Kabanata 3

4.8K 240 99
                                    

Kabanata 3- Kiss

Napasigaw ako nang malakas nang bumukas ang pinto ko. Nakatakip ang dalawang kamay ko sa tenga ko habang nanginginig ako at umiiyak. Naramdaman ko nalang ang yakap sa akin ng kung sino.

"Tali, Tali! Ako 'to, kuya mo. Anong nangyayari sa'yo?"

Inangat ko ang tingin ko at tinignan kong mabuti ang mukha niya.

Si kuya nga!

Agad ko siyang niyakap at humagulgol sa bisig niya. Malakas pa rin ang pagkalabog ng dibdib ko at nanginginig parin ang buo kong katawan sa takot. I thought I'm going to die! I read too much mystery, kaya kung ano ano na ang pinag-iisip ko.

"Tinignan pa ng daddy mo ang mainswitch, nagkaproblema ata. Ano ang nangyari, Tali? Why are you crying?"

Niyakap ko rin si mommy. Noong medyo kumalma na ako ay saka ko sinabi sa kanila ang nangyari. Bumalik na rin ang kuryente namin saka kinausap din ako ni dad.

"Akala ko talaga katapusan ko na."

"You read too much, Attalia," natatawang tukso ni kuya.

Nag-uusap kami sa sala nang biglang may kumatok sa pinto namin. Si kuya ang tumayo para pagbuksan ang kung sino mang bisita namin sa ganitong oras sa gabi.

"Sino ka?" rinig kong tanong ni kuya.

Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang boses ng nasa labas. "Nasaan si Tali? Ayos lang ba siya?"

Tinignan ako nang masama ni kuya. Tumayo na rin kami nina mommy at daddy saka lumapit sa pinto.

Nanlambot ang tuhod ko nang makita ko ang concern sa mukha ni Ibarra. Nakapambahay pa ito dahil sa hindi ko malamang kadahilanan. Nasapo ko ang mukha ko dahil sa naalala ko. Nasagot ko pala ang tawag niya kaninang nagpapa-panic ako!

"Anong nangyari sa'yo? Akala ko ba ay may mga magnanakaw? Are you okay?" Sunod-sunod niyang tanong.

Tumikhim si dad kaya napatingin si Ibarra sa kaniya.

"Good evening, sir," sabay bow ni Ibarra sa harap ni dad.

Mom and dad invited Ibarra over snacks kahit gabi na. Pinaghanda nila ako ng cookies saka juice, saka iyon dinala sa sala kung saan sila nag-uusap. Masama pa rin ang tingin sa akin ni kuya.

"So, you called this classmate of yours imbis na sa akin, or kina mom and dad? Is that it, Attalia? Kung nasa piligro ka, hindi kami ang tatawagan mo kung hindi ang kung sino sino lang?" Galit niyang tanong. Siniko siya ni mommy.

"She didn't," sagot ni Ibarra. Tinignan siya ng masama ni kuya. "Called me, I mean. I did."

Mas lalo pang umasim ang mukha ng kuya ko. Si daddy naman, seryuso ang tingin sa akin.

"Oh! Palagi ka bang tumatawag sa anak ko?"

Sabay kaming umiling ni Ibarra, ngunit may pahabol pang tanong si mommy. "Boyfriend ka ba niya?"

"Mommy!" Saway ko sa kaniya.

Ipinaliwanag ko ang relasyon namin ni Ibarra, that we're nothing but seatmates. Hindi kami friends, at mas lalong hindi ko siya boyfriend. And so I realized... mas mahirap palang paliwanagan si mommy kaysa mga kaibigan ko!

"Ihatid mo siya sa gate, Tali." Utos ni dad nang magpaalam na si Ibarra para umuwi.

"Sasama ako," agad na tumayo si kuya pero sinapak siya ni mommy sa kamay.

"You stay."

Marami pang reklamo si kuya pero hindi ko na siya pinansin. Nauna na akong naglakad palabas habang pormal pang nagpaalam si Ibarra sa mga magulang ko.

Worth The FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon