Nakahanda na ang lahat para sa gaganaping presscon. Naka set up na ang mga camera at videong gagamitin. Nandoon na rin ang mga reporters.
Mula sa kanyang kinaroroonan kita nya ang mga taong nasa labas. Kinakabahan sya at hindi mapakali. Nanlalamig ang buo nyang katawan, parang hindi nga sya makahinga sa sobrang tensyon na nararamdaman. Lumabas na sya, parang bigla syang natakot sa mga taong naroroon. Panay din ang flash ng camera sa kanya.You have to deny all the rumors na naglalabasan about you and Zjay. Mahigpit na bilin sa kanya ni Ms.Eva.
Bantulot syang naupo.
"Are you the mysterious girl na ka holding hands ni Zjay?" narinig nyang tanong ng isang reporter.
"O-opo, kinakabahang sagot ni Keila.
"May relasyon ba kayo ni Zjay?"
"W-wala po" tanggi nya.
"So, wala kayong relasyon but how can you explain this?" saka may ipinakita iyong picture. Iyon yung time na pinupunasan ni Zjay yung sugat nya sa leeg. Nakaharap ang binata sa kanya na bahayang nakayukod. Kung titignan para silang naghahalikan.
Hindi nakapagsalita si Keila. Hindi nya alam kung paano iyon i-e-explain.
Samantala, nakamasid lang si Zjay sa isang sulok. Pinagmamasdan nito ang dalaga. Kita nya ang sobrang kaba at takot na nararamdaman nito.
"Does it mean na you are flirting with Zjay?"
"Ginagawa mo ba ito para sirain ang relasyon nila ni Angelic?"
"Are you making this for money?"
Halos sunod-sunod na tanong sa kanya ng mga reporters. Nalilito na si Keila. Naguguluhan na sya!
"H-hindi po totoo ang lahat!"halos maiyak na sabi ni Keila.
"Kung ganon, Ano ang totoo?"
Napayuko at napapikit si Keila. Parang hindi na nya kakayanin yung pressure na nararamdaman nya!
"The truth?" bigla nyang narinig. Idinilat nya ang mga mata at iniangat ang ulo. Si Zjay, nasa tabi nya na iyon ng hindi nya namamalayan. Pero anong ginagawa ng binata doon?
"Whats the truth Zjay?" sa binata na nabaling ang atensyon ng mga reporters.
"What is he doing there?" takang tanong ni Ms.Eva.
"I dont know!" iling ni Bryan.
"Ano na namang naisip ni Zjay!" tarantang sabi nito. "This is not right! Paalisin nyo si Zjay don!"
"Anong totoo Zjay?" muling tanong ng mga reporters.
"Shes...." anito saka nilingon at tinitigan si Keila.
Taka namang napatingin si Keila dito. Wala syang idea kung anong naiisip ng binata. Hindi nga nya alam kung bakit iyon naroroon.
".... My Girl!" pagkuway sabi nito habang nakatingin kay Keila.
Halos manlaki ang mga mata ni Keila. Para iyong bombang sumabog sa pandinig nya!
Nabingi yata sya!! Para kasing hindi na nya naririnig ang ingay sa paligid nya. Tanging ang malakas na pintig lang ng puso nya ang naririnig nya ng mga oras na iyon!Si Zjay, parang hero...laging dumarating sa tuwing kailangan nya ng tulong! Pinoprotektahan sya!! Pero bakit? Ito na ba ang himalang ayaw nyang mangyari??
BINABASA MO ANG
MADE IN HEAVEN (Tadhana) COMPLETED
RomancePaano kung one day ma meet mo ang isang lalaki...not a man of your dream kundi man of your nightmare? Ano ang gagawin mo kung pilit na pinagtatagpo ang landas nyo? Iiwas ka pa ba kung tadhana na ang nagtatakda? Book Cover by: @FLOERUD