Kabanata 20

2.2K 84 31
                                    

Kabanata 20- Paalam

Knight

Kinuyom ko ang palad ko. Gusto kong tumayo at awatin na si Tali, pero pinipigilan ko lang ang sarili ko.

Kung hindi ko lang alam na isa ito sa mga bucket list niya ay kanina pa ako nagwala dito, mapatigil lang siya sa pag-inom.

“Yeah, welcome to adulthood, Tali!” Nagsigawan ang dalawa naming kaklaseng lalaki na hindi ko naman kilala. Bakit ba sumama ang mga ‘to dito?

Paminsan-minsan, inaawat ni Sofia at Miley si Tali pero hindi naman nila pinipigilan. Pati sila ay umiinom din.

Ako lang ang hindi umiinom sa amin. Kailangan kong masiguradong walang mangyayaring masama kay Tali. Kailangan ko siyang bantayan.

Uno

Stop her, Knight! Stop her or I’ll kill you!

Kanina pa ako naiirita kay Uno. Sana hindi ko nalang ni-text at sinabing umiinom si Tali. Ayaw niya tuloy akong tantanan.

Vibrate ng vibrate parin ang cellphone ko dahil sa mga text at tawag ni Uno. Pinatay ko ang cellphone ko saka inilapag sa mesa. Tumayo ako at lumapit kay Tali.

“Bro!” Tawag sa akin ng tipsy nang si Javi.

“Bakit?”

“Nakita mo ba ang asawa ko?”

Umiling ako. Ayan na naman tayo sa asawa ko na 'yan.

“Andon ata,” turo ni Fire sa kaliwang bahagi ng gubat. Nasa kanan kami, nakapalibot sa bonfire na ginawa namin bago sila uminom.

Kinindatan ni Javi si ate saka tinakbo na ang lugar kung nasaan naroon daw si En. Kumunot ang noo ko nang tumawa bigla si ate.

“Pffft. Uto-utong Javi. Nasa tent si En, natutulog,” ani Fire saka tumawa ulit.

Umiling nalang ako sa kakulitan niya. “Lasing ka na, tulog ka na rin,”

Sinubukan kong kunin ang bote ng red horse sa kamay ni ate pero inilayo niya iyon sa akin. Hindi na makafocus ang mata niya. Wala na. Lasing na.

“Si Queenie ang bantayan mo,” she said out of nowhere.

“Queenie?” Nanliit ang mata ni Tali sa amin. Hindi ko alam na nakikinig pala siya sa usapan namin ni Fire. Saka bat ba binabanggit niya ang pangalan ni Queenie ng ganun-ganun lang.

“Lasing na si Fire, Tali. Kung ano ano na ang pinagsasabi niya,” palusot ko.

Tumango lang siya saka uminom ulit.

Lasengga.

Inalalayan ko si ate papuntang tent nila nina Tali at En. Nasa loob nga si En, himbing na himbing. Nasaan na ba ang lokong Javi na ‘yon?

Kawawa naman. Nabiktima ng lasing na Fire at naghanap kay En sa wala.

Nang makabalik ako sa kung saan pa ang mga natitira, nakatayo na si Tali. Pero hindi siya mukhang lasing. Seryuso ang mukha niya.

“Anong pinagsasabi mong sakit? Pinagtitripan mo ba kami, Tali? May hidden camera ba dito?” Sarkastikong tanong ni Miley.

“Hindi ako nagbibiro. May leukemia ako. I’m dying and… and I don’t know when.” Paliwanag ni Tali.

Napatalon siya ng itinapon ni Sofia ang bote ng red horse nito sa paanan ni Tali saka tumalsik ang laman nito sa paa niya.

“Hindi ‘to magandang biro, Tali!” Sigaw ni Sofia at tumayo na rin. “Kung gusto mong mamatay, wag mong gawing dahilan ang sakit mo. Hindi magandang biro ang magkaroon ng sakit!”

Worth The FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon