Kabanata 2

6.3K 189 52
                                    

Kabanata 2- Help

Weekend.

My favorite days in a week. Paborito ko ang Sabado dahil buong araw lang akong nasa bahay. Natutulog, nagbabasa at kumakain. Sometimes my friends come over and we watch movies or eat barbeque outside. Paborito ko naman ang Linggo dahil family time. Magsisimba kaming buong pamilya, then we’ll eat outside.

Sabado ngayon pero wala akong nakaplanong lakad with my friends, so I’m staying home. Maaga akong bumaba for breakfast, then whole morning akong nagkulong sa kwarto. Dalawang libro ang natapos kong basahin. After that, I posted on my blog about my feels. And as expected, marami na naman ang comments.

Medyo sikat ako as a blogger. Hindi sikat na may appearance sa TV or what, pero marami akong readers sa blog ko. Some are from our school, but not my friends. My friends don't like reading my blogs.

Minsan nga, magugulat nalang ako, may magpapapicture sa akin sa mall, saying avid reader daw sila ng blogs ko.

Isasara ko na sana ang laptop ko nang may isang username ang nahagip ng aking mata.

Ibarra. Just that. A simple username, but it's made my heart beat like mad.

Medyo sikat ang apelidong Ibarra, so why do I have this feeling na ang Ibarra’ng ito ay ang Ibarra’ng kilala ko?

Ibarra

"Hindi mo naman masisisi si Warner, e. You don’t know the feeling of constantly wanting your father to be proud of you, so even if you love a girl, when your father says no, you have no choice."

Sumikip ang dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan. May something sa comment niya na pakiramdam ko ay totoo, and somehow I feel sorry for him.

If this is about him, and he want to make his father proud, bakit bulakbol siya sa school? Wala naman siyang ginagawang bagay na makakapagpa-proud sa parents niya e, whoever they are!

Mabilis akong nagtipa ng reply.

Tali.Says

"Oh, you do?"

It sounds rude, kaya binura ko at nagtipa ulit.

Tali.Says

"Hindi mo rin naman masisisi si Adam, e. He spent his life trying to find a safe home for him and for his brother, and he found it with Juliette. Juliette needs Adam, as much as Adam needs Juliette."

Naghintay ako ng reply pero wala na akong natanggap. Hindi ako mapakali after that. Am I too hard on him? Paano kung pareho nga sila ng sitwasyon ni Warner? Did I touch something sensitive? Have I offended him?

I logged in to Facebook and searched for Ibarra’s name. A little stalking won’t kill, baka may makita akong information sa Facebook account niya.

I typed Knight Ibarra. Maraming results pero walang mukha niya ang nakita ko. I typed Knight Oliver Ibarra, same result, walang mukha niya. I tried other searches, pero wala talaga akong makita.

Wala rin akong mahanapang accounts sa mga kaklase namin dahil mukhang wala naman siyang kaibigan, iyong kaibigan na ita-tag siya sa photos. I don’t think he has that kind of friend.

So I sent a chat on our section’s group chat.

Me

"Alam niyo Facebook account ni Ibarra?"

Agad iyong na-seen ni Arki.

Arki Divinagracia

Why? You gonna add your suitor’s account?

Worth The FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon