Kabanata 17

2.2K 89 18
                                    

Kabanata 17- Bucket List #2

Tali

It’s Sy’s first month celebration.

Isang buwan na rin simula nang iwan kami ni ate. It’s like yesterday, you know. Ang bilis talaga ng mga araw. Hindi mamamalayan, naglalakad na si Sy. Hindi mamamalayan, I am slowly dying.

I don’t feel it.

My body feels normal. Siguro hindi pa malala, pero darating din ako riyan. Actually mamaya, magpapa-check up ako, to know kung ano na ba ang estado ng white blood cells ko.

“So…” ika ni Knight nang makaupo siya sa tabi ko. May hawak siyang baso ng juice at nagmula siya sa kusina.

“Si ate Fire? Nasa kusina ba? Magkasima sila ni kuya Uno?” Tanong ko kay Knight.

Tumango siya.

Nagkaroon kami ng maliit na salo-salo dito sa bahay nila kuya Mike. Just a family snack. Nakaalis na rin sila mommy at daddy dahil may pupuntahan pa ata sila, si kuya Mike naman pinapatulog si Sy sa taas. Kuya Uno and ate Fire is at the kitchen… I hope they get along well.

“Sasamahan ka ba ni Uno mamaya sa check up mo?”

Nilingon ko si Knight. Nakasandal siya sa sandalan ng sofa at nakapikit ang mata niya. I can see his resemblance to ate Fire. Pareho silang may dimples.

Actually may dimples din ako!

“Kaya kong magpacheck-up mag-isa,” sagot ko sa kaniya.

“Samahan kita? After ng test mo.”

Tinuturuan ako ni kuya Uno at Knight na magdrive, salitan sila. Kapag hindi busy si kuya, siya ang kasama ko. Pero after school, hinahayaan akong magdrive ni Knight.

Madali lang naman pala. I’m sure I’ll pass my test.

“Hindi na. You can go home after my test,” tugon ko.

Iminulat niya ang mga mata niya kaya nagkatinginan kami. I backed away. Tinanggal ko ang mata ko saka pumakawala ng isang malalim na buntong hininga.

“I insist,”

Huminga ulit ako ng malalim.

I need to ask him, about his real intention on me. Habang lumilipas ang araw, mas lalo ko lang name-misinterpret ang kabaitan niya sa akin. Ngayong mababaw palang ang nararamdaman ko, I need to stop this.

I need to put a wall between us.

I need to save my heart.

I’ll die emotionally and physically ready. Hindi ko gustong mamatay habang unti-unti ring namamatay ang puso ko dahil kay Knight.

If he doesn’t like me… cool.

Cool.

Yeah. It’s all cool.

“Bakit ang bait mo sa’kin?”

Hinarap ko si Knight. Umayos siya ng upo.

“Masama na bang maging mabait ngayon?” Tinignan niya ako.

Ayan na naman ang tingin niyang magnanakaw ng hininga.

Mabibilis ang bawat paghinga ko. He has this effect on me. He can make my breathing abnormal.

“Do you like me?” Deretso kong tanong.

Life is short, hindi ba? My life is literally short. Kung hindi ko ito itatanong ngayon, I’ll die confused. I don’t want it.

“Why are you asking me that?” Kinagat niya ang kaniyang pang-ibabang labi. I can’t help but stare.

I love that move.

Worth The FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon