Kabanata 21

2.2K 92 23
                                    

Kabanata 21- New life

Tali

My body feels weak.

I tried moving, pero masakit ang katawan ko. Iminulat ko ang mga mata ko at tumambad sa akin ang puting kisame.

Where am I? Hindi ito ang kwarto ko!

Sinubukan kong tumayo pero napatigil ako nang makita ko ang dextrose sa kamay ko. And then memories flashed my mind. How I drove alone, how I came home in an empty house, how I tried to take my life.

I just fucking tried to commit suicide pero bakit buhay parin ako? Why am I still breathing? Bakit ako nakaligtas?

Sana natuluyan nalang ako. This life is worthless. Wala na akong halaga. I should just disappear completely.

Tinanggal ko ang dextrose sa kamay ko. Blood dripped pero hindi ako nakaramdam ng sakit. Kung nakaya kong gilitan ang palapulsuhan ko, anong klaseng sakit pa ba ang mararamdaman ko sa maliit na sugat na dulot ng dextrose na ‘to?

Hindi ako manhid. Sanay lang talaga ako sa sakit.

Bumaba ako sa kama. Naghanap ako ng pamalit sa hospital gown na suot suot ko pero wala akong makitang bag o anumang damit. I checked the CR pero kahit doon ay wala. Padabog kong binuksan ang pinto papunta sa labas ng kwartong ito. The busy hallway doesn’t surprise me.

Sa ilang beses kong bumisita sa hospital na ito dahil sa parents ko at sa sakit ko, this doesn’t surprise me anymore. This smell of alcohol and medicine, I’m immune to this. Pakiramdam ko, sinanay ako sa amoy ng hospital dahil magkakasakit din ako.

“Tali?”

Tawag sa akin ng kung sino.

It’s a nurse. Hindi ko siya kilala, paano niya ako nakilala?

Nang akmang lalapit siya sa akin ay tumakbo ako. I will leave this sick place. Ayoko nang magpagamot. I just want to die!

“Tali! Nurse! Nurse! Tulong!”

Paliko-liko ako sa mga hallway ng gusaling ito. I know where I’m going. I know this hospital like my own home. I used to run like this when I was a kid, pero walang humahabol sa akin na tila isa akong kriminal at may malaking kasalanan.

Ano nga ba ang kasalanan ko? Ang maging malandi sa mata ng bestfriends ko? Ang magmahal ng taong… hindi ako mahal?

Naalala ko na naman ang nangyari noong gabi ng birthday ko. Nagsimulang magbagsakan ang mga luha sa mata ko but I keep on running. My vision is blurry, may nabangga na rin akong nurse rin, but I keep on running. Malapit na ako sa entrance.

Pinahid ko ang luha ko saka nilingon ang mga humahabol sa akin. May tatlong lalaking nurse at ‘yong babaeng nurse na tumawag sa akin kanina. Mas lalo kong binilisan ang takbo ko pero bigla akong nakabangga habang hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko.

Muntik na akong mapatapon sa gilid kung hindi lang ako nasalo ng kung sino.

“Sam, wag mo siyang bibitawan!” Sigaw nong babaeng nurse. Sinubukan kong makawala sa hawak ng lalaking nabangga ko pero hinawakan niya ako ng mahigpit.

Napapikit ako ng mariin nang maabutan ako ng mga nurse na humahabol sa akin.

“Bitawan niyo ako! Bitawan niyo ako!”

Hinawakan ako ng mga nurse pero nagpupumiglas ako. I want to go home! Ayoko rito! Ayoko nang gumaling! I just want to die. I just want to rest.

Pagod na pagod na ako.

“Teka,” pinigilan nong lalaki ang mga nurse sa pagkaladkad sa akin. “Pasyente ba siya sa psychiatric ward?”

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. Me? Psychiatric?

Worth The FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon