Chapter 11

352 19 0
                                    

"What a small world!!" nakangising sabi nito. Saka lumabas iyon ng elevator. "Akalain mo, dito pa tayo mag tatagpo...in my place!" anito saka nilapitan ang dalaga.

Hindi naman makakibo si Keila. Wala syang maisip sabihin dito. Nagmamadali pa naman sya! Ah, bahala na. Saka nagmamadali syang pumasok sa papasara nang elevator!

"Hey!!" habol sa kanya ng binata. Kaagad nyang pinindot ang close button saka nakangiting nag peace sign dito! "Sorry!!" sabi ni Keila.

"Ano ba yan!" aniya habang nakatingin sa may elevator baka kasi sinundan sya nito. "Naku po! Baka mawalan na ako ng work nito!" nag aalala  nyang sabi, at dahil doon hindi nya napansin ang kasalubong na babae. Nabangga nya iyon!

"Naku sorry po Ma'am!" paumanhin nya dito. "Hindi ko po kayo napansin"

"Tatanga-tanga ka kasi!" galit na sabi nito. "Looked what you have done to my dress!" singhal nito ng makitang nadumihan iyon.

"Sorry Ma'am!"

" Did you know how much is this? Kulang pa ang isang taon mong sweldo to buy this!"
Saka inis na hinila ang buhok  ni Keila at itinulak iyon sanhin para mapasubsob iyon sa sahig. Naglabasan ang mga taong naroroon dahil sa ingay na narinig.

"Whats happenning here?" takang tanong ni Bryan.

"This stupid girl! She ruined my dress!" duro nito kay Keila saka muli iyong nilapitan at sinabunutan.

"P-pasensya na po Ma'am" ani Keila habang tumutulo ang luha.

Napakunot noo si Zjay ng mapansin ang maraming tao sa paligid. Nakita nya si Angelic na galit na galit habang may sinasabunutang babae.

"Sorry po!" patuloy sa pagluha si Keila. Sobrang pagkapahiya na ang naranasan
nya. Feeling nya pinagmalupitan sya at tinalikuran ng mundo. Nag iisa lang sya at nobody there to save her! Naisip nya, may hero kayang darating para sa kanya?

"Stop it!" lahat natigilan ng marinig ang tinig na iyon.

Nakayuko lang si Keila at patuloy sa pag luha! Isang paris ng mga paa ang nakita nyang lumapit kay Angelic.

May dumating ngang hero pero hindi naman para sa kanya.

"What is this?" tanong nito.

"Zjay!" ani Angelic sabay yakap sa binata.
"this girl kasi dinumihan ang dress ko" anito na para bang sya ang naagrabyado.

"Are you okay?" narinig nyang sabi nito.

Syempre, si Angelic ang kakampihan nito.
Naisip ni Keila.

Pero nagulat sya pati ang lahat ng lapitan sya nito. "Okay ka lang ba?" ulit na tanong nito.

Gulat na iniangat ni Keila ang ulo. Nasa harapan nya ang binata. Wait! Panaginip ba ito?

Oo nga't humiling sya ng isang hero!
Pero bakit si Zjay ang dumating?

MADE IN HEAVEN  (Tadhana) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon