Chapter 5

469 23 1
                                    

"Can you explain this to me Z-jay!" galit na inilapag ni Ms.Eva ang newspaper sa harapan ng binata. Si Ms. Eva ang tumatayong Manager nito. "Sino ang babaing yan?" Headline na kasi sa lahat ng newspaper at social media ang picture nito na may ka holding hands na babae.

"I dont know that girl. It was just an accident and that picture was a big mistake!" inis na sabi nito saka inihagis ang newspaper.

"Napaka laking gulo nito Z-jay! Ano na lang sasabihin ni Angelic. Why now? Kung kailan malapit ng i-launch ang first movie nyo. We need to find this girl!" problemadong sabi nito.

"What for?" napakunot noong tanong nito.
"Just released an statement and deny everything!"

"And do you think when we do that it will solve the problem? No! That girl needs to clear everything. Bryan!"

"Yes Ms. Eva-" lapit nito. Si Bryan ang tumatayong Personal Assistant ni Z-jay.

"Find this girl as soon as possible!"

"Naku, mahihirapan tyo nyan Ms.Eva!"

"And why?"

"Look at this, buhok lang ni girl ang kita!"

"Thats your problem! You need to find her!" inis na singhal ni Ms.Eva.

Napapakamot sa ulong binalingan nito ng tingin si Z-jay. "Hindi mo ba ma recall ang face ng girl na ito."

"I dont remember her face!"

"Oh gosh! Then how can I find her?" problemadong palatak ni Bryan. Paano nga ba naman nya hahanapin ang isang tao na buhok lang ang clue. Para tuloy sya nitong mag hahanap mg karayom sa dayami!

"Makikita mo rin yan! For sure pakalat kalat lang yan sa kung saan!" ani Z-jay saka tinapik ang balikat mi Bryan.

"Pakalat kalat sa kung saan?" anito saka nag isip. "Parang sidewalk vendor? Street sweeper? Taga MMDA? o baka naman snatcher?"

Nangingiti at naiiling na lang si Z-jay.

"Help me Z-jay!"

"Kaya mo yan!"

"Ay naku! Maloloka ako!" tili nito saka inis na sinabunutan ang sarili. "Hay naku! Saan lupalop ng mundo kita hahanapin!"

Samantala, isang magandang balita ang natanggap ni Keila. Pumasa sya sa isang job interview nya. Sa wakas may trabaho na rin sya! At masaya nya iyong ibinalita sa Ina.

"Mabuti naman!" napangiting sabi nito.

"Wow, talaga Ate? Yehey! Kakain tayo sa labas sa birthday ko. Tapos bibilhan mo ako ng poster at CD ni Z-jay!"

"Ang galing ah! Hindi pa nga ako nag uumpisa sa work at wala pang sweldo..ubos na agad!" natatawang sabi ni Keila.

"Sige na Ate!" lambing nito sa kanya.

"Kakain sa labas...okay sige. Yung Poster at CD? Pag iisipan ko!"

"Ate naman!" saka nalungkot iyon.

"Galingan mo sa School para bilhan ka ni Ate ng poster at cd ni Z-jay" ani Aling Mercy dito.

"Pag nasa top ako Ate. Bilhan mo ako ha!"

"Okay sige."

"Promise yan ha!" saka inilahad nito ang kamay para makipag cross finger sa kanya.

"Promise" nangingiting sabi nito.

"Salamat Ate!" masaya iyong yumakap sa kanya.

"Okay. Matulog ka na at gabi na"

Kaagad naman iyong sumunod.

"Matulog ka na rin" ani Aling Mercy sa anak.

"Opo Ma. Goodnight po" at saka umakyat na rin iyon sa taas.

Masaya at excited si Keila. Sa wakas, matutulungan na rin nya ang kanyang Ina.
May ngiti sa labing ipinikit nya ang mga mata.
Handa na sya para bukas!

MADE IN HEAVEN  (Tadhana) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon