Chapter 14

356 21 0
                                    

Napuno ng ingay ang buong room sa sinabi ni Zjay. Lahat ay nagulat.

Si Keila, titig na titig sya kay Zjay. Ano bang ginawa nito? Anong sinabi nito?

"You mean Zjay, may reladyon kayong dalawa?" tanong ng isang reporter.

Napatayo si Keila. "Ahm...Ano po kasi-"

Pero kaagad na pinutol ni Zjay ang sasabihin nya. Lumapit iyon sa kanya saka hinawakan ang kamay nya.

"Yes, may relasyon kami. And we love each other!"

"Ano bang pinagsasabi mo dyan?!" bulong nya dito.

"Pero bakit ngayon lang kayo umamin?"

"Because I want to protect my girl! Shes a simple person at hindi sanay sa ganito. Thats why we hide our relationship. I am sorry!" saka hinila nito si Keila paaalis sana sa lugar na iyon.

"Explain us Why?" pahabol na tanong ng mga iyon.

Napahinto si Zjay saka muling humarap sa mga iyon.

"Do you want me to explain how and why it happened?" napangiti si Zjay. "Pag nagmahal ba tayo kailangan ba laging may dahilan? Di ba nga..love comes to the most unexpected way, no signs, no warnings, no reasons at all. We started that way...so here we are!" anito saka tinitigan si Keila na nooy nalilito na sa tinatakbo ng sitwasyon!

"Ay naku naman. Lalo lang nya pinalala ang sitwasyon!" inis na sabi ni Keila sa sarili.

"What about you Ms. Keila? Anong namang masasabi mo?" baling ng isang reporter dito.

"H-huh?" nataranta si Keila. Sa totoo lang wala syang maisip na sabihin. Wala ito sa script!

"I answered all your questions. We already cleared things. I guess, thats enough." ani Zjay saka muling hinawakan ang kamay ni Keila at umalis na sila sa lugar na iyon.

"What was that Zjay?" galit na salubong sa kanila ni Ms.Eva. Saka binalingan si Keila. Napahigpit ng kapit si Keila sa kamay ng binata.

"I will explain!" ani Zjay saka iginiya nito si Keila.

"Ahhh!! Cute nilang tignan!" tili ni Bryan. "Kinikilig ako sa kanila!" sabay lingon sa katabi. "Ops! Sorry--" anito ng makitang si Angelic pala iyon.

Nakasimangot iyon. Halos hindi maipinta ang mukha.

"She ruined everything!" anito saka matalim ang mga matang ipinukol kay Keila. At galit na umalis.














MADE IN HEAVEN  (Tadhana) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon