, pero binasag ko. Ang tagal na kasing nasa isip ko. "Sir, bakit nga po pala nag volunteer kayo sa aking mag tutor?" and with that, I caught his attention.

"Gusto ko nga kasing makatulong."

"Eh bakit sa akin pa, Sir? Madami namang mahina sa Math sa room namin, sa mga bata. Pero bakit sa lahat ng estudyante dito, ako pa?"

Sinara niya ang libro, inalis ang salamin, at tumingin sa akin. "Kasi nga, ikaw ang gusto ko."

Stumbled MistakenlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon