Chapter 19

353 20 0
                                    

"Wheres Keila?" bulong na tanong ni Zjay kay Bryan. Nagpalinga linga iyon at hinanap ang dalaga sa karamihan ng mga taong nandoon.

"Naku, hindi ko napansin. Nasaan na yon?" at saka tumayo iyon at hinanap din ang dalaga. " titignan ko sa labas-" anito ng di makita ang dalaga. Paalis na sana iyon ng pigilan ito ni Zjay.

"I'll go--" anito.

"But Zjay, mag uumpisa na ang palabas" ani Ms. Eva dito. "Si Bryan nang bahala--"

"No! I brought her here. Shes my responsibility!" anito at dali dali iyong tumayo at umalis.

"Zjay!" tawag ni Angelic dito pero tila hindi sya narinig ng binata.

"Ay, that guy! He really loves her!" kinikilig na palatak ni Bryan habang sinusundan ng tingin ang papalayong binata. Pero agad iyong napatahimik ng makita ang nakasimangot at nangangalit na tingin ni Angelic. "Ooppss....sorry!" nasambit na lang ni Bryan.

Samantala, halos di mapakali si Zjay lalo na ng hindi makita sa labas si Keila.  Kinuha nya ang cellphone saka tinawagan iyon ngunit di nya iyon makontak.

"Where is she?" nag aalalang sabi ni Zjay  saka minabuti nyang pumunta sa parking para kunin ang kotse at hanapin iyon.
Ngunit natigilan sya ng makita sa loob ng kotse ang dalaga, nakapikit ang mga mata nito. Dahan dahan syang lumapit doon at sinilip ang dalaga. "This girl....pinag alala ako!" yumukod ito saka nakangiting pinagmasdan ang nahihimbing na dalaga.

Nasa ganon syang pusisyon ng biglang dumilat ang mga mata ni Keila. Natigilan si Zjay at  nagulat naman si Keila.

"Zjay!" napabalikwas si Keila at saka binuksan ang bintana ng kotse. "Sorry.." anito. "Tapos na ba?"

"Huh?" ani Zjay "Hindi pa--"

Nagmamadaling lumabas ng kotse si Keila.
"Bakit ka nandito? Di ba dapat sinamahan mo si Angelic doon?"

Nangiti si Zjay. "Eh, Ikaw bakit ka nandito?"

Napakamot sa ulo si Keila. "Naiilang kasi ako. Hindi ako komportable. Baka makasira lang ako ng moment nyo--" tila nahihiyang sabi ni Keila. " balikan mo na si Angelic doon...mag hihintay na lang ako dito."

Pero nagulat si Keila ng biglang pumasok ng kotse si Zjay. Sumunod doon si Keila. "Baka hanapin ka nila?"

"Nakaka stress na doon. I need some fresh air!" saka pinaandar nito ang sasakyan.

"Saan tyo pupunta?"

"Sa lugar kung saang tahimik...yung makaka relax ako!" anito.

Wala ng nagawa si Keila ng paandarin ni Zjay ang kotse. Ilang oras din silang nag byahe. Hindi sya masyadong pamilyar sa lugar. Ipinarada ni Zjay ang kotse kung saan tanaw nila ang kabuuan ng manila. Tahimik nga sa lugar na iyon. Lumabas sila ng kotse at naupo sa may hood  ng kotse. Tahimik nilang pinagmasdan ang ganda ng paligid.
Saka dinama ang malamig na simoy ng hangin.  Tumingala si Keila saka pinagmasdan ang maliwanag na buwan at ang mga kumikinang na bituin.

Naisip nya, si Zjay ang bituing iyon..kaya lang nyang pagmasdan mula sa malayo. Hindi nya kayang hawakan at kahit kailan hindi nya kayang abutin.

"Make a wish---" ani Keila.

"What?" lingon ng binata dito.

"Sabi kasi nila, kapag may makita kang malaki at makinang na bituin...mag wish ka lang at magkaka totoo daw iyon"

Nangiti si Zjay. "Naniniwala ka doon?"

"Wala namang masamang maniwala"

Tumango si Zjay saka tumingala sa langit at ipinikit ang mga mata.

Pinagmasdan iyon ni Keila. "Sana maabot ko ang bituing ito."aniya sa sarili. Pero kaagad nyang ibinaling sa ibang direksyon ang mga mata ng dumilat si Zjay.

"Anong wish mo?" usisa nya dito.

"Sabi nila, huwag mo daw ipag sasabi kung ano yung wish mo...it will never come true."

Napasimangot si Keila, pag kuway ngumiti din. Ngumiti na rin si Zjay. Saka muli silang tumingala at sabay na pinag masdan ang ganda ng kalangitan.

This is the best moment...You dont need to talk but you enjoyed each others company.







MADE IN HEAVEN  (Tadhana) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon