Kabanata 27

2.6K 79 21
                                    

Kabanata 27- Anak

Knight

Pinatay ko na ang shower.

Humarap ako sa salamin. Ang dingding ng shower room sa kwarto ko ay napapalibutan ng salamin. I wanted it this way. Para araw-araw kong makita ang repleksiyon ko.

My reflection is different from who I am. My reflection is how things and people see me.

Who I am is how I see myself.

Tinukod ko ang kamay ko sa salamin. Dumapo ang tingin ko sa tattoo sa taas ng kaliwa kong dibdib.

I got this right after I turned 18. It’s like a family tradition. Nagpatattoo si papa noong nag 18 siya, meron din si ate Fire, ngunit iba iba kami ng design. Kami ang bahala sa design ng tattoo na gusto namin.

Mine looks like a crescent moon, that means there are nights when the wolves are silent and only the moon howls. Noong nalaman ko na ito ang ibig sabihin ng tattoo na ito, alam kong ito na agad ang gusto ko.

Sabi ng tattoo artist na kakilala ni papa kung saan kami nagpa-tattoo, iba iba ang bawat tao sa pag-interpret ng mga meaning ng tattoo nila.

Para sa akin, ang ibig sabihin ng tattoo’ng ito ay may mga pagkakataon na tayo naman. Kung nasanay ang mundo na tahimik tayo, na palagi lang tayong nakamasid, nag-aabang… may mga pagkakataon na tayo naman. Hindi pwedeng palagi nalang tayong nakatago.

Sometimes, we have to make our own noise. Just like the moon. When the wolves are silent, it is the moon that speaks.

We all have our own moments.

I wrapped a towel around my waist saka lumabas ng CR at nagbihis. Ang sabi ni papa, we need to wear at least semi-formal, so I settled with a white long sleeve at itim na pantalon. Hinayaan ko lang na nakabukas ang unang dalawang butones ng polo ko, at tinupi ko ang manggas hanggang siko.

Nagtext si ate Fire na malelate siya kaya kotse ko ang gagamitin namin ni papa. Dala ni ate ang kotse niya sa school. Tinext ko lang si papa na maghihintay ako sa kotse.

Kahit ilang araw na si papa rito sa bahay ay hindi parin mawala ang tensiyon sa amin. We tried reaching out ni ate, lalo na ako. Sinubukan ko siyang kausapin tungkol kay Tali pero nag-iiba ang mood niya kung si Tali ang pinag-uusapan.

So I stopped.

Kung dati sa telepono ay sinasagot-sagot ko siya, hindi ko magawa sa personal. Iba pala talaga kapag kaharap mo na silang kausap.

Ilang minuto pa ay lumabas na rin si papa sa bahay at pumasok na sa kotse. Tahimik akong nagdrive papunta sa kabilang subdivision. Nang makapasok kami sa gate ng subdivision nila ay tumawag si ate na papunta na rin siya.

We finally reached their house. Maliwanag sa buong bahay. Ramdam na ramdam na ang kapaskuhan. Malayong-malayo sa bahay namin na walang kabuhay-buhay.

Nang pinatay ko na ang engine ng sasakyan ay nagsalita si papa.

“Hintayin na muna natin si Fire,”

So we did. Hindi muna kami lumabas ng sasakyan. Mabuti nalang ay nagtext si Javi kaya kahit papaano ay nagkaroon ako ng gagawin.

Javi

Bro, anong magandang regalo sa babae?

Napakunot ako ng noo dahil sa tanong niya. Bakit ako ang tinatanong nito? Mukha ba akong may experience sa mga babae?

Me

Ikaw ang may girlfriend, bakit ako ang tinatanong mo? Wala akong alam sa mga babae.

Worth The FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon