Kabanata 25

2.4K 77 29
                                    

Kabanata 25- Truth

Knight

“Oo, hinihintay ko lang lumabas ang kotse niya sa gate ng subdivision niyo,” irita kong paliwanag kay Uno sa tawag.

Kilala ko ang itsura ng sasakyan ni Tali dahil pinadalhan ako ng litrato ni Uno. Gusto niyang sundan ko si Tali sa mall dahil kagabi, narinig niya itong may kausap sa phone at mukhang may kikitain siya.

Of course, the protective twin brother as I am, hindi na ako tumanggi. Kung dati ay pahirapan ako sa pagmanman kay Tali, ngayon ay madali nalang dahil sa mga tips sa akin ni Uno tungkol sa mga lakad at whereabouts ni Tali.

Nang makita kong lumabas na ang puting kotse ni Tali, binaba ko ang tawag saka binuhay na rin ang sasakyan ko. I kept my distance habang nakasunod ako sa likod ng sasakyan niya dahil kilala niya ang sasakyan ko, kung masyado akong malapit ay may posibilidad na malaman niyang sinusundan ko siya.

Hindi masyadong mabigat ang traffic kaya nakarating agad kami sa mall. I parked near her car, hindi ko hinayaang makawala siya sa paningin ko. God knows na kapag malaman ni Tali na palaging ganito ang eksena sa tuwing may lakad siya, na palagi akong nakamasid sa kaniya sa malayo, I know she’ll freak out. I sound like a creepy stalker.

Matagal na nanatili sa entrance si Tali. She’s been typing and looking at her phone several times.

Sino ang tinitext mo, baby? May kikitain ka ba talagang iba? Is he a guy? Who is he? May iba ka na ba?

I felt a lump in my throat. Mabuti na rin sigurong nasa ibang tao na ang atensiyon ni Tali, para makalimutan na niya ang nararamdaman niya sa akin. Pero kahit ganun, hindi ko maiwasang magselos. I long for her attention for how many years. Noong nakuha ko iyon, maling atensiyon naman ang naibigay niya sa akin. Ngayon, nasa iba na ang atensiyon niya na ilang taon kong sinubukang makuha.

Nasanay ako na sa akin siya umiiyak, sa akin siya tumatakbo kapag may gumugulo sa isip niya. Nasanay ako na kapag nakikita niya ako ay may kakaibang liwanag sa mga mata niya. It’s like she’s been dying to see me every day. Pero ngayon… hindi ko manlang siya mabisita sa hospital nang gising siya. Hindi manlang ako makalapit sa kaniya. It’s like we are back to where we started—strangers.

Tuluyan na siyang pumasok sa mall. Sumunod ako sa kaniya. Pumasok siya sa isang coffee shop saka pumila roon. Pumasok din ako at umupo sa isa sa mga bakanteng upuan, tinitignan lang siya away from her sight, para kung sakaling gumala ang tingin niya ay hindi niya ako mahagip ng paningin. May tinext ulit siya.

I’m getting annoyed by her text mate. Whoever that is, she better be a ‘she’. If he’s a he, I don’t know what I could do.

I lived my life shooing Tali’s suitors away. Pero alam ko naman na darating ang araw na hindi ko na mapipigilan ang mga manliligaw niya. She needs to fall in love. And if she does, wala na akong ibang magagawa kung hindi ang bitawan at hayaan na siya.

Pero hindi muna ngayon, please. Hindi ko pa kaya. Hindi pa pwede. Kailangan niya munang manalo sa leukemia niya, kailangan niya munang hanapin ang sarili niya. Kapag buo na ulit siya, makakahanap na siya ng lalaking deserving sa pagmamahal niya. That’s the least I can do for my sister, ang siguraduhing tamang lalaki ang mapupunta sa kaniya. She deserves only the best in this world.

Kinuha niya ang order niya saka lumabas. Tumayo na rin ako. Nanlamig ang puso ko nang tumigil si Tali sa harap ng isang lalaki saka ibinigay ang isang kape niyang hawak. They both smiled at each other saka may sinabi rin sila sa isa’t isa.

May kung anong bagay ang tumusok sa puso ko nang tumawa si Tali sa sinabi ng lalaki.

May iba nang nagpapasaya sa kaniya. Hindi na ako ‘yon. Hindi na ako ang rason ng mga ngiti niya… nang mga tawa niya.

Worth The FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon