Kabanata 16

2.6K 88 21
                                    

Kabanata 16- Bucket List #1

Tali

I feel so alone…

I feel so fucking alone.

Alas otso na pero hindi parin ako bumabangon. Kanina pa vibrate ng vibrate ang cellphone ko, short and long vibrations. Hindi ako bumabangon para tignan kung sino ang nagtetext o tumatawag sa akin.

I just have no energy to do anything.

Wala ring kumakatok sa akin. Simula ng nalaman nilang may sakit ako ay hindi na nila ako pinipilit sa kahit na anong bagay.

It doesn’t help, though.

Gusto ko lang namang maging normal parin ang lahat kahit na may sakit ako. Ayokong mag-iba ang pagtrato sa akin ng mga tao dahil mag-iiba rin ang pagtrato ko sa sarili ko. Ayoko ring kinaaawaan nila ako dahil mas lalo ko lang kinakawawa ang sarili ko.

To be honest? I’m thinking about killing myself countless times already.

Para isang sakit nalang. Hindi na magtagal ang paghihirap ko. Hindi na tumagal ang sakit na idudulot ng sakit ko sa mga taong nag-aalala para sa akin.

But I can’t.

Marami pa akong gustong gawin. Pakiramdam ko, hindi pa tapos ang misyon ko dito sa mundo. Pakiramdam ko, marami pa akong hindi nagagawa.

Bumangon ako saka inabot ang laptop ko sa side table. I opened my blog account.

It’s been so long.

Isang buwan na rin mula nong huli akong nagpost dito. Look what can happen in just a month. My world turned upside down.

I typed a blog.

Tali.Says

Hi. I’ve been on hiatus for… like a month, I’m sorry for that. It’s just that a lot has happened. My ate Sy died pagkatapos niyang mai-deliver si baby Syeone, her baby, and I’ve been diagnosed with leukemia. Great, right?

I’m dying.

I know some of you here will try to comfort and say inspirational things to me but please don’t. I want you to treat me like how you normally treat me. Ayokong kinaaawaan ako.

At dahil mamamatay na ako, I decided to create a bucket list. And I’m gonna share it all to you. I will be doing 10 things I don’t normally do.

Hope you stay with me until the end.

Ilang sigundo matapos ko iyong mai-post ay umani na agad ito ng maraming comments. Saying I’m in their prayers, saying they will stay with me until the end.

Pero isang comment ang pumukaw ng atensiyon ko.

Ibarra

I will be with you. Always.

He should be. Gusto ko siyang makasama sa sampung listahan ng mga gagawin ko. Gusto kong siya ang kasama ko habang tinutupad ko ang mga bagay na gusto kong magawa bago ako mamaalam.

I like him, yes. Gusto ko siya kahit na mukhang hanggang pagkakaibigan lang ang maibibigay niya sa akin. Paano ba naman kasi ay pa-fall siya.

Masyado niya akong sinanay na andiyan siya palagi kapag kailangan ko siya. Sino ang hindi magkakagusto sa ganiyang lalaki?

Iyong lalaking ipaparamdam sa’yo na ligtas ka kapag siya ang kasama mo, iyong lalaking sa’yo lang titingin kapag siya ang kasama mo. Bakit kasi ganito siya, e. Ayan tuloy. Nagugustuhan ko na ata siya.

Worth The FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon