Sinimulan na rin ang shooting ng scene nila Zjay at Angelic.
Magkaharap sa table sina Zjay at Angelic.
"I'm leaving now--" ani Angelic. Tumayo iyon saka akmang aalis pero mabilis iyong pinigilan ni Zjay.
"Dont leave--" anito.
"I'm sorry--"inalis nito ang pagkakahawak ng binata at nagmamadaling lumabas
Hinabol iyon ni Zjay at nang maabutan niyakap iyon ng binata.
"I wont let you go!"
Kumalas si Angelic sa pagkakayakap dito saka hinarap ang binata.
"Why?"
Tinitigan ni Zjay si Angelic at saka masuyong ginawaran ng halik.
"Dahil....mahal kita!"
Habang ang iba ay kilig na kilig sa napaka gandang eksenang iyon...si Keila, tila dinudurog ang puso nya. Wala na yatang sasakit pa yung makita mong, ang taong mahal mo ay nasa piling na ng iba!
Malungkot nyang iniiwas ang tingin sa mga iyon at hindi nya namalayan na may luhang sumungaw sa kanyang mga mata. Kaagad nya iyong pinunasan at saka nag mamadaling umalis.
"Ano ka ba Keila! Affected much ka. Eh, ni hindi ka na nga nya naaalala!" aniya sa sarili habang pinupunasan ang luha.
Siguro nga, kailangan na nyang kalimutan ng tuluyan si Zjay.
Ito siguro yung sinasabi nilang...pinagtagpo pero hindi itinadhana.
Parang silang dalawa ni Zjay....hindi sila itinadhana!
Kinabukasan, masayang sinalubong ni Ruby at Floyd si Keila.
"Girl, may good news kami sayo!"
"Ano yon?" tanong nya sa mga iyon.
"Looked what we have!" ani Floyd saka iwinagayway sa harapan nya ang tila isang papel.
"Ano yan?"
"VIP Ticket sa concert ni Zjay!" masayang palatak ng mga iyon.
"Okay. Thats good" tatango tangong sabi ni Keila.
"Kasama ka dito" ani Ruby.
"Hindi na. Kayo na lang" tanggi ni Keila.
"Bawal tumanggi...dahil naibigay na namin kay Zjay ang aming Oo" ani Floyd.
"What?" ani Keila. "Kaloka kayo!" saka pumuwesto na sya sa counter.
Pero nung mag hapong iyon, hindi sya nilubayan ng dalawa na para bang tatakasan nya. Naka abang na nga ang dalawa sa kanya pag out sya.
"Okay. I"ll go!" naiiling nyang sabi sa mga iyon.
"Lets go girls!" masayang sabi ni Floyd.
Ang pinagtataka lang nya, bakit sila binigyan ng VIP Ticket nito?
Marami nang tao sa venue ng dumating sila. Pero kaagad silang inasikaso ng mga staff doon ng dumating sila. Hindi nya tuloy maiwasang magtaka.
"Anong nangyayari?"tanong nya.
"Syempre VIP tyo kaya ganon!" ani Ruby.
Halos sa unahan sila ng stage nakaupo kung saan kitang kita nila si Zjay. Ilang sandali pa'y nag simula na ang concert. Excited ang lahat. Nag hihiyawan pa nga ang mga iyon.
Zjay! Zjay! Nakakabinging hiyawan ng mga tao lalo na ng lumabas na iyon sa stage.
Naisip tuloy ni Keila. Super sikat na ito. Malayong malayo na sa kanya.
"Hi guys! Lets enjoy this night!" anito saka sinimulan na nito ang performance. Enjoy na enjoy ang mga manonood. Halos pagod at pawisan na si Zjay.
"Thank you guys for all the love and support" anito. "I just want to asked...are you guys with me?"
"Yes!!" sigaw ng mga iyon.
Ngumiti si Zjay. "Thank you" saka yumukod iyon. "I have something to confess"
Natahimik ang lahat. Maging si Keila ay napatingin dito.
"Sabi nila, if you have everything you will be happy. I have everything but yet I am not happy. Maybe because theres still missing...a part of me is not complete." saka muli iyong ngumiti. "Have you been in love?"
"Yes!!" Sigaw ng mga iyon?
"What about you?" Sigaw na tanong ng isang fans.
" Me?" Anito sabay ngiti. " yes!" Sagot nito.
Naghiyawan ang mga iyon.
Samantalang tahimik lang si Keila. For sure, si Angelic ang tinutukoy nito.
"Ano bang ginagawa ko dito?" Naiiling na tanong ni Keila sa sarili.
"But that time---" pag papatuloy na sabi ni Zjay. " naging duwag ako and I lost her" malungkot nitong sabi. "I need your advice. If ever I meet her again...what should I do?"
"Win her back again!" sigaw ng mga iyon.
"Sa tingin nyo ba...tatanggapin nya pa ako?"
"Do you still love her?" narinig ni Keilang tanong ng isang fans.
"Yes. I love her--" walang alinlangang sagot ni Zjay.
Nakaramdam na ng pag kailang si Keila kaya mabilis syang tumayo.
"Ms. Keila Marie Guzman!"
Natigilan si Keila ng marinig nya ang pangalan nya at lalo syang nagulat ng isang spotlight ng ilaw ang tumutok sa kanya.
Lahat tuloy ng taong naroroon nakatingin na sa kanya.
"Ano bang ginagawa
"Sya, ang babaing mahal ko!" Habang nakatingin sa kanya. Bumaba ng stage si Zjay saka nilapitan si Keila na noo'y natataranta na.
"Prinsesa ko--" sabi nito ng makalapit sa kanya.
"A-ano bang ginagawa mo?" nahihiyang sabi ni Keila saka yumuko iyon.
"Mahal kita!" narinig nyang sabi nito.
Hindi alam ni Keila ang gagawin basta bigla na lang syang naluha. Ang akala nya nakalimutan na sya nito.
Niyakap sya ni Zjay "I'm sorry for being so stupid back then." anito. Pinunasan nito ang luha nya. "Ikaw ang itinadhanang maging prinsesa ko!"
Napatingin si Keila dito. "Zjay!"
Tinitigan sya ng binata saka ginawaran ng masuyong halik. Nag palakpakan at nag hiyawan ang mga taong naroroon.
Ah, ito na ang pinaka magandang nyang panaginip!
They were made in heaven and Fate brought them together....
# the end #
To all the Readers:
Thank you for your time. Hope you like my story and please support me again. See you on my second story😁Tnxs a lot,
Mhiru07
BINABASA MO ANG
MADE IN HEAVEN (Tadhana) COMPLETED
RomantikPaano kung one day ma meet mo ang isang lalaki...not a man of your dream kundi man of your nightmare? Ano ang gagawin mo kung pilit na pinagtatagpo ang landas nyo? Iiwas ka pa ba kung tadhana na ang nagtatakda? Book Cover by: @FLOERUD