Chapter 4

504 24 0
                                    

"Pagmamalasin ka naman oh!" naiiling na sabi nito. "Akalain mo sa dinami rami ng tao sa mundo...ikaw pa makikita ko. Sana pala hinayaan ko na lang pagkaguluhan ako ng mga babaing iyon kaysa makasama ka" inis na sabi nito.

Inis ring tinapunan iyon ng tingin ni Keila.
"Malas pala ha!" aniya saka ngumiti na tila may naisip na kapilyahan. Natanawan nya kasi sa di kalayuan ang grupo ng kababaihan na humahabol dito.  "Mamalasin ka talaga!" at saka pumito sya para kunin ang atensyon ng mga iyon.
"Nandito sya!" sigaw nya saka itinuro ang binata.

"Z-jay!!!!" sigaw at tili ng mga iyon.

"What are you doing!" sigaw nito sa kanya. Halos pandilatan sya nito. "You're crazy!" gigil na sabi nito saka nag mamadaling tumakbo, palapit na kasi sa kanila ang mga iyon.

Natatawang sinundan iyon ng tingin ni Keila. "Buti nga syo! Yabang kasi!" ismid nya saka nilisan na ang lugar na iyon.

"Kakain na Carlo!" tawag nya sa kapatid na noo'y abala sa pinanonod.

Lumapit iyon saka naupo na. Habang kumakain napatingin si Keila sa TV.

"Starnews Exclusive" naulinigan nya sa TV. "Namataan kanina lang sa isang Mall ang Superstar na si Z-jay na may ka holding hands at kasamang babae." saka ipinakita sa TV ang nakunang larawan.

Halos manlaki ang mata nya, nasamid pa nya sya at biglang napaubo.

"Okay ka lang-" ani Aling Mercy saka inabutan ng tubig si Keila. Kaagad nya iyong tinungga.

"Okay lang po-" aniya saka muling ibinaling ang tingin sa TV.

"Ang tanong tuloy ng karamihan. Sino ang babaing ito? Girlfriend ba ito ng Superstar? Paano na si Angelic na napapabalitang karelasyon nito? Sa ngayon wala pang pahayag na inilalabas ang kampo ni Z-jay, manatili po tayong sumubaybay para alamin ang katotohanan." pagtatapos ng reporter.

Napakagat labi si Keila. Kinabahan sya! Paano kung may makakilala sa kanya? Naku po! Baka sugurin sya ng mga fans nito. Ano nang gagawin nya!

"Girlfriend kaya iyon ni Z-jay?" Narinig nyang tanong ni Carlo

"Bakit mukhang interesado ka?"

"Syempre naman Ate, Idol ko kaya si Z-jay!"

"Talaga?" hindi sya makapaniwala na pati ang kapatid ay humahanga dito. "Ano bang meron sa Z-jay na yan?" bigla tuloy nyang natanong.

"Magaling kaya yan si Z-jay Ate! Saka mabait."

"Mabait? Mukha ngang babaero no!"

"Naku Ate, baka kapag napanood mong mag perform si idol...ma in love ka!"

"Ako? Ma i in love sa Z-jay na yan? Imposible!" iling nyang sabi dito.

"Okay lang ba na may girlfriend na si Idol mo?" nakangiting tanong ni Aling Mercy

"Okay lany yon sa akin Ma. Kung saan masaya si Idol...doon ako!"

"Okay lang mag idolize basta yung study mo, huwag mong pababayaan"

"Oo naman Ate. Iyan din ang laging bilin ni Idol...study hard!"

Napangiti si Keila saka hinimas ang ulo ng kapatid. Napaisip tuloy sya, sa totoo lang kinakabahan sya pero siguro naman walang makakakilala na sya ang babaing ka holding hands at kasama ni Z-jay.

"Tama! No body will know!" saka pilit nyang kinalma ang sarili.

Pero tila hindi maka get over ang sambayanan dahil kahit saang chanel nya ilipat ang TV iisa lang ang balita...
SINO ANG BABAING KA HOLDING HANDS NI Z-JAY?
GIRLFRIEND BA ITO NG PRINCE OF POP  AND R&B?
At sa isang iglap naging Mysterious Girl sya!
Naisip nya tuloy, parang napaka hirap sa mundong gingalawan nito..walang kalayaan, pati kilos at galaw mo may nakabantay. Parang isang robot na naka plano na at nakaayos ang lahat kahit hindi iyon ang nais mo. Isang puppet na pinagagalaw ng mga taong nakapaligid sayo. Oo ngat taglay nito ang karangyaan at kasikatan pero anong silbi ng mga iyon kung pati sarili mong buhay ay pinatatakbo ng iba...marahil pati puso nito'y ganoon rin.
Napailing si Keila at tila nakaramdam ng habag sa binata. Maswerte pa rin sya..malaya syang nakakakilos sa mundong ginagalawan nya....




MADE IN HEAVEN  (Tadhana) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon