Ilang linggo din ang tinagal ng pag eensayo nila Zjay at Angelic. Talagang pinaghahandaan nilang mabuti ang gaganaping Fan Meeting. At halos araw-araw din iyong nakikita ni Keila. Halos kabisado na nga nya ang dance step ni Angelic.
Well, hindi naman sa pagmamayabang. Nung High School sya walang makatalo sa kanya pagdating sa hatawan. Princesa ng Dance Floor nga ang bansag sa kanya."Ang yummy naman ni Papa Z!"
Gulat na namang napalingon si Keila.
"Ano ka ba Flor lagi ka na lang nanggugulat" bahagya nyang hampas dito.
"Kaw naman laging nakatanaw sa kanya"
Tila panunukso nito."Tinignan ko lang!" nakaingos nyang tugon dito.
"Swerte ni Girl no" anito na ang tinutukoy ay si Angelic. "Nakakasama nya at nahahawakan yung pinapantasya lang natin"
"Ano ba yang sinasabi mo!" ismid nya dito.
"Wala bang dating syo si Papa Z? Wala ka bang nararamdaman kapag nakikita mo sya?"
Tinitign ni Keila ang binata.
"Actually meron--"aniya
"Really?"
Tumango si Keila. "Malakas ang dating nya! Parang signal #4 sa sobrang yabang. At oo, may nararamdaman akong pag kainis sa kanya! Sya na yata ang pinaka presko at supladong nilalang na nakita ko!"
"Ano Keila! Napatulala ka na naman dyan" tapik sa kanya ni Flor
"Huh!? Ano yon?"
"May sasabihin ka di ba?"
"W-wala"
"Hay naku! Mabigyan lang ako ng chance na malapitan sya..iga grab ko na agad! Grabe look at the ABS!!!" halos kiligin iyon.
Sinulyapan iyon ni Keila. Basang basa iyon ng pawis na halos bakat na ang buong katawan sa suot ng sando.
"Oh God!! Hindi ko ito kakayanin!" tili ni Flor ng makita nitong tila huhubarin ni Zjay ang suot na sando. "Aleluya!!!" ani Flor ng tumanbad sa kanila ang mala adonis nitong katawan! Napatulala si Keila at tila di nakakilos sa nakita. Nasa ganoon syang sitwasyon ng bigla iyong lumingon at napatingin sa kinaroroonan nila. Halos manlaki ang mata nya at mabilis syang tumalikod.
"Nakita nya ba ako? Baka nakilala nya ako?" halos di sya mapakali at nagmamadaling umalis.
Taka tuloy syang sinundan ng tingin ni Flor.
"Keila!" tawag nito sa kanya. "Hindi mo rin ba kinaya?" anito saka sinundan ang dalaga.
Palabas na sya ng locker room ng makasalubong si Maam Cora.
"Keila! Mabuti na lang at nandito ka pa. Pwede bang mag extend ka ng time. Ni request kasi ni Ms.Eva na linisan na yung Dance studio kasi maaga sila bukas."
"Okay po Maam. Wala pong problema!" ngiti nya dito.
"Thank you. Pasensya na-"
"Sige po" nagpalit lang sya ng damit at kaagad nyang tinungo ang dance studio. Pagkarating nya doon,sinimulan na nya iyong linisan.
Pawisang napa upo si Keila saka tinitigan ang sarili sa salamin. Maya maya pumikit sya at saka inalala ang dance step ni Angelic at sinayaw nya iyon. Lingid sa kaalaman nya may isang taong nakakita sa ginawa nya.
Nakangiting napasalampak sa sahig si Keila. Pagod sya pero masaya.Matagal na rin nyang di iyon nagagawa. Akala nya di na sya marunong sumayaw. Ipinikit nya ang mga mata ng makarinig sya ng isang musika. Sinundan nya kung saan iyon nagmumula. Dinala sya nito sa isang silid. Bahagya iyong nakabukas. Sumilip sya dito at nakita nya si Zjay nag pa piano iyon at mayamaya, kumanta. Pinagmasdan nya ang binata. Napaka ganda ng tinig nito. Tila hinahaplos ang puso nya.
Ang puso nya! Bakit kay lakas ng pintig nito? Ano itong nararamdaman nya?
Puso, anong nangyayari sayo????
BINABASA MO ANG
MADE IN HEAVEN (Tadhana) COMPLETED
Roman d'amourPaano kung one day ma meet mo ang isang lalaki...not a man of your dream kundi man of your nightmare? Ano ang gagawin mo kung pilit na pinagtatagpo ang landas nyo? Iiwas ka pa ba kung tadhana na ang nagtatakda? Book Cover by: @FLOERUD