Chapter 12

356 19 0
                                    

Nagulat si Keila ng hawakan sya ni Zjay at tulungang makatayo.

"Sorry po Sir--" nahihiya nyang sabi dito.

"Zjay, are you in her side? After what she done to me?" inis na sabi ni Angelic.

"Lets forget it Angelic. And she already said her sorry." ani Zjay.

"No! I wont let it pass!" inis na sabi nito saka muling nilapitan si Keila at akma na namang sasabunutan. Pero kaagad na pumalagitna si Zjay.

"Leave her alone!" anito.

"What?? Kinakampihan mo sya?" anito.

Naiiling na hinarap ni Zjay si Keila.

"Lets go!" anito saka hinawakan ang kamay ng dalaga at hinila ito paalis sa lugar na iyon.

Nagulat ang lahat sa ginawa ni Zjay. Maging sya ay nagulat din. Hindi nya inaasahan iyon. At hindi nakaligtas sa kanya ang matalim na tingin sa kanya ni Angelic!

"Okay na ko Sir--" sabi nya saka bumitiw sa pagkakahawak nito. "Hindi naman po ako nasaktan--" dugtong pa nya.

Hindi iyon kumikibo at nakatingin lang sa kanya.

"Puntahan nyo na po si Ma'am Angelic-"
Pero natigilan si Keila ng biglang lumapit si Zjay sa kanya. Hindi sya kaagad nakakilos dahil ang lapit lapit lang nito sa kanya. Halos mapigil nya ang paghinga ng bahagya iyong yumukod.

"Your not hurt" anito. "But you have wound on your neck and its bleeding"
Anito saka inilabas ang panyo at ipinahid iyon sa leeg nya. Napapitlag si Keila. "Does it hurt?" may pag aalala sa tinig nito.

Umiling si Keila saka lihim na tumingin dito. Anong nangyayari? Bakit tila bumait ito, malayong malayo sa Presko at hambog na Zjay na nakilala nya noon. Bumaliktad na ba ang mundo?

Nasa ganoon silang sitwasyon nang...

"Zjay?" Kapwa sila napalingon sa pinagmulan ng tinig. Si Ms. Eva. "Whats going on here?"

"Ahm...pasensya na po. Alis na po ako!" ani Keila saka nagmamadali na syang umalis.

"What was that?"bulong nito sa kanya.

"Nothing-" iling ni Zjay saka napatingin sa mga kasama ni Ms. Eva.

"Sila yung gagawa ng photo shoot nyo ni Angelic. Lets go. Sumama ka na rin Zjay"

Sumunod na rin si Zjay dito. Nang maayos na ang studio, nag simula na sa pag photo shoot sila Zjay at Angelic. Nang matapos sila, pinatawag sila ni Ms.Eva sa room nito at nagulat si Zjay nang pati si Keila ay nandoon.

"What is this?" napakunot noong tanong ni Zjay.

"I want to know what happened?" anito na ang tinutukoy ay ang nangyaring gulo kanina. Naikuwento na pala ni Angelic ang nangyari. "And you!" saka binalingan nito si Keila. "Alam mo ba kung anong gulo ang ginawa mo?"

"Sorry po Ma'am!" ani Keila saka napayuko iyon.

"Ms.Eva, just let her go. She has nothing to do with this--"

Pero hindi iyon pinakinggan ni Ms. Eva. Muli nitong hinarap ang dalaga.

"You look familiar..ikaw yung nangulo sa CD signing ni Zjay?"

Kinabahan si Keila at hindi nakakibo. Yumukod lang iyon.

"Wait, ikaw din ba yung msytery girl na sinasabi sa news?"

"Ms.Eva!" saka lumapit doon si Zjay.

"You knew this Zjay and yet wala kang sinabi. Why?" galit na sabi ni Ms. Eva.

"Because, I think theres no need na. If they need explanation. I'll do it."

"No! She needs to clear everything. Bryan, mag patawag ka ng presscon. This girl will explain everything"

Napatingin si Keila dito. Hindi na sya makatanggi. Na corner na sya and she cant say No!














MADE IN HEAVEN  (Tadhana) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon