Kabanata 22

2.2K 91 31
                                    

Kabata 22- Tawad

Tali

Ang unang ginawa ni mommy pagkapasok niya sa room ko dito sa hospital ay ang yakapin ako. Paulit-ulit niyang binulong sa tenga ko na sobrang laki ng pasasalamat niya sa Diyos na nakita agad ako ni kuya Uno, bleeding and helpless, at nadala agad ako sa hospital at hindi ako natuluyan.

Paulit-ulit ko rin siyang binulungan nang paghingi ko ng tawad for being a weak shit.

Ano kaya ang naramdaman ni mommy noong nalaman niyang nag-attempt ako ng suicide? Ano kaya ang naramdaman ni mommy noong nalaman niyang imbes na kausapin ko sila, mas pinili kong sarilin ang sakit at pakinggan ang mga bumubulong sa tenga ko tuwing gabi at sukuan na ang buhay?

All this time na nag-iisip ako na gusto ko nalang mamatay, hindi ko manlang iniisip ang mararamdaman ng mga taong malapit sa akin.

Selfish ako. Sarili ko lang ang iniisip ko. I know it.

“The doctor said you need to stay here, anak. May donor ka na ng bone marrow. Hindi ko rin alam kung sino, dahil gusto raw ng donor na maging anonymous so let’s just pray for him. Ang Diyos na ang bahala sa kabutihang ibinigay niya sa atin.”

So I stayed.

Ini-email nalang sa akin ng president namin sa klase ang lessons namin, para hindi ako masyadong mahuli. Nakakapanibago, pero kinakaya.

A week passed, sobrang bored na bored na ako. I have my gadgets with me pero nakakabagot magstay sa isang lugar sa loob ng isang linggo. Paulit-ulit lang ang senaryo at mukhang nakikita ko. All the time, nasa kwarto lang ako, nanonood ng kung ano-ano. Minsan lumalabas rin ako ng kwarto pero nakakasawa na ang mukha ng mga nurses at patients dito.

I want something new.

“Zoan!”

Nilingon ko ang pinto. There stood Sam, my neighbor. May libro siya sa kamay. I can see the cover! Tell Me Three Things by Julie Buxbaum. A great book.

He’s back with his hospital gown. The last time I saw him, nakajeans at white shirt siya. Ang sabi niya, may aasikasuhin lang daw siya sa labas. It took 4 days bago siya makabalik.

Look! sa sobrang bored ko rito ay nabilang ko ang araw ng pagkawala ni Sam.

“How’s your life without me?”

Ngumiti siya saka tuluyang pumasok sa kwarto ko. Umupo siya sa sofa kaharap ng kama kung saan ako nakaupo.

“Tahimik,” nakangisi kong sagot.

“Boring, then?” he fired back.

“Whatever,”

Samael became my new found friend here. Iyong siya ang nakakasabay ko sa pagkain, palagi siyang nasa kwarto ko, o ako sa kwarto niya. We’re always talking about life and its beauty.

Samael gave me light. Sounds shit but it's true.

Dahil sa kaniya, gusto ko na ring mabuhay. Like him, I want to die naturally. Parang gusto ko na ring magkaroon ng maraming maraming pangarap, at maabot iyon lahat.

Someone knocked, sabay kaming napalingon ni Sam sa pinto. A chill filled my system when the door fell open.

“Tali!”

Agad akong napatayo mula sa pagkakaupo ko sa kama saka lumapit at niyakap si ate Fire.

“I’m sorry, Tali. Hindi agad ako nakapunta rito. Medyo naging busy rin ako sa school, e. May sasalihan akong pageant!”

Excited na sabi ni ate Fire. I smiled at her.  If she’s here, then…

“Don’t worry, hindi ko kasama si Knight,” ate answered as if hearing my thoughts. “Pero may iba akong kasama…”

Worth The FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon