Chapter 20

349 20 0
                                    

"Zjay, are you not bother at all?" galit na sabi ni Ms. Eva dito. "Do you have any idea kung ano nang nangyayari sa Career mo? Kung hindi mo ito aayusin lahat ng pinaghirapan at sakripisyo natin mababale wala. I'm sorry but we need to do something about this. Break her up!"

"Ms. Eva!" gulat na napatingin si Zjay dito.

"Pinag bigyan na kita. This time, ako naman ang pagbigyan mo. You know, your like a son to me thats why concern ako sayo. Lahat ng ginagawa ko para sayo kaya hindi ako papayag na mapunta sa wala ang lahat ng paghihirap natin. Are you willing to loose everything?"

Natigilan si Zjay.

"Kung nahihirapan kang kausapin sya...I'll do it--"

"No!, I'll do it!"

"Talked to her And ako nang bahala mag release ng statement. Bryan, mag set ka ng press conference about Zjay and Keila's Break up---"

"Yes Ms.Eva--" malungkot na sabi ni Bryan.

Mabigat at malungkot na nilisan ni Keila ang lugar na iyon. Narinig nya ang lahat ng pinag usapan nila Ms. Eva at Zjay.

Syempre, hindi nito ipag papalit ang lahat ng karangyaan at kasikatan sa isang tulad lang nya. Saka wala naman dapat tapusin, dahil wala namang nasimulan. Ang lahat ay kasinungalingan lang at makakabuti nga kung tatapusin na ito.

Pero hindi rin maiwasang malungkot ni Keila.  Ah, kasalanan din nya dahil hinayaan nyang mangyari ang lahat. At ang pinaka worst?...hindi nya pinigilan ang puso nya na mahalin ito.

"Z-Zjay!" sagot ni Keila sa phone. Pinilit nyang maging kalmado. "Napatawag ka-"

"Can we meet tomorrow? I have something to tell you" anito.

"S-sure"

"Okay. I'll see you"

Naisip nya, makiki pag break na ito sa kanya at kailangan nyang pag handaan yon.

Kinabukasan, isang text message ang na recieved nya mula kay Zjay. Pinapunta sya nito sa office sa private room nito.

Isang box ang nakita nyang nakapatong sa kama nito. Binuksan nya iyon. Isang dress ang laman non at may message na iyon daw ang suotin nya. Hindi na sya nag isip pa. Sinunod na lang nya kung ano ang bilin ng binata. Pagkabihis nya, may sasakyan ng naka abang sa kanya para ihatid sya kung saan naghihintay na sa kanya ang binata.

"Hi!" nakangiting salubong sa kanya ni Zjay.

"Hi!"ngiti din nya dito. Napaka gwapo naman nito sa suot nito. Iginiya sya nito papasok. At isang napaka gandang garden ang bumungad sa kanya. Para iyong isang paraiso.

"Anong meron?" tanong nya.

"Its our date." tugon ni Zjay.

"What?"napakunot noo sya.

"Naisip ko kasi, as your boyfriend hindi ko ito nagawa for you. Gusto kong gawin at iparamdam sayo yung mga bagay na dapat noon ko pa ginawa."

Napatitig sya dito. "Zjay, you dont have to do this--"

"But I want to do this--"

At ipinaramdam nga nito sa kanya ang isang tunay na date.

"Shall we dance--" saka inilahad ni Zjay ang kamay na malugod namang tinanggap ni Keila. At sumayaw sila ni Zjay sa saliw ng romantikong awiting iyon.

"Thank you--" narinig nyang sabi nito. "Alam ko hindi naging madali syo ang pag pasok sa mundo ko. At gusto kong iparamdam sayo, na dito sa mundo ko..Hindi ka lang si Keila Marie Guzman."

Napatingin si Keila dito. "Dahil ngayong gabi...Ikaw ang Prinsesa ko--"

Hindi alam ni Keila kung ano ang sasabihin.
Nung mga oras na iyon..punong puno ng kasiyahan ang puso nya. Mahigpit syang niyakap ni Zjay. "Gusto ko...maging magandang memory ako sayo" anito. "You know what I mean right?"

Kumalas sya sa pag kakayakap dito saka  ngumiti.

"Thank you for this night" pigil nya ang luhang gustong kumawala sa kanyang mata.
"Ganito pala ang feeling ng isang Prinsesa...masaya,masarap!" saka tumawa sya. "Paano ba yan Prince? Its already 12 o'clock...I need to go now kasi babalik na ang lahat sa dati"

Alam din nya na nalulungkot din ito.
Bumitiw na sya dito at tumalikod na. Mabigat ang mga paang nilisan nya ang lugar na iyon. Dire-diretso sya, ayaw nyang  huminto at lingunin ang binata. Kahit gustong gusto nya pinigil nya ang sarili. Natatakot kasi sya na kapag ginawa nya, hindi na nya maitago ang tunay nyang nararamdaman.

Ito na ang wakas ng isang magandang panaginip.

At tuluyan nang dumaloy ang luha ni Keila.

Masakit...masakit na masakit!

Sabi nila, ang swerte daw nya. Para daw isang Fairy tale ang love story nila ni Zjay. Iyon din ang paniniwala nya dati na lahat ng Fairy Tale maganda at masaya.

Pero....hindi pala lahat ng Fairy Tale happy ending....



MADE IN HEAVEN  (Tadhana) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon