Chapter 18

357 20 0
                                    

Marami nang tao sa pag dadausan ng Premier night ng dumating sila ni Bryan. May mga taga press people na rin ang mga nakaabang doon. May mga kilalang personalidad din syang nakita mula sa entertainment industry and politics. Nandoon rin ang mga fans nila Zjay at Angelic. Hindi nya tuloy maiwasang kabahan. Naisip nya tuloy...nababagay ba sya sa ganitong uri ng mundo?

"Lets go Ms. Keila---" narinig nyang sabi ni Bryan.

"Wait--" aniya. "Kinakabahan ako. Baka hindi makatulong kay Zjay ang pag attend ko dito."

"Dont say that. Mas need ni Zjay ang support mo--"ani Bryan.

"Pero---"

"Im sure He wants you to be by his side." ngiti sa kanya ni Bryan. Nang biglang mag ring ang Cellphone nito. "Yes Zjay?..
We will be there!" pinatay nito ang phone saka tumingin kay Keila "Lets go?"

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Keila.

"Kaya ko ito...I should do this---" saka binuksan nya ang pintuan ng kotse.

Samantala, mula sa di kalayuan. Natanawan na ni Zjay si Bryan at napatitig sya sa kasama nitong babae. Napangiti sya at hindi nya maiwasang humanga dito.
Si Keila, lalong lumitaw ang kagandahan ng dalaga. Para iyong isang Prinsesa. Hindi namalayan ni Zjay....iginiya na sya ng mga sariling paa papalapit sa dalaga.

"Bryan, di ba parang awkward? Feeling ko halos lahat sila nakatutok ang mga mata sa akin --" nahihiyang sabi ni Keila saka yumuko iyon.

"Well, its because....you looked beautiful tonight--" sabi ng isang pamilyar na tinig.
Natigilan si Keila saka iniangat ang ulo.

Si Zjay! Napatitig sya dito! Napaka gwapo nito!

Nakita nyang ngumiti iyon saka inilahad ang kamay sa kanya.

"Sinusundo kana ng Prinsipe mo!" bulong sa kanya ni Bryan,hindi nito maiwasang kiligin.

Bantulot na iniabot nya ang kamay sa binata.

"Relax--" narinig nyang sabi nito. Naramdaman siguro nito ang tensyon nya.
"Im just here--" saka ngumiti iyon.

Ngumiti si Keila saka mahigpit na kumapit sa braso ng binata.

Sinalubong sila ng mga press people. Halos sunod sunod na flash ng camera ang bumungad sa kanila. At magiliw din syang ipinakikilala nito sa mga iyon.

"Shes my Girlfriend!" magiliw na sabi ni Zjay sa mga iyon. Napatingin si Keila dito. Hindi nya alam, pero may hatid na kaligayahan sa puso nya ang mga katagang binibitawan ng binata.

"Hi Zjay!" salubong sa kanila ni Angelic.

"Hi!"tugong bati ng binata dito.

Tinapunan sya ng tingin ni Angelic. Tinugon nya iyon ng isang ngiti.

"Ms. Angelic, Ms. Keila...can we take you picture together?"

"Sure--" paunlak ni Angelic kaya hindi na rin nakatanggi si Keila.

"Wait me here---" ani Zjay ng tawagin ito ni Ms.Eva.

Pumuwesto na sila ni Angelic at sunod sunod na ang flash ng camera sa kanila.

"Umattend ka talaga!" narinig nyang bulong na sabi nito. "You think, dahil naayusan at nabihisan ka ng ganyan...bagay ka na sa mundo ni Zjay? Wake up! Cant you see..mag kaiba kayo ng mundo...langit sya at lupa ka." saka humarap iyon sa kanya at bahagya syang niyakap. "Sa mundo namin...isa ka lang basura!" bulong nito sa kanya.

Pigil ni Keila ang inis, ayaw nya iyong patulan kaya isang matamis na ngiti ang tinugon nya dito.

"But still....I have Zjay!" aniya.

Nakita nya ang galit na rumihistro sa mukha nito. Nag mamadali iyong umalis at lumapit sa kinaroroonan ng binata.

Na busy na sina Zjay at Angelic sa pag po promote ng kanilang pelikula. Lahat din ng atensyon at focus ng mga tao ay nasa dalawa na.

Mula sa kanyang kinatatayuan, napatingin sya sa binata at bigla nyang naisip...
Marahil nga tama si Angelic...
Hindi sya nababagay sa mundo nito.
Kung baga sa pelikula...isa lang syang extra once na matapos ang eksena...hindi kana kailangan, ni hindi ka nga matatandaan ng mga taong nakapanood sayo. Mawala ka man, walang makakapansin at walang mag hahanap sayo.

Napabuntong hininga si Keila.

"Tama isa lang akong Extra---" aniya sa sarili at saka malungkot nyang nilisan ang lugar na iyon.

MADE IN HEAVEN  (Tadhana) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon