Kabanata 15

2.6K 105 12
                                    

Kabanata 15- Protect

Knight

“Mag-aaway na naman kayo ni papa,” saway ko kay Fire.

Gusto niyang i-convince si papa na magpa-test kaming lahat para malaman kung sino ang compatible na magdonate ng bone marrow for Tali, pero alam ko namang hindi papayag si papa.

As much as possible, ayaw na niyang may gawin kami para sa kakambal ko… sa anak niya.

Nagtataka nga ako. Ano ba ang problema ni papa? Kahit pa hindi sa amin lumaki si Tali, kadugo parin namin siya. Kapatid namin ni Fire. Anak niya.

Okay lang ba sa kaniyang lumala ang sakit ng anak niya? Kinalimutan na ba talaga niya si Tali?

“Pwede tayong magpatest nang hindi nalalaman ni papa, ate.” Suhestiyon ko.

Ayaw ko lang talagang magkagulo pa. Kung ano man ang ipinaglalaban ni papa, ayoko nang malaman. Basta ang goal ko ay mailigtas ang kakambal ko mula sa leukemia. Mag-away man kami ni papa, wala na akong pakialam.

“Mas malaking gulo ‘yan pag nalaman ni papa, Knight. I’ll make papa understand.”

Umiling ako, pero inirapan lang ako ni Fire.

See? Pareho sila ng kapatid niya. Masungit.

Noong hindi pa kami masyadong close ni Tali ay palagi niya rin akong iniirapan. Manang-mana siya sa ate niya. Manang-mana siya kay Fire. Siguro noong nanliligaw palang si papa kay mama, parati ring sinusungitan ni mama si papa.

Kinuha niya ang cellphone niya saka may ni-dial.

“Hello, pa?”

Hinilamos ko ang mukha ko. Ang tigas ng ulo ng mga babae! Ang gusto lang nila ang palagi nilang sinusunod!

Hindi pa ba niya kilala si papa? Mainit ang ulo niya kapag si Tali ang pinag-uusapan!

“Pa… namana ni Queenie ang sakit ni lola. May leukemia rin siya.”

Mariin niyang pinikit ang mata niya sa kung ano mang isinagot ni papa.

“Of course, we should care! Kapatid ko ‘yon. Anak mo ‘yon.”

Hindi pa nagtagal ay lumuha na siya.

I already told her.

Binigay niya sa akin ang cellphone niya saka tumayo na at umakyat sa taas. Ayan kasi. Sinabihan ko na siya na kahit anong mangyari ay hindi papayag si papa.

“Pa,” tawag ko sa kaniya.

“Anong kahibangan na naman iyon ni Fire, ha, Knight? Hindi ako uuwi para lang diyan, at hindi kayo magpapa-test. Hindi kayo magdodonate. Hayaan niyo silang mabaliw sa paghahanap sa atin, sa kung sino man ang compatible sa kaniya. Naiintindihan mo?”

“Hindi, pa.” Sagot ko sa kaniya.

“Anong hindi? Ano na naman ‘to? Pinayagan kitang mag-aral sa eskwelahan kung nasaan ang kakambal mo, hindi ba? Pero nangako ka na hindi ka magpapakilala sa kaniya. Nangako ka na hinding-hindi ka gagawa ng bagay na magiging rason para makilala ka ni Queenie o ng pamilya niya. Nangako ka na hinding-hindi mo hahayaang makalapit si Fire sa kaniya. Sinira mo na ang pangako mo tungkol kay Fire, sisirain mo pa ba ang iba?” Sigaw niya sa akin mula sa kabilang linya.

Naiyukom ko ang kamao ko.

What made dad to be a monster like this? Ano ang rason? Hindi ko makuha ang logic niya. Anak niya parin si Queenie kahit pa legally adopted na siya ng mga Gallenero. Queenie is his blood and flesh. Bakit ganito nalang siya kung makapagsalita tungkol sa kaniya?

Worth The FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon