[Safiya Kate Asuncion!!! Kyaaaaah!] Tiling bungad ng kaibigan kong si Alexa sa phone.
"Will you please lower down your voice?" Iritang tugon ko sa kausap ko sa phone. She just laughed the moment I said that.
[Why didn't you tell me na uuwi kana dito sa Pilipinas?] Nagtatampong saad niya. I smiled at the back of my head at nag roll eyes.
"Surprise!" Sarcastic kong sabi na ikinatawa niya. She's the Alexa I have known for 10 years. Ginagawa niyang joke ang mga sarcastic answers ko sa mga tanong niya.
[Hahaha. You're really Safiya Kate Asuncion I know! Wait for me there, marami kang utang na kwento sa akin bruha ka!] And the same Alexa Trinidad I knew, nagbababa ng phone call kahit hindi pa tapos kausapin.
It's been a week since I last saw Miguel. Ngayon lang din nalaman ng kaibigan kong si Alexa na nandito na ako sa Pilipinas. Even my family doesn't even know yet that I'm back from France. Naiwan ko doon ang isa kong botique named Safia Kate's Fashion. But I am planning to open a new branch here in the Philippines.
Nakarinig ako ng doorbell sa labas ng condo ko. Yes, I am living in my condo. Pagkarating ko lang from the airport ay dumiretso ako dito rather than going to my family's home.
Napailing ako nang marinig ang walang katapusang pag pindot sa doorbell ko sa labas.
Binuksan ko ang pinto at nakita ang nakakunot noong mukha ng kapatid kong si Kent.
"And ate Alexa's right! You're finally back ate, then why haven't you told mom that you're here already? She will be happy to see you." Sabi niya.
He is Saijan Kent Asuncion, 18 years old. Ang bunso kong kapatid na nag-aaral sa dati kong school. Alam niya din kung bakit ako nagpaka layo-layo after what Miguel did to me before.
"And you've changed." Sabi niya habang nakatingin sa akin from head to toe. Tsk! Ginulo ko ang buhok niya, na hindi niya naman nagustuhan.
"Ano ba ate! I already have told you na wag mong guguluhin ang buhok ko. Tss." Naglakad siya papasok ng condo ko kaya't sumunod ako pagkatapos kong i-lock ang pinto.
"You came back, so does it mean na naka move on kana ate? Tsk! I told you he's not worth it." Sabi niya pa. Aba't! Kung makapag salita tong bubwit na to parang siya pa ang mas matanda kesa sa akin.
I just rolled my eyes at naalala ang mga nangyari one week ago. Pagkatapos noon ay hindi ko na ulit binalak na makita si Miguel. Well, there's a time for that.
Hindi din naman nagtagal ang kapatid ko sa pag bisita at may photoshoot pa daw siya. Model eh,
Sumunod namang dumating ay si...
"Kate!!! God, I missed you so much! And look, gaga ka. Hindi mo manlang sinabi na nagpasexy ka pala! You look hot bes! Gorgeous!" Puna niya bago ako yakapin. Nagkibit-balikat lamang ako sa kanya. Well, it was a compliment for me.
"So, you should start telling me a story. What happened? Have you already met Miguel?" Na e-excite niyang tanong. Tumango lang ako at naiilang na ngumiti.
"That look is telling me that something happened. I mean, something happened between the two of you." Makahulugan niyang sabi. I sighed before explaining everything. Kailangan ko rin namang sabihin sa kanya kasi malalaman at malalaman niya rin sooner or later.
"W-what? I mean, K-kate actually isasama sana kita tomorrow eh. May a-attendan akong wedding." Naguguluhan na may pag aalalang sabi niya. Nagtaka ako kung ano ang bumabagabag sa kaibigan ko ngayon which is affected ako siyempre.
"Okay. Pero what's with that face?" Turo ko sa mukha niya gamit ang nguso ko.
"Kate naman, why did you gave him your virginity? Alam mo namang naghihiganti ka lang diba? Nilandi mo lang sana bes. Ang laki ng nawala sayo eh! Oo nga't 25 kana pero naman binigay mo sana yon sa taong para sayo na talaga." Sermon niya. Inaamin ko naman na mali yong desisyon kong iyon. Yong pagbigay ko ng virginity ko sa lalaking sumira sa puso ko.
"Nadala lang naman ako sa galit at paghihiganti that's why I sacrificed it." Uminom ako sa baso na dala-dala ko. Nandito kami ngayon sa kusina at plano kong dito na patulugin si Alexa.
"Bes kasi ano..." pag-aalangang sabi ni Alexa. Naitaas ko ang kanang kilay ko kasi may sasabihin siya eh "Anong ano?" Sa pag hihintay ko ay napa roll eyes ako. Ininom ko ulit ang tubig ko nang dahan-dahan, tsk pabitin pa kasi ng sasabihin eh.
"Diba s-sabi ko aattend ako bukas ng kasal? Ano kasi, Miguel is getting married and I am invited." Sabi niya na ikinagulat ko ng husto. What the!
"Ano???" Shit! Ba't ang sakit? Ba't di ako na inform? Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko.
Kate naman! Ba't ang tanga mo? hindi mo ba na isip na five years na ang nakakalipas at posibleng may karelasyon na siya o asawa?
Ikakasal na pala 'yong taong nilandi mo?Arrgh! What have I done? I just gave myself to the person I hate the most and that person is getting married! What the hell is wrong with me?! I am crazy! And I hate myself for doing that.
"At dika mapakali ngayon, tsk tsk tsk" sabi niya habang naka crossed arms.
Kanina pa ako palakad lakad dito at nag-iisip. Shit! Ano ba itong pinasok ko? Makakaya ko kaya siyang makita bukas?!
Makakaya ko kayang makita siya na ikinakasal sa ibang babae?
***
BINABASA MO ANG
I Seduced My Ex-boyfriend's Twin? (Completed)
RomanceI was being played by the person I fell inlove with. I changed my lifestyle and lose weight. I came back to the Philippines to take my revenge. Only to find out that the man I seduced was my Ex-boyfriend's twin? Written by : Loovybelle Genre: Romanc...