Chapter 22

371 19 1
                                    

"Wow!!! Talaga po Maam? May Shooting sila Zjay at Angelic dito sa cafe!" excited na sabi ni Ruby.

"Yes--" ngiti nito. "Kaya need nating ayusin yung store."

"Pwede ba kaming manood Maam? You know naman na Idol namin si Zjay!" ani Floyd.

"Pwede naman"

"Oh my God! Excited na ako" kinikilig na sabi ni Floyd.

"Sa wakas...makikita ko na rin si Zjay in person!" palatak ding sabi ni Ruby.

"Okay, mag ready na. Dahil mamaya darating na yung mga crew para i set itong cafe."

"Yes Maam!"

"Grabe! Di ako makapaniwala na makikita ko si Zjay sa personal!"tuwang tuwang sabi ni Ruby.

"Ano bang nagustuhan nyo sa Zjay na yan!" narinig nilang sabi ni Art.

"Gwapo" ani Floyd.

"Gwapo? Nag hahanap pa kayo ng Gwapo? Eh, nandito naman ako non! Ang lamang lang non sa akin...sikat sya!"

"Hay naku! Nag biro na naman si Art" ani Ruby.

"Baka gutom lang yan Art!" dugtong pang biro ni Floyd.

"Keila--"tawag ni Art dito. "Okay ka lang?"
Napansin kasi nito ang pananahimik ng dalaga.

"H-huh? Oo naman"tugon nito. Sa totoo lang, kinakabahan sya! Hindi nya alam kung anong gagawin kapag makita ito ulit.

"Excited ka rin bang makita si Zjay?" muling tanong ni Art.

Nilingon nya iyon saka kiming ngumiti.

"Selos naman ako." anito. "Hindi mo na kailangan tumingin sa malayo, isang lingon mo lang...nandito na ako agad-agad!" dugtong pa nito.

"Kaw talaga Art!" ani Keila saka ngumiti.
Actually, matagal nang nanliligaw sa kanya si Art. Tinapat naman nya na ito pero patuloy pa rin iyon. Mabait naman si Art kaso...may ibang laman ang puso nya.

"Seryoso ako--" ani Art.

"Hay naku Art! Huwag mo na ngang kinukulit si Keila dyan!" ani Floyd. "Tara na sa kitchen" saka hinila nito si Art.

Natatawang sinundan na lang ng tingin nina Keila at Ruby ang dalawa

"Actually mas bagay nga sila eh!"birong sabi ni Ruby.

Nangiti si Keila. "Puro ka din biro!" saka naiiling na ipinagpatuloy ang ginagawa.

Closed ang cafe nila dahil nga sa shooting na gagawin at ilang sandali lang ay nagdatingan na ang mga production staff para ayusin ang mga kukunang eksena. Ilang sandali pa' dumating na rin si Zjay

"Oh my god! Nandyan na sya!"kinikilig na sambit ni Ruby.

"Oh gosh!" kinikilig ding palatak ni Floyd.

Si Keila ma'y na excite din. Tinapunan nya ng tingin ang binata. Hindi nya ma explain yung sayang naramdaman at the same time kinakabahan din sya.

Sinundan nya ng tingin si Zjay na naupo na sa bandang sulok ng cafe. Abala iyon sa pag babasa ng script nito.

Nakita nilang kinausap ng isang staff si Ms. Tina. Tumango-tango iyon pagkatapos nilingon ang kinaroroonan nila saka sinenyasan si Keila.

"Tawag ka ni Maam Keila!" sabi ni Ruby.

"Bakit kaya?"takang tanong ni Keila saka lumapit. "Yes Maam?"

"Keila, can you do them a favor?" anito.

"Ano po iyon?"

"Need kasi namin ng tatao sa Cashier. Yung eksena kasing kukunan..mag o order si Zjay.
Madali lang naman. Yung usual lang na ginagawa mo kapag may customer."

"Okay lang ba Keila?"

"S-sige po." di na ito makatanggi.

"Okay sige. Puwesto ka na. Mag start na tayo"

Sinulyapan nya ang mga kasamahan na nooy tuwang tuwa.

"Lucky naman ni Keila!" ani Ruby.

"Go girl!" senyas mg mga iyon sa kanya.

Bumuntong hininga si Keila para mawala ang kabang mararamdaman.

"Quiet lang po tayo. Mag start na tayo. Ready....Action!"

At nakita nya mula sa kinaroroonan, pumasok si Zjay at naglakad iyon palapit sa kinaroroonan nya. Napatitig sya sa papalapit na binata habang sinasalakay ng kaba ang dibdib nya. Rinig na rinig nya ang malakas na pintig ng puso nya.

"Kalma Keila!" sabi nya sa sarili habang papalapit iyon.

Pero tila napipilan sya ng makalapit iyon sa kanya. Sinenyasan sya ng director na mag salita.

"G-good morning Sir! M-may I take your order?" aniya pero hindi iniiwas nya ang tingin dito.

Tinanggal nito ang suot na shades saka tumingin sa kanya.

Napalunok si Keila. Pilit nyang kinakalma ang sarili.

"One hazelnut Cappuccino."

"A-anything else Sir?"

"That's all"

"O-okay. You ordered for One Hazelnut Cappuccino. Please wait for a moment Sir."

Inihanda nya ang order nito. Bagamat nanginginig ang mga kamay pilit pa rin nyang kinalma ang sarili. "Ouch!" sabi nya ng matapunan sya ng hot water pero hindi sya nag pahalata. Pilit nyang tinapos ang gawin ang order nito.

"Y-your order Sir--" saka nanginginig ang mga kamay na inabot iyon sa binata.

Kinuha iyon ni Zjay.

"T-thank you Sir. Come again!" aniya ng tumalikod iyon.

"Cut! Good Take!" sigaw ng director.

Pero nagulat sya ng biglang bumalik si Zjay

"Are you okay?" tanong nito.

"H-huh?" gulat nyang tingin dito. Mas lalo syang nagulat ng pumasok iyon sa loob ng counter. Kumuha iyong ng malaking bowl nilagyan ng tubig mula sa gripo saka hinawakan sya sa braso at inilublob ang napaso nyang kamay sa tubig.

"I told you to be careful!" sabi nito saka umalis.

"Zjay--" ani Keila habang sinusundan ng tingin ang papalayong binata.

Hindi na ba sya talaga naaalala ng binata?
Masakit sa kanya ang isiping iyon.










MADE IN HEAVEN  (Tadhana) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon