"May lakad ka ulit anak?" tanong ni Aling Mercy kay Keila ng makitang nakabihis ito.
"Opo Ma. Mag aapply ulit ako"
"Di ba't kaka apply mo lang kahapon?"
"Opo. Gusto ko po kasing maraming apply-an para mas malaki ang chance na makakuha ako ng work." hindi na nya ikinuwento ang nangyari sa kanya kahapon.
"Alis na po ako Ma"
"O sige. Mag ingat ka."
"Opo-" ngiti nya sa Ina bago tuluyang umalis.
Nagpakawala ng isang buntong-hininga si Keila saka ngumiti. "salubungin at ulanin sana ako ng swerte today" dasal nya.
Hapon na ng matapos ang job interview nya. Naisipan nya munang pumunta ng mall at mag palipas oras. Naglibot libot muna sya. Nang mapukaw ang pansin nya ng isang grupo ng kababaihan ang nagkakagulo na tila may hinahabol. Napailing tuloy sya.
"Mga kabataan talaga oh!" naiiling nyang sabi saka nag patuloy na sa paglalakad. Naisipan na rin nyang umuwi dahil pahapon na. "Sana okay yung interview ko ngayon." aniya saka may bigla syang naalala. "Nasaan na yon?" saka kinapa nya ang bulsa ng pantalon. "Naku, nawawala pa yata" taranta nyang sabi saka huminto sya at hinalungkat ang bag.
Samantala, isang lalaki ang tumatakbo na patungo sa kinatatayuan ni Keila at dahil na rin sa pagmamadali ng lalaki, hindi nito napansin si Keila at bumangga sya dito.
"Aaayyy!" napatili si Keila. Muntik na syang matumba, mabuti na lang at mabilis syang nahawakan ng lalaki habang napakapit naman sya sa braso nito. At dahil sa pagkakabangga nilang iyon, sumabit ang lace ng damit nya sa chain ng suot nitong jacket. "Sandali lang" pigil nya dito ng akma iyong tatakbo. Nagmamadali nyang inalis ang pagkakabuhol non pero dahil na rin sa kalikutan nito lalo pa iyong nabuhol.
"Hurry up!" anito.
Inis na tinignan iyon ni Keila. Nakasuot iyon ng shades at naka cup kaya hindi nya makita ang mukha nito.
"Ang gulo mo kaso eh!" ingos nya dito.
"They are coming!" narinig nyang sabi nito.
"What?" aniya saka napansin nya ang isang grupo na tila papalapit sa kanila. "Snatcher ka ba?" takot nyang tingin dito.
"What? Are you crazy?" singhal nito sa kanya. "Lets go!" anito saka hinawakan sya at hinila patakbo. Wala nang nagawa si Keila kundi sumunod na lang dito.
Habang tumatakbo, sinulyapan nya iyon.
Ano bang nangyayari? Sino ba ang lalaking ito? Nang makatiyak na hindi na sila na sundan, huminto na sila sa pagtakbo. Parehas silang hingal at pagod na pagod. Nanakit na nga rin ang paa nya dahil naka heels sya."Take it off!" narinig nyang sabi nito.
Nagmamadali naman iyong inalis ni Keila.
"Ayan, natanggal na!" natuwa nyang sabi."Next time kasi, huwag kang paharang harang sa daan!" galit na sabi nito.
Inis iyong hinarap ni Keila. Sya na nga itong nakabangga, ni wala man lang syang narinig na sorry dito at ito pa ang may ganang magalit.
"Ikaw nga itong hindi tumitingin sa dinaraanan mo e!"
Napasimangot iyon "so, kasalanan ko?"
"Oo, kasalanan mo!"
Napangisi iyon saka tumingin sa kanya.
Natigilan si Keila. "You look familiar" aniya na pilit inaalala kung saan nya ito nakita.
Tinitigan din sya nito.
"Wait..I think I saw you before" narinig nya ding sabi nito.
Kapwa sila nagkatinginan at tila nagulat ng makilala ang isa't-isa.
"IKAW!?" sabay pa nilang sabi.
BINABASA MO ANG
MADE IN HEAVEN (Tadhana) COMPLETED
RomancePaano kung one day ma meet mo ang isang lalaki...not a man of your dream kundi man of your nightmare? Ano ang gagawin mo kung pilit na pinagtatagpo ang landas nyo? Iiwas ka pa ba kung tadhana na ang nagtatakda? Book Cover by: @FLOERUD