Chapter 21

347 19 0
                                    

Napatingin si Keila sa TV ng marinig ang pamilyar na pangalang iyon.

Gaano na nga ba katagal? Ah, isang taon na ang nakalipas.
Mula ng gabing iyon tuluyan nang naputol ang kaugnayan nya dito.

Masaya sya para sa tinatamasa nitong tagumpay. Hindi nya tuloy maiwasang tanungin ang sarili. Naaalala pa kaya sya nito? Kung mag cross kaya ang landas nila, makilala pa kaya sya nito? Dahil sya, kilalang-kilala pa rin ito ng puso nya.

Natawa tuloy sya sa isiping iyon.
"Move on na Keila..." sabi nya sa sarili. "Masyado ka nang napag iiwanan!" saka napailing sya. At sa tingin nya masaya na ito sa piling ni Angelic, ang rumored girlfriend nito. Sa totoo lang, may kirot syang naramdaman pero may karapatan ba syang masaktan?

"Grabe! Gwapo ni Zjay no!" narinig nyang palatak ng katrabaho nyang si Ruby. "Ang Papa Zjay ko!" kinikilig pang palatak nito.

"Crush mo ba sya Keila?" nakangiting tanong nito.

Napatingin si Keila dito. "Ang totoo---" saka muli nya iyong tinignan sa TV.

"Mahal ko sya!!!!!"

Kapwa sila napalingon ni Ruby sa pinagmulan ng tinig. Si Floyd! Ang isa pa nilang katrabaho na deads na deads kay Zjay! Sabay silang natawa ni Ruby.

"Kaloka ka Floyd!" naiiling na sabi ni Ruby.

Muling ibinaling ni Keila ang atensyon sa TV...."Mahal ko sya---" pagkuway sambit nya sa sarili.

"May chika minute ako sa inyo mga faney!"
At saka lumapit iyon sa kinaroroonan nila.

"Ano naman yon?" tanong ni Ruby. Si Keila tahimik lang na nakikinig.

"Na over heard ko lang naman." anito. "May kausap si Manager kahapon, may mag shooting daw dito sa store natin. Di ko lang sure kung sino yung artist" bulong nito.

"Talaga? Naku! Sana si Zjay, balita ko kasi may ginagawa itong bagong movie!"

"Wish ko nga din iyon eh!"

Nangiti si Keila sa reaksyon ng dalawa. Tapos bigla syang napatingin sa pintuan ng dumating ang manager nila na si Ms. Tina, may mga kasama iyon. At tila natigilan si Keila  ng makilala ang isa sa mga iyon. Si Mr.Bryan, ang PA ni Zjay! Kaagad nyang nilibot ang tingin na tila may hinahanap pero bigo syang makita iyon. Kung ganon, totoo nga ang sinabi ni Floyd at possible din na mag katotoo ang sinabi ni Ruby!

Ewan nya, pero tila na excite ang puso nya sa isiping iyon. Mag tatagpo bang muli ang landas nila ni Zjay?

Napayuko sya ng dumaan sa harapan nya si Mr.Bryan, tila abala iyon sa pag che-check sa kabuuan ng cafe. Pero biglang kinabahan si Keila ng huminto iyon sa harapan nya. Kaagad nyang hinila si Ruby para pumalit sa kanya sa counter.

"CR lang ako" bulong nya dito saka nag mamadaling umalis.

"Floyd ako na dyan!" aniya ng makitang hawak nito ang isang flower vase. "Saan ba ito?"

"Ilalagay ko sa table sa labas---"

"Ako na lang!" saka mabilis nya iyong kinuha. Natataranta na kasi sya. Baka makita at makikala sya ni Mr.Bryan!

Pero dahil tila tuliro ang isip nya. Hindi  nya napansin ang isang customer na papasok ng pintuan. Nabangga nya iyon! At napasubsob sya dito!

"Naku!! Sorry po!" ani Keila lalo na ng natapon dito ang tubig na laman ng vase.
"Hindi ko po sinasadya" saka tiningala nya iyon. Pero natigilan sya at biglang na paatras! Hindi sya pwedeng magkamali si Zjay ang lalaking nasa harapan nya. Bagamat naka cup iyon at may suot na shades. Sinalakay ng matinding kaba ang dibdib nya, tila nanlambot sya. "S-sorry!" aniya saka bigla syang tumalikod.

"Wait!" narinig nyang tawag nito.

Napahinto si Keila. "Naku po! Nakilala ba sya nito?"

"Can I have a tissue?" sabi nito.

Nilingon nya iyon. "H-huh?" taka nya.

Itinuro nito ang nabasa at nadumihang damit.

"Ah, y-yes Sir!" aniya saka nag mamadaling iniabot dito ang box  ng tissue. Ewan nya kung napansin nito ang panginginig nya.

"Thanks--" anito saka pinunasan ang damit.

"Sorry po--" nahihiya nyang sabi dito.

"Be careful--" narinig nyang sabi nito bago tuluyang pumasok sa loob ng cafe.

Sinundan iyon ng tingin ni Keila.
Hindi na ba sya kilala nito?
Tuluyan na ba sya nitong nakalimutan?
Nalungkot sya sa isiping iyon!

And....it hurts!









MADE IN HEAVEN  (Tadhana) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon