Nakasimangot na inilibot ni Keila ang tingin na waring may hinahanap. Kanina pa sya pasikot-sikot sa lugar na iyon pero hindi nya makita ang building na hinahanap.
"Kuya, pwede po bang magtanong. Alam nyopo ba kung saan ang building na ito?" saka ipinakita nya dito ang hawak na papel.
"Ah ito? Doon pa yan sa kabilang kalye."anito "yung kulay blue na building ...iyon yon."
"Salamat po" aniya. Nasa kabilang bahagi pa iyon ng kalye. Kailangan pa nyang umakyat ng overpass para marating iyon. Nagmadali sa paglalakad si Keila para maka abot sa kanyang job interview. "Ito na ba yon?"
Nakita nya ang mahabang pila ng mga tao. "Ito na siguro iyon." aniya saka nakipila na rin sa mga iyon. Naisip nya mahirap talagang maghanap ng trabaho sa panahon ngayon. Kailangan mong makipagsapalaran, tulad ngayon...kailangan nyang pagtiyagaan ang mahabang pila na ito at ang mainit na panahon.
"Ang tagal naman" inip nyang sabi saka sumulyap sa loob. Ang ipinagtataka nya lang, halos ng lumalabas sa silid na iyon..nakangiti at masaya. "Siguro, natanggap sila sa trabaho" aniya sa sarili. Sabagay kahit naman siguro sinong tao magiging masaya kapag natanggap sa trabaho.
"Next please!" naulinigan nyang tawag ng lalaki at sumungaw iyon sa pinto.
"Ikaw na-" nakangiting tapik sa kanya ng katabi.
Tumayo na sya at lumapit sa lalaki. Sumunod sya dito papasok ng silid. Isa lang ang dasal nya sana matanggap din sya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Keila para i-release ang tensyong nadarama.
"Come here-" narinig nyang tawag sa kanya ng lalaki. Sumunod si Keila doon pero ang ipinagtataka nya bakit maraming poster ang nakasabit, may mga tao din sa paligid na may dalang kamera at ang iba nga'y nag vi-video pa. Naisip tuloy nya, napaka high tech naman ng interview na ito.
Sa kabilang bahagi ng silid. May isang table na may naka upong lalaki, may katabi iyong babae at sa bandang likuran may nakatayong lalaki na parang bouncer sa laki ng katawan. Napansin din nyang medyo bata pa ang interviewer, tingin nga nya kaidaran nya lang ito.
"Hurry up please!" narinig nyang sabi ng babae.
"Good Morning Sir"masigla nyang bati dito.
Hindi iyon kumibo pero inilahad nito ang kamay na waring may hinihingi sa kanya. Naisip nya na baka hinihingi nito ang resume nya.
"Wait lang po-" at saka kinuha nya ang resume sa hawak na folder at iniabot iyon sa lalaki. "Here Sir"
"What is this?" kunot noong tanong nito. Maging ang mga tao sa paligid ay tila nagtaka din. "Wheres your CD?" muling tanong nito. Halata na sa tinig nito ang pag ka iritable.
"CD?" taka rin nyang tanong. "Kailangan po bang naka CD ang resume?" aniya. "Naku, sorry po. Hindi po ako na informed." napapakamot sa ulong sabi nya.
"What!?" napasigaw iyon. Binitawan nito ang hawak na pen saka sumandal sa upuan. "Then, what are you doing here kung wala ka namang CD." inis na iyon.
Kinakabahan na si Keila. Nalilito na rin sya. Ano bang nangyayari? Ano bang meron sa CD at parang napakalaking isyu na wala syang dala. Eh, hindi nga sya na informed!
"Ah miss" lapit sa kanya ng lalaki. "Wala ka bang dalang CD na ipa pa sign kay Z-jay?"
"CD na ipa pa sign?" nalilito at takang sabi ni Keila.
"Yes CD"
"Wala po" iling nya.
"So, why are you here?" narinig nyang singhal ng lalaki. Hinubad nito ang suot na shades saka tila galit na tinitigan sya.
Napalunok si Keila sa sobrang kaba. Parang gusto na rin nyang mag panic sa nangyayari.
"Ano po kasi, schedule ko po kasi ng job interview today..." halos mautal nyang sabi. Narinig nyang tila nag tawanan ang mga tao sa paligid. Napansin naman nyang tila lalong nainis ang kaharap na lalaki.
"Ay naku miss...hindi ito iyon. Nagkamali ka ng pinuntahan. CD signing ito ni Z-jay." sabi sa kanya ng katabing lalaki.
"P-po!" halos manlaki ang mata ni Keila. Nahihiya nyang iniyuko ang ulo. Ah, kung pwede nga lang...sana maglaho na lang sya bigla sa lugar na iyon!
"Hindi mo ba sya kilala?" naulinigan nyang tanong ng katabing lalaki.
BINABASA MO ANG
MADE IN HEAVEN (Tadhana) COMPLETED
RomancePaano kung one day ma meet mo ang isang lalaki...not a man of your dream kundi man of your nightmare? Ano ang gagawin mo kung pilit na pinagtatagpo ang landas nyo? Iiwas ka pa ba kung tadhana na ang nagtatakda? Book Cover by: @FLOERUD