Kabanata 7

3.9K 145 19
                                    

Kabanata 7- Fire

Kinaumagahan ay pumasok na ako sa school. Marami akong lessons na na-miss, pero mabuti nalang at pinakopya ako nila Miley at Sofia.

"Sigurado ka bang okay ka na? Mabuti naman at walang nangyari sa'yo kahapon kahit wala kang kasama sa bahay niyo," sambit ni Arki.

Tipid ko lamang silang nginitian at pasimpleng sumulyap sa upuan ni Ibarra. Wala pa rin siya kahit ilang minuto nalang ay magkaklase na.

Kinakabahan ako para sa kaniya. Hindi kaya'y siya naman ang nagkasakit dahil sa akin? Hala! Nakakasakit ba ang pagpasok sa closet? O nahawa ba siya sa sakit ko kahapon?

"Teka lang, ha," paalam ko kay Arki saka tumayo at lumabas. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko saka tinawagan si Ibarra.

Superman.

Walang sumagot, pero hindi ako sumuko. Tinawagan ko siya ulit. Nagui-guilty ako. Baka may masamang nangyari sa kaniya dahil sa'kin.

"Hello?"

Babae ulit ang sumagot sa tawag. Kung hindi lang ako nag-aalala sa lalaking 'yon ay ibababa ko na naman ang tawag, pero hindi, e. Kailangan kong malaman kung ano ang nangyari kay Ibarra.

"Uhm, nariyan ba si Knight?"

Kinapalan ko na ang mukha ko. So what kung girlfriend siya ni Ibarra? Nagtatanong lang naman ako, e! Wala naman akong gusto sa boyfriend niya.

"Anong kailangan mo kay Knight? Sino to?"

Umirap ako kahit di naman niya ako nakikita. I don't like the tone of her voice. Maganda, e. Paniguradong maganda rin ang mukha nito.

Nice taste, Ibarra.

"Wala naman. May itatanong lang sana ako," sagot ko.

"Sino ka ba?"

Iritang irita na talaga ako sa tono ng pananalita niya. Ay. Ano ba 'tong girlfriend ni Ibarra? Maganda nga pero may attitude! Paano natatagalan ng mga lalaki ang ganitong klaseng babae?

Sana sa mga katulad namin sila... sa mababait.

Pero kung ako siguro ang magkaboyfriend tapos may tumatawag na random girls sa boyfriend ko, siguro magagalit din ako. Ay ano ba 'yan, Tali! Wala ka namang planong magboyfriend, e!

"Kaklase niya ako, magtatanong lang sana ako kung papasok ba siya? Magsisimula na kasi ang klase," sabi ko.

Natigalan ang babae sa kabilang linya, "Hindi ko alam na may kaibigan pala si Knight na nag-aalala sa kaniya sa tuwing hindi siya papasok. Anong pangalan mo?"

Kinagat ko ang labi ko. She's right. Hindi naman kami magkaibigan ni Knight, e. Dapat hindi na ako tumawag.

But I can't help it! Siya ang nag-alaga sa akin noong inaapoy ako ng lagnat. He even skipped a day in school para sa akin. I should be worried...

"I'm Tali."

Narinig ko ang pagsinghap niya sa kabilang linya.

"Tali? Attalia? Attalia Gallenero?"

What the? Bakit niya ako kilala? Nasasambit ba ako ni Ibarra sa girlfriend niya? Baka nakukwento na niya ako sa kung sino sino! O baka... o baka naman nabanggit niya sa girlfriend niya na hinalikan ko siya sa pisngi!

"Kung nag-aalala ka kay Knight, pwede mo siyang mabisita rito sa bahay nila. I'll text you the address."

Hindi pa ako nakakasagot ay pinatay na niya agad ang tawag. Natanggap ko agad ang text. Address. Sa subdivision iyon nila ate Sy, just a few blocks away from their house.

Worth The FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon