Chapter 16

365 18 0
                                    

Nadatnan ni Keila na nagluluto ang ina. Sa totoo lang hindi nya alam kung paano ipapaliwanag ang lahat, dahil kahit sya nalilito sa nangyayari.

"Nandyan ka na pala. Magbihis ka na para makakain na tayo" anito ng makita sya. Alam nya kahit hindi ito magsalita batid nyang alam na nito ang balita.

"Sorry Ma-" malungkot nyang sabi dito.

Ngumiti iyon. "Kung ano man ang dahilan mo, mauunawaan ko. Husgahan ka man ng buong mundo, hindi pa rin magbabago ang pagtingin namin sayo."

"Ma--" na touched sya sa sinabi ng ina. Napakaswerte nya at mayroon syang mapagmahal at maunawaing ina. Kaya kailangan nyang sabihin dito ang buong katotohanan. "Ang totoo Ma--" pero hindi nya naituloy ang sasabihin ng makarinig ng sunod sunod na katok sa pintuan. Nilapitan nya iyon at binuksan.

"Hi!" isang nakangiting Zjay ang bumungad sa kanya.

Gulat na gulat si Keila. Anong ginagawa ng Mokong na ito sa bahay nila?

"Sino yan Keila?" narinig nyang tanong ng Ina. Isasara nya sana ang pinto pero mabilis na pumasok ang binata.

"Good Evening po!" bati nito kay Aling Mercy.

"Good Evening Iho"anito. "May bisita ka pala"

Walang maisagot si Keila kaya napangiti na lang sya.

"Aayusin ko lang ang dining table para makakain na tyo" paalam nito saka muling bumalik sa kusina.

Nang makaalis ang Ina. Binalingan nya ang binata.

"Anong ginagawa mo dito?" halos pandilatan nya iyon.

"Well, naisip ko na kung mag e-explain ka sa family mo about what happened dapat samaha kita. You dont have to do it alone."

Napatitig sya dito.

"What?" narinig nyang tanong ni Zjay. Napansin siguro nito ang pagbabago ng reaksyon ng mukha nya. Ngumiti iyon.
"Am I cool?" anito.

"Anong cool" singhal nya dito. "Kutusan ko kaya ito!"bulong nya sa sarili.

"Idol Zjay!?" kapwa sila napalingon sa pinagmulan ng tinig. Si Carlo, gulat na gulat iyon ng makita ang binata. "Tama nga ang ang balita. Boyfriend ka ni Ate!" saka masaya iyong yumakap sa binata.

"Oh!Hi buddy!" nakangiting bati ni Zjay dito.

"Ang saya naman ng Biryhday ko! Salamat Ate! Poster lang na may pirma ni Idol ang gusto kong i-gift mo sa akin pero dinala mo sya dito in person! Thank you Ate!" masayang masayang sabi ni Carlo.

"Carlo--" ani Keila at akmang hihilain iyon pero kaagad syang pinigil ni Zjay.

"Hi Carlo, Happy Birthday?"

"Thank you Idol! Masaya na ko dahil nandito ka. Thank you Ate!"

Napatango at napangiti na lang si Keila.

"Carlo magbihis ka na para makakain na tyo."

"Opo Ate--"

Nang maka alis si Carlo kaagad nyang hinarap ang binata.

"kaya ko nang i handle ang gulong dinala mo. Makakaalis ka na-"
Saka hinila nya iyon palabas ng pinto.

"Uuwi ka na ba Iho? Kumain ka na muna" ani Aling Mercy.

"Opo!" nakangiting sagot nito. Tinitigan iyon ng masama ni Keila. "Masamang tumanggi sa grasya! and birthday ni Carlo. I should join the celebration" anito saka nagmamadaling sumunod kay Aling Mercy.Wala naman nang nagawa si Keila.

"Pasensya na Iho. Ito lang ang maiihain namin sayo"

"No problem po." anito saka kumuha ng pansit. "Ang sarap po!"

"Salamat,sige kumain ka ng marami."
At masaya nilang pinagsaluhan ang simpleng handa ni Carlo.

Nang matapos kumain, akala ni Keila aalis na iyon pero nakipag kwentuhan at nakipaglaro pa iyon kay Carlo.

"Mukhang okay naman sya--"narinig nyang sabi ng Ina. "Kung masaya ka, masaya din kami para sayo."

"Ma---" nasabi na lang nya.

"Sige na. Samahan mo sila doon."

Nilapitan ni Keila ang dalawa.

"Ate, tignan mo ito oh! May poster na ako at CD ni Kuya Idol"masayang sabi ni Carlo.

Tumango at ngumiti si Keila.

"Ahm, Carlo. Gabi na. Need ng umuwi ni Zjay"

"Ganon po ba. Sige po. Salamat Kuya Idol sa gift at pagpunta ha!"

"Its nothing. Be a good boy ha"

"Opo. Dalaw ka ulit Kuya--"

"Ahmm"

"Busy si Zjay-" agaw ni Keila sa sasabihin nito.

"But I will try--"

Nagpaalam muna si Zjay kay Aling Mercy bago tuluyang umalis.

Lalo tuloy syang nainis dito. Feeling nya kasi lalo lang nito pinalala ang sitwasyon.
Hay, Ano ba yan...may kakambal ba syang malas?

MADE IN HEAVEN  (Tadhana) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon