Wakas

4.5K 122 44
                                    

Wakas

Knight

Papatapos na ang January, pero maulan parin. Lalo na kapag katulad ng oras ngayon, alas dies ng umaga. Puro nakaitim at nakaputi ang mga taong makikita dito sa sementeryo, kung saan nagpatayo sila ng tent para sa mga tao.

Nilapit ko ang notebook ni Tali sa dibdib ko. Ito ‘yong notebook na naglalaman ng sampung huling bucket list niya, and sadly… siyam lang ang natapos niya.

Hindi niya natapos ang sampu… at ngayon ko lang nalaman kung ano ang pang-sampu.

Nakakalungkot na kahit ganun na ang nangyayari sa pamilya namin ay ako parin pala ang nasa isip niya. Gusto parin niya akong sumaya. Pero hindi ko na iyon natupad para sa kaniya.

If only I knew…

Tumayo kami para sa huling panalangin na iaalay para sa kaniya, saka isa isa kaming lumapit para maghulog ng bulaklak sa kung saan pinababa na ang kabaong ni Tali.

Masakit parin ang dibdib ko dahil sa nangyari. Hindi parin ako makapaniwala. Alam ko namang maliit lang ang tsansa na mabuhay siya pero umasa ako. Umasa ako na magkakasama parin kami. Masakit lang dahil kung kelan kinausap na niya ulit ako… saka naman siya nawala.

--

Nagpipinta ako sa garden namin sa likod ng bahay nang tinapik ako ni ate Fire sa likod.

“What do you want?” Singhal ko sa kaniya. Alam niyang ayaw ko ng istorbo kapag nagpipinta ako, e.

“Naghihintay si Javi sa sala.”

“Bat sa sala siya? Papasukin mo kaya dito!”

Para naman siyang ibang tao. Minsan nga kahit tulog ako sa kwarto, pumapasok siya e. Walang hiya ang lalaking ‘yon.

“May kasama siya.”

Ibinaba ko ang paint brush na nasa kaliwang kamay ko saka hinarap ko si Fire. Tinaasan ko siya ng kilay.

“Si En? Papasukin mo nga sila, may ginagawa ako, e.”

“Si En, saka may isa pa.”

Bumisita ang isang misteryusong ngiti sa labi ni ate. Humugot ako ng malalim na buntong hininga saka padabog na pumasok sa sala.

Pa-special talaga 'to si Javi kahi kailan.

Tumigil ako sa kalagitnaan ng paglalakad nang makita ko kung sino ang kasama nina Javi at En.

“Tali…”

“Knight,” tumayo si Tali mula sa pagkakaupo saka lumapit sa akin. Nanigas ang buo kong katawan ng yakapin niya ako. Sinenyasan ako ni Javi na yakapin ko rin si Tali… kaya ginawa ko.

Ah!

I miss this.

I miss her.

“Libing ni Sam ngayon, pwede mo ba akong samahan? Sasamahan ako nina Javi at En.”

Kumunot ako noo ko.

“Si Sam, kaibigan ko sa hospital. Naging parte siya ng buhay ko, Knight, kahit isang buwan lang kaming nagkakilala. Gusto ko kahit wala na siya, maging parte rin siya ng buhay mo.”

Naalala ko si Uno, at ang nangyari sa mall noong pinasundan sa akin ni Uno si Tali. Si Sam ba ‘yong pumalit sa pwesto ko sa buhay ni Tali?

The Superman? Siya ba ‘yon?

Wala na siya?

Kahit hindi ko siya nakilala, at kahit nainis ako sa kaniya noon, ay may kung anong karayom ang tumusok sa puso ko.

Worth The FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon