Chapter 17

349 20 0
                                    

At katulad ng inaasahan ni Keila, hindi naging madali ang sitwasyon nya. Kailangan nya ngayong panindigan ang pagiging Girlfriend nito.
And she feel the pressure right now. Hindi pala madaling maging Girlfriend ng isang sikat na Artista!
And suddenly napunta sya mundong ibang iba sa mundong kinalakihan nya!

"Ano po? Need po ba akong pumunta dyan?" napapakamot sa ulong tanong ni Keila kay Ms.Eva.

"Of course you should be there. As his girlfriend you need to support him."anito. "I'll see you there later-" at nagpaalam na iyon at umalis.

Napapakamot sa ulong napatingin si Keila kay Zjay.

"Whats wrong?" takang tanong nito.

"Ano kasi...di ba kapag ganon..dapat maganda yung ayos at damit mo?" natigilan iyon saka nahihiyang tumingin kay Zjay. Napatingin din iyon sa kanya na waring hinihintay ang sasabihin nya. Yumuko si Keila "w-wala akong damit para doon. Kaya di na lang ako pupunta--" nahihiyang sabi nito sa binata.

Narinig nya ang pagtawa nito"You heard Ms.Eva di ba? You should be there." anito.
"I think I should go na--" pagkuway paalam nito

"Wait!" ani Keila saka hinawakan iyon sa braso. Tinitigan sya ng binata. "N-never mind!"aniya saka bumitiw dito.

"Bryan!" pagkuway baling nito kay Bryan. "I'll meet you there---" saka tuluyan na iyong umalis.

Inis na napaupo si Keila. "Ano ba itong napasok ko!" Saka tinapunan ng tingin si Bryan na nooy nakatitig din sa kanya.

"Lets go Ms.Keila--" pagkuway narinig nyang sabi nito.

"Saan tyo pupunta?"

"I think we need to do some magic!" ngiti nito. Bagamat naguguluhan, walang nagawa si Keila kundi sumunod dito.

Sa isang malaking boutique sya dinala ni Bryan. Ang alam nya pag aari iyon ng isang sikat na Fashion Designer. Kaagad naman silang sinalubong ng mga tao doon.

"Hi Bryan!"

"Hi Ms. Joy! How are you?"

"I'm good!" ngiti nito saka tinapunan ng tingin si Keila. "Is she the one?"

"Yes! Ikaw na ang bahala sa kanya"

"Just leave it to me. I will make her like a princess!" anito saka nilapitan si Keila. "Come here-" saka iginiya si Keila papasok sa isang room.

"B-bryan--" lingon ni Keila dito.

"Just relax! After that, I'm sure lalong mapo fall si Zjay sayo!" ngiti nito. "I'll be right back!"

Wala nang nagawa si Keila kundi sumunod na lang sa agos, ika nga.

Namangha si Keila sa mga damit na inilabas ni Ms. Joy. Ang gaganda ng mga iyon. At sa tingin nya, mamahalin pa!

"You can choose what you want" narinig nyang sabi nito.

"Ahm...di po ako makapili eh! Sa sobrang ganda..hindi ko po alam kung ano ang pipiliin ko, pasensya na po--" nahihiyang sabi ni Keila dito.

Ngumiti si Ms.Joy "its okay...ako ng bahala! At dahil special ka Kay Zjay...I will make sure na ikaw ang magiging pinaka magandang princess doon" ngiti nito.

Isang kiming ngiti din ang itinugon ni Keila dito.

At sinimulan na nila ang pag make over kay Keila.

Ilang oras ang lumipas.

"Where is she?" tila excited na tanong ni Bryan.

"There she is....Ms. Keila---" ani Ms. Joy at saka hinawi nila ang isang curtain. At mula doon lumabas ang dalaga na tila isang prinsesa!

"OMG!" natutop ni Bryan ang bibig at manghang mangha sa nakita. " your so beautiful!" halos mapalundag iyon sa sobrang tuwa. "I'm sure lalong ma i-in-love si Zjay sayo!"

"Grabe ka naman!" nahihiyang sabi nya kay
Bryan.

"Thank you Ms. Joy!" at saka nag paalam na sila. "Lets go....your prince is waiting for you--" excited na sabi ni Bryan saka inalalayan nito si Keila na makasakay ng kotse.  Pinaandar na ni Bryan ang kotse para puntahan si Zjay na nooy nag aabang na sa kanila.









MADE IN HEAVEN  (Tadhana) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon