Kabanata 11

3.3K 134 94
                                    

Kabanata 11- Lose

Knight

“Alam niyo bang dalawa ni Fire kung anong klaseng gulo ang pinasukan niyo? What is she thinking? Mas matanda siya, dapat siya ang mas nakakaintindi ng sitwasyon!”

Hindi manlang nag-hello si papa, o nagtanong kung kamusta na ba kami ni Fire. Iyan agad ang bungad niya pagkasagot ko ng tawag.

Sanay naman na ako. He doesn’t care about our whatnots. Kailan pa ba siya nagkaroon ng pakialam sa amin ni ate?

“Akala ko ba nagkaintidihan na kami ni Fire? Asan siya? Hindi niya sinasagot ang tawag ko. Ipakausap mo siya sakin,” pahabol pa niya.

“Tapos ano? Pagagalitan mo si ate? Wag na, pa. Wala na rin namang mababago. Tapos na. Kilala na siya ni Attalia.”

Ayos lang sa akin na ako ang sumalo sa lahat ng kasalanan ni Fire. Sensitive pa naman ‘yong babaeng ‘yon. Keliit na galit mula kay papa, nagmumukmok na sa kwarto.

Okay nang ako nalang. Kaya kong magtiis mag-isa.

“Ayaw ko lang na maungkat pa ang mga problema ng nakaraan, Knight. We’re better off without that family. Sana naman naiintindihan mo. If you do, help me with Fire.”

Bumalik ako sa upuan ko ng turn na ni Tali para magdeliver ng kaniyang eulogy speech for ate Sy. I squeezed her hand first. Pumunta na siya sa unahan.

Napansin ko kaagad na hindi na maganda ang kulay ng mukha niya. Wala ng pula sa kaniyang labi, at sobrang putla ng kaniyang mukha. She checked her arm, tapos nakita ko rin kung paano kumunot ang noo niya.

What’s in there, Tali?

What’s wrong, baby?

Nawala ang balanse niya sa pagtayo at napahawak ito sa podium. People called her name, pero agad akong tumayo at tumakbo papunta sa kaniya.

Hindi ako kagaya ng iba na nakita na nga nilang nahihilo na ang tao, magrereact muna bago lumapit.

I want to immediately make sure Tali’s feeling fine.

“Tali? Anong problema?” Tanong ko sa kaniya.

Umiling siya habang nakahawak ang kamay sa ulo, pero agad siyang natumba at nawalan ng malay. Mabuti nalang at nasalo ko siya, pero nawalan din ako ng balanse kaya pareho kaming natumba.

Before hitting the ground, I ensured her body.

Ako ang pumailalim para ako lang ang tatama sa ground. And that’s what happened. Naramdaman ko ang impact ng tiles sa likod ko.

Ininda ko ang sakit saka umupo.

Everyone’s panicking. Marami na silang sinasabi, hindi ko na marinig ng maayos at maintindihan kung sino ba ang titignan at pakikinggan ko.

“Buhatin mo siya, Knight. I’ll prepare the car, let’s bring her to the hospital,” ani Uno.

Mabilis siyang tumalikod saka lumapit sa parents niya. May sinabi siya sa kanila at tumango ang mga ito. Nang makaalis na si Uno ay lumapit sila sa akin.

“Knight, sa inyo ko na muna ipagkakatiwala si Tali. Pakakalmahin lang namin ang mga tao, then susunod kami sa hospital,” her mom said.

Tumango ako saka binuhat na si Tali. Itinuro ko ang phone ni ate, mabuti nalang at nagets niya agad ang ibig kong sabihin, na I’ll text her the moment I have access on my phone.

Nang maipwesto ko na si Tali sa loob ng kotse, her head on my lap and Knight driving, tinext ko na si ate.

Me

Worth The FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon