Kabanata 10

3.5K 122 20
                                    

Kabanata 10- Syene

Tali

Mabilis na lumipas ang araw. Bukas, ililibing na si ate. It’s been three weeks simula nang iwan niya kami.

Nakalabas na rin ng hospital si baby Syeone Mikael Gomez Iglesias, ate Sy’s cute and healthy baby boy. Habang lumilipas ang araw ay nagiging kamukha ni baby Sy ang baby pictures ni kuya Uno. Pareho silang may dimple. May dimple din kasi si ate. Ako nga lang ang walang dimple sa aming magkakapatid.

I named him after his parents. Ate Sy’s real name is Syene, so parang ginawan ko siya ng boy version: Syeone. Si kuya Mike naman ay Michael, iniba ko lang ng konti.

Wala iyon sa mga listahan ng names na ginawa ni ate before she died, but I feel like naming baby Sy after her. After all, they’re like one. Habang-buhay na naming maaalala si ate Sy kay baby Sy, why not name him after his mother?

Nagkakaroon na rin ng progress kay kuya Mike at kay mommy. Nakakatawa na rin sila sa mga little tricks ni baby Sy. Iyon lang, dahil lang kay baby Sy ang mga ngiti at tawa sa bahay. Si baby lang ang nakakapagtawa sa amin these days. His incomplete smile dahil wala pa siyang ngipin, his laugh kapag nagmemake-face kami, his soft hands…

Crying won’t bring our loved ones back.

Kahit pa balde ang iiyak ko, hindi na mabubuhay si ate. Hindi na magkakaroon ulit ng ina si baby Sy. So the only resort is to accept that she’s gone and try to continue our lives.

“Mas bagay sa’yo ito, Tali,” suhesiyon ni ate Fire. Pinakita niya sa akin ang isang white dress na regalo sa akin ni mommy noong 17th birthday ko. Hindi ko pa iyon nasusuot kahit minsan.

Andito kami ngayon sa kwarto ko. Since bukas na ililibing si ate, magkakaroon kami ng eulogy reading. Ate Fire is helping me with my dress.

Close na kaming dalawa.

Palagi niyang sinusundo si Knight sa school namin para makita lang ako. She’s also friends with my friends. Crush nga raw niya si Arki, e. ‘Yon nga lang, kung kumakain kami sa labas, hindi sumasama si Knight.

He’s still aloof. Though close na kaming dalawa. Sa mga kaibigan ko lang talaga siya malayo.

“Ba’t ganiyan si Knight, ate? Nakikipagkaibigan na rin ang mga kaklase ko sa kaniya, pero ang sungit parin niya,” reklamo ko kay ate Fire.

“Hayaan mo na ‘yan, Tali, may saltik ‘yan sa utak. I-try mo na ‘tong dress, dali!”

Magkatabi kami nila Knight at ate Fire habang nagsasalita si kuya Mike sa unahan. Nasa bandang unahan naman nakaupo si kuya Uno. He’s still the same. Cold, kahit kay ate Fire. At hanggang tango lang ang kaya niyang maigawad kay Knight.

Atleast casual na sila sa isa’t isa. Though hindi ko alam kung mag-uusap pa ba sila.

Nakalimutan na rin ni kuya ang plano niyang i-transfer ako ng school. Last year ko nalang sa high school, sayang naman kung lilipat pa ako.

“Papa’s calling, babalik ako,” paalam ni Knight. Tumango ako at si ate Fire.

Kuya Mike is already crying in front, habang kinukwento niya kung paano sila nagkakilala ni ate Sy. He said, they met at their university’s library. Their love story started because of a book. Gayle Forman’s novel, If I Stay.

Nag-agaw sila sa isang libro dahil pareho silang mahilig sa old, tattered books. Sa lahat kasi ng librong If I Stay sa library nila, iyon lang ang mukhang luma.

Weird, I know.

They’re both weird, that’s when they realized they’re made for each other.

Worth The FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon