Kabanata 14

3K 113 69
                                    

Kabanata 14- Like

Tali

Hindi ko pa nasasabi sa mga kaibigan ko na may sakit ako. Kahit kina Sofia at Miley. Kahit kay Arki. Ang alam lang nila kung bakit di ako lumabas ng kotse noong libing ni ate ay dahil sa simpleng sakit lang.

I can’t just text them Hey. May leukemia pala ako.

I’ve been preparing my speech simula nang malaman ko na may sakit ako. But everything sounded wrong. Gusto kong sabihin sa kanila, of course. They’re my friends. Pero hindi ko alam kung paano.

Si kuya na ulit ang naghahatid sa akin sa school.

“Kapag masama ang pakiramdam mo, sabihin mo agad kay Knight, ha?” Paalala ni kuya noong palabas na ako ng sasakyan.

Nakakapanibago lang.

Simula nang malaman ni kuya na may sakit ako ay hindi na niya ako pinagbabawalang makipagkaibigan kay Knight. Actually… they’re growing closer and closer every day, dahil araw-araw akong binibisita nina Knight at ate Fire sa bahay.

Okay. Si Sy ang binibisita nila. Hindi ako. Assuming lang talaga ako.

Busy ngayon si kuya Mike sa work, kaya naman sa amin na muna si baby Sy. Kumuha sina mommy ng yaya for Sy.

At may kakaiba akong nararamdaman kay kuya Uno at ate Fire. They’re awkward with each other. I’m starting to ship them. Bagay silang dalawa! I-reto ko kaya si kuya kay ate Fire? May boyfriend na kaya si ate?

Papasok na ako sa gate nang mahagip ng mata kong may kinwelyuhan si Knight sa tabi ng babaan ng jeep, ilang lakad lang mula sa kinatatayuan ko.

Naka-ibang uniporme ang lalaking kinwelyuhan ni Knight. Sino na naman itong kaaway niya? Akala ko hindi na siya nakikipag basag-ulo?

Nagpanic ako nang makita kong sinuntok ng lalaki si Knight! Agad akong tumakbo. Akmang susuntukin din siya ni Knight nang humarang ako sa gitna nila.

Nanlaki ang mata ni Knight.

“Tali?” Hinigit ako ni Knight saka pinapunta sa likod niya.

“Oh…” tumawa iyong lalaking kaaway ni Knight. “Girlfriend mo, Ibarra?”

“None of your business, Salve.”

Nagtinginan silang dalawa, tila ba nag-uusap gamit ang kanilang mga mata.

Okay? I thought they’re enemies? Hindi ba susuntukin na dapat ni Knight ang lalaking ‘to? Baka naman… oh my God! Baka naman boyfriend ni Knight ang lalaking ‘to?

Sht.

Is he gay?

Nang maramdaman ko ang tingin ng kaaway ni Knight ay tinignan ko rin siya. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

Nag-igting ang kaniyang panga.

“Girlfriend mo nga,” deklara niya.

“Pakialam mo ba? Umalis ka na nga!” Singhal sa kaniya ni Knight.

“Hi,” ngumiti sa akin ang lalaki saka inabot ang kamay niya. “I’m Javi, bestfriend ni Knight.”

Nalaglag ang panga ko.

Bestfriend? May bestfriend ang mokong na ‘to? Paano? Kailan pa? Teka. Kung bestfriend, bakit sila nagsusuntukan? Are they fighting? Bestfriends fight sometimes. Nag-aaway din kami nina Miley at Sofia, pero syempre hindi suntukan.

Then I realized… hindi ko pa talaga kilala si Knight. Ang alam ko lang tungkol sa kaniya ay kapit-bahay siya nila kuya Mike, may kapatid siya, namatayan siya ng parents and twin sister, and he’s in the same grade as me.

Worth The FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon