Dumaan pa ang mga araw at nakakaramdam ako ng madalas na pagkahilo, at pagsusuka. It's already at the middle of the month at hindi pa pala ako dinadalaw ng menstruation ko.
Biglang bumundol ang kaba sa aking dibdib nang maalala na may nangyari pala sa amin ni Troy mag iisang buwan at kalahati na ang nakakaraan. Hindi kaya, nabuntis niya ako?
Hindi, hindi pwede!
Hindi ako pwedeng mabuntis, isang playboy ang ama ng bata kung totoo man ang hinala ko. I've been delayed for one month at ngayon ko lang ito napansin. Damn! Kamalasan talaga ang hatid ng lalaking iyon sa akin!
Iwinaksi ko ang mga isipin sapagka't ang araw na ito ay ang araw ng pagbubukas ko ng bagong branch ng boutique. May ribbon cutting ngayon kasama sina mom, ang kapatid ko at si Alexa. Kasama na rin ang mga tauhan ko sa shop na dalawang cashier at anim na saleslady.
Magbibigay ako ng 30 percent off ngayong araw tutal opening naman.
They congratulated me after the ribbon cutting at excited silang pumasok. Parami na rin ang nagsisipasukan. For men and ladies wear ang mga damit na ibinebenta ko dito. May ladies section lang 'tsaka men's section din.
Nagpagawa rin ako ng magiging office ko. Mayroon kasi akong ini-sketch na special dresses na inilalagay ko sa harap upang maka agaw ng pansin sa mga taong dadaan sa boutique ko.
"Alam mo bes, this business location is really perfect. Magagawa mong makipag kompitensiya sa mga boutique dito. Your botique is at the heart of the town! tiyak magiging successful ang business mo dito." Tuwang tuwa na sabi ni Alexa.
"You're pale, are you sure you're okay? Kanina ka pa matamlay." Concern na puna ni Alexa. Ngumiti ako ng pilit at pinasigla ang boses ko."Wala ito, medyo masama lang ang pakiramdam ko."
Kasalukuyan kaming nasa office ko. Kanina pa nakaalis sina mommy at si Kent at may klase pa daw ang kapatid ko samantalang si Mommy ay may aasikasuhin pa sa kompanya nila ni Dad.
"I mean, napapansin ko kasi these past few days ay ang tamlay mo na. Tell me Kate, may problema ka ba? O may pinagdadaanan ka ba?" Tanong niya na alam ko naman ang ibig sabihin.
Hindi ko pa kayang ipagtapat sa kaibigan ko, I want to know if tama ba ang hinala ko or what before ko sabihin and I want to know it later. Bibili ako ng pregnancy test sa Drugstore.
"Nothing, but I have a question to ask, may balita ka na ba sa bagong kasal after their honeymoon?" I was referring to Trina and Miguel. Wala na kasi akong balita sa dalawa after the wedding.
"Mayroon. Akala ko ba wala ka nang pakialam doon sa dalawa kasi nga, ikinasal na sila!" Makahulugan niyang sabi. Nagtatanong lang naman bakit ganoon siya maka react? Hindi ko mapigilang mapa roll eyes.
"Pwede bang sabihin mo nalang? Nagtatanong lang naman." Nakataas kilay kong sagot. Tsk! Ano bang masama sa nagtatanong? As if naman aagawin ko pa eh nakatali naman na! Duh!
"By the way, aren't you invited sa 27th birthday party ng kambal na Francisco? I mean kahit si Troy manlang ang mag invite sayo diba? The party is tomorrow and will be held at Solaire Resort and Casino." She said na may halong pagtataka. At ano namang kinalaman ko diyan sa lalaking yan eh we're not in good terms baga. I seduced him intentionally and he is mad for sure to what I did.
"And about your question kanina, obviously nandoon ang kambal sa birthday celebration with matching Trina." Dagdag niya pa. Brilliant Idea! Ba't hindi ko naisip yon?
"That smile na naman. Move on na kasi bes, nang hindi ka nasasaktan. Ugh!" Sabi niya kaya't nabatukan ko siya.
"Excuse me? That bitch is getting into my nerves! Noon pa pala ay plano na niyang maging sila ni Miguel! Noong alam niyang kami pa ni Miguel noon. Hindi lang pala si Miguel ang nanakit sa akin, kundi pati na rin pala ang sarili kong kaibigan." Maktol ko. "I just can't accept the fact that she was the one Miguel had a serious relationship with." Ano ba yan! Naiiyak na naman ako. Ang babaw naman ng luha ko, nakakainis!
"I'm sorry, bes. You can talk to her naman tomorrow when we get there." Sabi niya, I just nodded. Gusto ko lang naman marinig ang side niya eh. I also want to move forward after that. I won't do anything that can harm her. I don't bite. Tsk.
"Can you hear that?" Said Alexa out of the blue. "Ang alin?" Tanong ko.
Hindi niya ako pinansin dahil binuksan na niya ang pintuan at narinig ko na nga ang mga tilian. Napa "huh?" Pa ako at sinundan si Alexa sa labas ng office ko.
"My gosh! He's a greek god!"
"He's looking at me. Bestie, he's mine."
"Eeeee! Enebenemen! Kinindatan niya ako!"
"It's really him! Troooy!"
Si Troy? Nasa boutique ko? Hinanap ng mga mata ko ang pinanggagalingan ng mga tili until I found him at the counter.
"Sir nasa office niya po eh." Sagot ni Myrna na isa sa mga Cashier ko. "Okay" sabi naman ni Troy. Napa crossed arms tuloy ako habang nakaharap sa kanya.
What the hell are you doing here? "And who are you looking for Mr. Francisco?" Taas kilay kong tanong. Lumawak ang ngiti niya at lumapit sa akin na nakapamulsa ang dalawang kamay.
"I want to talk to you personally and privately, Miss Asuncion." He said. Siniko naman ako ng kararating lang sa tabi ko na si Alexa. Kinikilig na naman yan panigurado.
"In my office." Sabi ko and look at my friend Alexa who is now looking at us meaningfully. Naglakad na ako pabalik sa office ko at ramdam na nakasunod si Troy sa akin.
***
BINABASA MO ANG
I Seduced My Ex-boyfriend's Twin? (Completed)
RomanceI was being played by the person I fell inlove with. I changed my lifestyle and lose weight. I came back to the Philippines to take my revenge. Only to find out that the man I seduced was my Ex-boyfriend's twin? Written by : Loovybelle Genre: Romanc...