Special Chapter

4.5K 117 56
                                    

BEFORE TALI DIED

Tali

Today is January 26. Lunes.

My big day.

Ooperahan ako ngayon.

The doctor said I have 50/50 chances. Maaaring mabuhay ako and live leukemia-free, o hindi na magising. There's no in between.

Bago ako pumasok sa operating room, i bid my goodbye to the people I love. To my bestfriends, Arki, Sofia, and Miley. Nga pala, si Arki at Sofia na. Naging sila noong nakaraan lang, and I'm so happy for them. May nanliligaw na rin kay Miley.

Masaya ako na masaya na ang puso nilang tatlo. They deserve it. At least kung mamatay man ako ngayon, alam kong nasa mabuting kalagayan ang puso nila. Masaya ako na nalaman ko to bago ako mawala.

I hugged En, and Javi of course. Noong 23 raw ay nagbreak sila, pero sinuyo ni Javi, ayon, nakuha niya ulit ang puso ng mahal niya. Hinarana raw niya kahit hindi siya marunong kumanta.

My heart smiled because of that. There's still hope in this world. Hindi lahat ng lalaki ay manloloko. Alam kong may mga lalaki paring kagaya ni Javi, na gagawin ang lahat para sa babaeng mahal nila. I hope they will have their own happy ending.

Niyakap ko rin si ate Fire, my real ate. Ang naging ate ko noon kahit di ko pa alam na siya talaga ang totoong ate ko. Wala si Camila dahil medyo nagkaproblema raw silang dalawa. I like Cam pero somehow... gusto ko si ate para kay kuya Uno. I just feel this strong connection between the two of them. Naniniwala ba kayo sa red strings of fate? I think I saw that in them.

Nayakap at nahalikan ko sa huling pagkakataon si baby Sy... ang pamangkin ko. 4 months palang siya. Lalaki siyang walang nanay at walang tita Tali. My heart is breaking. Bata palang si Sy pero marami na agad tao ang nawala sa buhay niya. I wish I had the chance to spend more time with him. Sana ay naturuan ko pa siya ng maraming bagay. Sana ay nagabayan ko siya sa paglaki niya. Kung mabubuhay lang ako, I will be the one to introduce him to books. Ipapakilala ko siya kay Harry Potter, o kay Percy Jackson. Kay Theodore Finch Jr.

Nakakalungkot lang dahil mukhang hindi ko na 'yon magagawa pa. Kagaya ni ate Sy, mukhang iiwan ko na rin si baby Sy.

Nagpasalamat na rin ako kay kuya Mike. Sa lahat ng mga putaheng pinatikim niya sa akin, sa mga librong ibinigay niya sa akin, sa pagtanggap niya ng buo hindi lang kay ate Sy kung hindi pati sa amin.

My kuya Uno na kahit hindi umiiyak ay alam kong nasasaktan. Lumaki akong siya ang kinilala kong kuya, at sobrang hirap sa akin na iiwan ko rin siya. Four months ago, masaya pa kaming lahat. Sa isang iglap, mawawalan na siya ng mga kapatid. Not one, but two.

Kung pwede ko lang baunin ang sakit na nararamdaman ni kuya sa langit, I would. Ayaw kong nasasaktan ang kuya Uno ko.

My parents. Of course. Mommy and daddy. Na kahit anak ako ng taong minsang nagbalak na sirain sila, kahit hindi nila ako tunay na anak, kahit ni isang patak ng dugo ay hindi nila ako kaano-ano, tinanggap nila ako ng buo. Kung mabubuhay man akong muli, gusto ko ay sila parin ang parents ko.

Ni minsan, hindi nila ipinaramdam sa akin na iba ako. Ni minsan, hindi nila pinaramdam na hindi nila ako anak. They loved me like I'm their own at sobrang nagpapasalamat ako dahil sila ang nagpalaki sa akin. They deserve all the love. They deserve the best.

They're the best parents in this word!

Lumapit din ako... sa totoo kong ama. Kasabay sa paglunok ko sa laway ko ay ang paglunok ko ng lahat ng galit para sa kaniya sa puso ko. Nagawa niya iyon para sa magandang kinabukasan ng mga anak niya. Kung ako ang nasa sitwasyon niya, I would do the same.

For the first time, tinawag ko siyang papa. He broke down because of that. Matagal niya akong niyakap at umiyak lang siya ng umiyak sa balikat ko.

13 years...

And of course, my first love and my first heartbreak, Knight.

My Ibarra.

Kahit pa kakambal ko siya, hinding-hindi ko pagsisisihang nahulog ako sa kaniya. He is worth the fall. He will always be worth the fall. Kaya nga siguro ako nagkasakit, dahil mamamatay ako ng maaga. Then I'd be reincarnated at makikilala ko ulit si Knight. In my new life, pwede na kaming dalawa. Hindi na bawal, hindi na hindi pwede.

Malaya na kaming mahalin ang isa't isa.

Sana kung kelan pwede na, pwede pa. Wait for me, Knight. Babalikan kita. Hindi man ngayon, hindi man bukas, o sa susunod na taon, babalikan kita.

Pangako.

Nang nakapasok na ako sa operating room, naramdaman ko na. Hindi na ako makakalabas dito ng buhay. Pero panatag ang puso ko.

I will die happy, and now I'm happy. I will die pero hindi ako talunan. Natalo ko ang leukemia, because right now I am surrendering myself to God.

This is all God's will.

**

Worth The FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon