Chaptet 6

453 23 0
                                    

Maaga pa lang nakagayak na si Keila. First day nya sa work at ayaw nyang ma late.

"Good Morning Ma'am! " bungad nyang bati. "I'm Keila Marie Guzman. Pinag rereport po ako today."

"Okay. Wait lang ha" anito saka may tinignan sa record. "Ms. Guzman--"

"Yes Ma'am"

"Sa ngayon kasi Service staff lang ang available position namin ngayon."

"Okay na po ako doon Ma'am" ngiti nya dito.

"Are you sure?" parang nagulat pa iyon.

"Yes ma'am! Hindi naman po ako mapili sa work." aniya.

"Parang hindi ka bagay sa ganong work-"
Anito saka tinignan sya. "Sa totoo lang...para ka kasing anak mayaman. Maganda ka saka ang kinis ng kutis mo baka hindi ka sanay sa ganong work-" tila may pag aalangan sa boses nito.

"Naku wala pong problema. Sanay po ako sa ganong gawain"

"Sigurado ka talaga?"

"Opo Ma'am" naisip nya magiging choosy pa ba sya. Saka its better than nothing.

"Okay sige. Mamaya I-o-orient kyo ng Head Supervisor nyo then saka I-a-assign ka sa place of work mo." anito.

"Yes ma'am" nakangiting tugon ni Keila.

Maya-maya nga'y nag sidatingan na ang mga kasama nya at ilang saglit pa'y nag simula na ang orientation. Sinabi na rin sa kanila kung saan sila naka assign.

Maraming opisina sa naturang building. Isang talent agency at advertising company ang na assigned sa kanya.

"Swerte mo naman. Makakakita ka ng mga artista!" sabi sa kanya ng isang kasamahan ng malaman kung saan sya na assigned.

Isang matamis na ngiti ang tinugon nya dito. "Ok sige...punta na tyo sa assigned place natin" aniya.

"Oo nga-" at nag paalam na sila sa isa't isa.

Tinungo na nya ang opisina. Maganda at malaki iyon. Napaka sosyal ng ayos nito sabagay karamihan ng pumupunta dito celebrity kaya ganon na lang kaganda ang ayos nito. Inilibot nya ang tingin. Meron iyong dance studio at music room. Sa kabilang bahagi nandoon ang executive office at isang room na hindi nya alam kung ano dahil may nakalagay na restricted area. Sinimulan na nya ang paglilinis. Mabilis ang kilos nya dahil ilang sandali na lang at mag sisidatingan na ang mga tao doon. Paalis na sana sya ng may tumawag sa kanya.

"Excuse me!"

"Yes Ma'am" nakangiting lingon nya dito.

"Paki linisan din ang room na iyon" saka tinungo nito ang room na may nakalagay na restricted area at saka binuksan.

"Sige po-" sumunod sya dito. Pasilip syang pumasok sa room at namangha sya sa nabungaran. Napakalawak at napaka ganda ng loob nito parang isang executive suite ng isang five star hotel. Kumpleto iyon sa gamit at may sariling salas. May mga music instrument din. Napangiti sya ng makita ang isang piano. Dahan-dahan syang lumapit doon. Naisip nya mahilig sa musika ang may ari ng room na iyon. Natanong din nya sa sarili kung sino kaya ang Pinagpala ng Diyos na may ari ng kwartong ito. Nang matapos sya kaagad din syang lumabas.

Nag dadatingan na ang tao doon ng lumabas sya. Tama nga ang sinabi sa kanya ng kasamahan kanina mga artista nga ang mga tao doon. Hindi nya tuloy maiwasang mamangha. Isang paparating na babae ang pumukaw ng pansin nya. Napaka ganda non, sa porma at aura nito halatang sikat na celebrity iyon.

"Your blocking my way" mataray nitong sabi ng makasalubong sya.

"Sorry po-" aniya saka tumabi sya para bigyan daan iyon.

"Where's Z-jay?" narinig nyang tanong nito.

Natigilan sya. Z-jay??!! Tama ba ang narinig nya?  Maya-maya natanawan din nya ang paparating na isang babae at lalaki na pamilyar sa kanya. Nataranta si Keila saka bahagyang iniyuko ang ulo.

"Bryan, ano nang balita sa pina aasikaso ko sayo?" narinig nyang sabi nito.

"Wala pa pong development Ms.Eva"

"What? Until now hindi pa nahahanap ang girl na yon!" sigaw nito.

"Were trying Ms. Eva kaso mahirap talaga syang hanapin"

"Naku Bryan! You have to do something! Find that girl!" galit na sabi nito.

Kinabahan si Keila sa narinig. Sya ba ang pinag uusapan ng mga iyon? Pinahahanap sya? Bakit? Mabilis na kumilos si Keila. Kailangan na nyang umalis parang hindi maganda ang feelings nya. Pero bigla syang natigilan at halos manlaki ang mata nya ng makita ang isang lalaking paparating.

Si Z-jay!!!!!!




MADE IN HEAVEN  (Tadhana) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon