Kabanata 5

4.2K 157 70
                                    

Kabanata 5- Superman

The next morning, nagulat ako nang magpresinta si daddy na siya na ang maghatid sa akin sa school. So ayaw talaga akong kausapin ni kuya? Pa 'I don't want this little connection of us to fade' pa siya e simpleng ganito lang, ayaw na akong ipagdrive.

Kasama rin si mommy sa paghatid sa akin sa school, saka sila pupunta sa hospsital. Same hospital rin sila, just different departments. Neuro si dad, OB naman si mommy.

"Nag-away kayo ng kuya mo, Tali?" Tanong ni dad.

"Nagsumbong siya?"

"Nope," si mommy ang sumagot. "Pero kanina, humingi siya ng favor sa dad mo. Kami na muna raw ang magdrive sa'yo. We're just curious, anak."

"He's acting OA, mom. He wants me to transfer school."

"Hmm. Why?"

"Ayaw niya kay Ibarra. Iyong pumunta sa bahay noong isang gabi? Hindi ko alam kung ba't galit na galit siya sa kaniya e wala namang nagawa sa kaniya 'yong tao. Ni hindi nga kami friends."

Hindi na sumagot si mommy. Tahimik lang kami hanggang nakarating kami sa school.

***

"Girl, ano 'tong bali-balitang tinawagan mo raw si Knight noong Saturday night, ha? Kayo na ba?" Salubong sa akin ni Sofia.

Lumapit silang dalawa ni Miley sa upuan ko. Wala pa si Ibarra kaya si Miley na muna ang naupo sa upuan nito.

"Ang tsismosa mo, ano?" Puna ni Miley kay Sofia. "Pero nagdate kayo?"

"Hindi kami nagdate. Hindi kami. We're not even friends. Pagod na akong magpaliwanag dahil hindi pa rin naman kayo maniniwala," irita kong sagot.

"Ay ang sungit nito!" Reklamo ni Miley.

Nilapit niya ang upuan ni Ibarra sa upuan ko. Si Sofia naman ay nakaupo naman talaga sa unahan ko, kaya sariling upuan niya ang nilapit niya sa akin.

"Sorry. Nag-away kasi kami ni kuya."

"Ha? Bakit?"

Kinwento ko sa kanila ang nangyari kahapon. Kung paano ko nalamang kapitbahay pala nila ate si Ibarra, at ang sinabi ni kuya na ililipat niya ako ng school.

"I get na protective lang si kuya Uno dahil baby girl ka niya, pero 'yong ililipat ka dahil kay Knight?" Hindi makapaniwala si Sofia sa sinabi ko.

"Baka may old quarrel sila ni Knight, girl? Like nag-agaw sa isang babae, nagkalaban at nagkainitan dati sa basketball, natalo ni Knight sa DOTA, ganun." Suhestiyon ni Miley.

"Ang babaw naman niyan, girl. Pero kung babae ang dahilan, pwede."

Nanahimik kaming tatlo nang pumasok si Ibarra sa room. Tumayo si Miley para ibalik ang upuan niya. Natahimik na rin ako. I have no plans of chitchatting with him.

Lumapit siya at pumirmi sa gilid ko. Hindi ko siya nilingon. Iniwan na ako ni Miley at Sofia.

"Hey," aniya sabay kalabit sa balikat ko.

I stayed still. Hindi ko siya nilingon.

"Gallenero," aniya ulit.

"What?" I snapped.

"Whoa," tinaas niya ang kaniyang dalawang kamay na tila nagsusurrender. "Gusto ko lang magsorry dahil sa nangyari kahapon."

"It's fine," may diin kong sabi.

"I heard ililipat ka raw ng kuya mo ng school?"

Tinignan ko siya nang masama.

"Ano bang pake mo?"

Worth The FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon