Chapter 9

402 24 0
                                    

"Tulungan ko na po kayo!" ani Keila sa isang babaing nasalubong nya sa hallway na halos di magkandaugaga sa dala dala nito.

"Ay thank you!" natuwa nitong sabi. Sinamahan nya iyon hanggang sa parking lot.
"Pasuyo na lang din..pwede bang paki salansan ang mga iyan sa loob. Sagutin ko lang ito."

"Sige po!"  ani Keila saka pumasok sya sa loob ng Close Van para ayusin ang mga costume. Isang damit ang kumuha ng atensyon nya. Isa iyong red latina dress.
"Ang ganda naman nito!" sabi nya habang  tinitignan iyon. May nakasulat doon. "Angelic?" naisip nya iyon siguro ang gagamitin ng dalaga. Maingat nya iyong ibinalik sa lalagyan at saka sinabit. Actually, maraming costume sa loob ng Van. May mga props din. Abala sya sa ginagawa ng biglang sumara ang pintuan ng Van. Mabilis syang lumapit doon saka kumatok. "May tao po dito!" sigaw nya pero wala pa ring nagbubukas ng pinto. Maya maya naramdaman nyang umandar na iyon.
"Naku po!! Saan ba papunta ito!" halos maiyak iyak nyang sabi. Pasalampak syang naupo saka inilibot ang tingin. Punong puno iyon ng mga costume at props. Hindi nya alam kung ilang oras silang nagbiyahe pero napatayo sya ng bigla iyong huminto. Kaagad syang lumapit sa pintuan at nagulat pa ang babaing tinulungan nya ng makita sya doon.

"Napagsarhan nyo po ako ng pinto-"

"Naku pasensya na." halos hiyang hiya iyon. "Bakit di kayo nag check! Sorry ha!"

"Okay lang po!"  saka lumabas na sya. "Babalik na lang po ako"

"Wait! Samahan mo na lang ako. Kakausapin ko na lang yung supervisor mo. Tulungan mo na lang akong dalhin itong mga costume. Dont worry, akong bahala."

"S-sige po"

Dinala nila ang mga costume sa dressing room.

Nasa backstage sila naka pwesto at mula doon tanaw nya ang stage pati na rin ang upuan ng mga fans. Napakaraming mga fans ang naka abang na kina Zjay at Angelic. Halata sa mukha ng mga iyon ang excitement. Naisip nya, napaka sikat talaga ni Zjay!
Napukaw din ang pansin nya ng isang grupo na tila nagkakagulo. Pamilyar sa kanya ang mga iyon. Si Ms.Eva na manager ni Zjay, Mr.Bryan na PA ng binata at si Mr.Art na choreographer nila  Zjay.
Hindi nya alam kung ano ang pinag uusapan ng mga iyon pero sigurado sya...something is wrong.

"Ano nang gagawin natin? Bakit ngayon pa?" problemadong palatak ni Ms.Eva.

"Oo nga, ano ba kasing nangyari sa girl na iyon!" palatak naman ni Bryan.

"Did you call Zjay?"

"Yes Ms. Eva, alam na nya ang nangyari"

"What are we going to do Art? Hindi pwedeng sumayaw si Angelic kung may pilay sya!"

"Wait, need  natin ng substitute. Yung mag papanggap na si Angelic. Pero di ako pwedeng humugot sa mga dancers dahil masisira yung formation."

"So anong gagawin natin? Saan tayo kukuha ng substitute. Saka were running out of time!"

"We have to do something!" ani Art saka nilibot nito ang tingin. Isang pamilyar na mukha ang nakita nito. "Youuuuu!!!" malakas na tili nito. Sanhi para magulat si Keila at mapatingin doon. Nagtaka sya dahil nakatingin iyon sa kanya at nakaturo.
Kinabahan tuloy sya, wala naman syang ginagawa. Nakatayo nga lang sya doon eh!!

"Ikaw!!"  halos mapalundag iyon sa sobrang tuwa. Mabilis iyong lumapit sa kinaroroonan nya. "Hulog ka  ng langit!" tili nito. "Ikaw na nga!!"

"A-ako po?" naguguluhang tanong ni Keila.

"Yes, ikaw ang solusyon sa problema namin"

MADE IN HEAVEN  (Tadhana) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon