Kabanata 26

2.3K 68 6
                                    

Kabanata 26

Tali

It’s the thing about truth—it sucks.

Gusto nating malaman ang katotohanan, pero nasasaktan naman tayo kapag nalaman na natin ito. Dahil hindi naman ipagkakait sa atin ang katotohanan kung hindi naman ito masakit, hindi ba? Bakit tayo pinagtataguan ng katotohanan? Because we’ll be broken by it.

The thing is… I’ve been in love with my brother. Shit. It sounds wrong. It is wrong in all way.

Ni hindi ko pa nga naaamin sa sarili ko na mahal ko na pala si Knight… pero ngayong alam kong magkakambal kami, ngayon ko narealize na mahal ko na pala talaga siya.

Why do we have to be twins? Sa dinami-dami ng tao sa mundo, bakit siya pa ang kakambal ko? Bakit siya pa ang minahal ko? I love Knight not with the same brotherly love I have for kuya Uno.

I know in my bones that I love Knight as a boy. And it sucks.

“Tali,” tawag sa akin ni Arki sabay yakap. He smells normal, he smells like the old Arki I haven’t seen for a while.

You see, people around me remained normal. Walang nagbago. Pero sa akin, nabaligtad ata ang mundo ko. Completely upside down.

“Tali…” naiiyak na tawag sa akin ni Miley. Tumawa ako sa kaniya dahil mukha pa siyang takot na lumapit, kaya ako itong lumapit at yumakap sa kaniya. Nakiyakap din sa amin si Sofia.

Tumulo na ang luhang kahapon ko pa pinipigilan. Miley, Sofia and Arki hugged me like I’m a soft fabric that needs extra care.

I miss this. I miss them, my bestfriends.

Inilayo kami ng mga pangyayaring hindi ko naman sinasadya, pero hindi ko alam na paglalapitin din kami ng isang bagay na mas lalong hindi ko gustong mangyari sa buhay ko.

“It’s okay, Tali… we’re here.” Bulong sa akin ni Arki.

I broke down. Wala nang lakas ang tuhod ko. Halos hindi na ako makahinga dahil sa pag-iyak. Sinusuportahan na lamang ako ng tatlo para makatayo sa pamamagitan ng yakap nila, and I know I look miserable right now. Siguro kung may ibang tao rito sa kwarto ko ay aakalain nilang namatayan ako ng asawa.

But no. It wasn’t someone who died. It’s me, who died. Truth killed me. And I’m mourning for me because if I won’t, who will?

This is my first time falling in love… and in my first time is where I realize that the most painful thing ever is having feelings for someone you can’t be with.

Knight showed me everything I needed to see. ‘Yan ata ang isa sa mga rason kung bakit ko siya minahal. Kaya niya siguro ‘yon ginawa, ay dahil kapatid niya ako… pero ako, clueless as I am, fell for his brotherly actions. Kung sana ay alam ko lang… siguro ay hindi naman ako nahulog ng ganito.

I know.

Alam ko na may mga taong ang tingin sa akin ay assuming shit, pero hindi ko naman sinasadyang mag-assume. Nag-assume ako dahil may nakita ako… dahil may naramdaman ako. It’s my first time na alagaan ng taong hindi ko naman kaano-ano.

Kuya Uno, he is my brother for me. Arki, he’s like a brother, too. Kaya kahit na halos parehong actions din ang pinakita ni Knight sa actions nila, hindi ako nahulog kina kuya at Arki dahil alam kong it’s out of care and responsibility.

Knight… is different. I didn’t know. Akala ko inalagaan niya ako dahil gusto niya ako… but no. It turns out, baliktad pala.

Look what truth and lies can do. Dahil sa katotohanan at kasinungalingan ay mas lalo nating nakikilala ang mga sarili natin.

“Do you want to talk about it?” Tanong sa akin ni Arki. Binitawan na ako ni Miley at Sofia, pero hindi umalis sa tabi ko sa Arki. Inalalayan niya ako paupo sa kama ko.

“Kuha lang akong tubig sa baba,” pamamaalam ni Sofia. Tumalikod na siya saka lumabas ng kwarto.

“No…” sagot ko sa tanong ni Arki.

I’m not ready. I will never be ready.

Alam na nila Arki, Miley at Sofia, dahil sinabi ko rin mismo sa kanila, kaya kahit naka-uniporme silang tatlo ay sumugod sila rito sa bahay.

I don’t want to talk about it dahil nakakapagod nang mag-isip. I just want to rest forever. Nakakapagod na ang mga problema ko sa buhay. Kung dati ay na-bore ako sa pagiging predictable ng buhay ko, ngayon… I’d give up anything para mabalik sa dati ang buhay ko.

‘Yong hindi ko pa masyadong kilala si Knight, ‘yong simpleng si Ibarra lamang siya sa buhay ko. ‘Yong hindi ko pa alam na may sakit ako.

Kailan man ay hindi ko maiintindihan ang buhay. Life sucks, at every point of it. Palagi niya tayong pinaglalaruan. People who want to die lives. People who want to live dies.

Sam…

If he’s only here, alam niya kung ano ang dapat sabihin. Kagaya ng, maybe we don’t need to understand life; maybe we just need to live it as it is. I can write a book containing all the words said by Sam. Lahat ng mga salita ni Sam na hindi lang nakakapagpagaan ng loob, kung hindi nakakarefresh ng kaluluwa.

Sam is so gold…

The world needs more of him.

My phone vibrated. It’s Sam. Speaking of the devil…

Sinagot ko ang tawag. Nakatingin lang sa akin sina Arki at Miley.

“Where are you?” Namamaos ang kaniyang boses. He sounds tired. Siguro ay gumala na naman ang lalaking ‘to.

“Home, why? Missed me?” Tukso ko sa kaniya. Tumikhim si Arki, saka tinaasan ako ng kilay. Nginitian ko lang siya. Nakwento ko na rin sa kanila ang tungkol kay Sam, pero hindi sila aware na ganito kami mag-usap.

“It’s Christmas next week…” panimula niya.

Yeah. It’ll be Christmas next week. Ang bilis lang ng araw.

It’s been a month since my birthday, it’s been 3 months simula ng mamatay ang ate Sy ko. The day na nagsimula lahat ng pagbabago sa buhay ko.

But I can’t hate that day. ‘Yan din ang araw na ipinanganak si baby Sy. And know what’s even funnier? Sa araw na namatay ang ate Sy ko, ay ang araw din na nakilala ko ang totoo kong ate, ate Fire.

It’s so funny it hurts. Ni hindi manlang sila nagkakilalang dalawa.

They’re neighbors, and Knight is close to them, so maybe kilala na rin ni ate Sy si ate Fire… pero hindi manlang nila nakilala ang isa’t isa as my sisters. I’d love to have them both. Maganda sigurong magkaroon ng dalawang ate.

“So?” Tanong ko kay Sam.

“The day before that, can you visit me here?” Tanong niya. Tumawa ako ng malakas. Pumasok na ulit si Sofia sa kwarto. May dala-dala siyang isang baso ng tubig. Tinanggap ko iyon saka tahimik na nagpasalamat. Dumerecho siya sa veranda ng kwarto ko. Sumunod sa kaniya si Miley, pati si Arki.

“Nami-miss mo na talaga ako, lodi.”

Si Sam nalang ang nakakapagpatawa sa akin these days. I need to see him. I need to feel that he’s close to me.

“Well yes, namimiss na kita, Zoan. Wala akong kasama sa Christmas, e. I just want to see your face, tapos pwede ka ng umuwi and spend the rest of the day with your family.”

I cleared my throat.

You don’t have to say that, Sam. I’ll invite you over. I know my family will gladly welcome you despite our fucked up situation.

“Sa isang kondisyon…” saad ko. Nang hindi siya sumagot ay nagsalita akong muli. “When’s your birthday?”

I want to bake a cake for Sam. I want him to experience how it feels like to blow a candle in his birthday. That’s the least I can do for him.

“Sasabihin ko sa’yo pag andito ka na,”

***

A short UD. 4 chapters remaining. Thank you for reading Knight!

PS. That's Knight and Tali above 🌻

Worth The FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon