My baby!Bumangon ako sa pagkakahiga ko at nakita ang nag aalalang mukha ni Troy sa tabi ko.
So siya pala iyong nakita kong nagbukas ng pinto sa office bago ako mawalan ng malay?
Kinapa ko ang tiyan ko at nagsimula nang tumulo ang mga luha ko...
"Ang baby ko! Ang baby ko! Tawagin niyo ang doktor. Kumusta ang baby ko?" Halos magwala na ako sa pagkataranta ko. Niyuyogyog ko pa ang kanang balikat ni Troy.
"Kate please calm down..." sabi niya na hinahagod ang likod ko. Naiiyak na din siya habang nakikita ako nagkakaganito.
Siya lamang ang nakikita ko sa loob ng kwarto at wala ng iba. Nasa France ako kaya hindi ako agad na mapupuntahan ng pamilya ko.
"Troy, sagutin mo ang tanong ko! Kumusta ang anak ko!?" Sobrang hina pa ng buong katawan ko nahimatay lang naman ako kanina diba? Bakit feeling ko nawala ang anak ko? No! Hindi pwede. Hindi pwedeng mawala ang anak ko!
"Kate...our baby is gone." Umiiyak na sabi niya. Napatigil ako feeling ko nabingi ako pagkatapos ng narinig ko kay Troy. Hindi pwede!
"No! Ibalik niyo ang anak ko. Hindi pwede! Yung baby ko!" Humagulhol na ako sa iyak. Hindi ko matanggap. Ayokong tanggapin!
"Nang nawalan ka ng malay, dinugo ka. Maraming lumabas na dugo...our baby is gone. Kate, It's my fault. I'm so sorry." Umiiyak na din siya sa harap ko.
Nakaupo ako sa hospital bed habang nakayuko. Hindi ko kaya, ayokong mawala ang anak ko!
And yes, Troy! This is your fault! This is all your fault!
"I hate you! I hate you! Get out of my sight! You killed my child!" Sigaw ko habang hinahampas siya ng mahihina kong kamay. Pilit niya akong niyayakap habang humihingi ng tawad.
"I'm sorry...I'm sorry Kate. Please forgive me. This is my fault."
Umiyak ako mula pag gising hanggang sa nakatulog ako. Pag gising ko ay hawak parin ni Troy ang isa kong kamay. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at nagising siya.
Hindi ko siya pinansin. Pilit niya akong pinapakain pero tinatanggihan ko ang pagkain na binibigay niya sa akin. Tulala lang ako habang tumutulo ang mga luha ko sa magkabilang mga mata.
Napapagod na akong umiyak pero ang puso ko ang sakit sakit parin.
***
Kinabukasan ay dumating si Alexa na nag-aalala."Bes..." niyakap niya ko ng mahigpit. Tulala parin ako at hinahagod niya ang likod ko. Habang ang mga luha ko ay patuloy paring umaagos.
Umabot ang isang linggo bago ako ma discharge sa hospital. Isang linggo akong inalagaan ni Troy at Alexa. Hindi ko man pinapansin si Troy ay patuloy niya parin akong inaalagaan.
Pero nang araw ng discharge ko ay hindi ko na siya nakita pa at tanging si Alexa lang ang kasama ko. Umuwi ako sa condo ko kasama si Alexa at doon nagpahinga.
☆☆☆
Umabot ang ilang buwan at hindi ko na nakita pa si Troy. Sinisisi ko parin siya sa pagkawala ng anak ko. Bakit? Kasi kung hindi siya gumawa ng dahilan para magpakalayo-layo ako ay hindi ako mapupunta rito.
At ang babaeng yon pa na gustong gusto siya ang nanakit sa akin. Magsama silang dalawa! Wala na din akong pakialam sa kanya.
Hindi ko na nabalitaan si Troy sa social media kaya't mapayapa ako ngayon at busy sa trabaho.
"Bes, Mag iisang taon na at lahat ng mga sinet-up ko na dates for you ay inaayawan mo." Sabi ng gagang Alexa na kaibigan ko.
Aba! Eh kung hindi ba naman mga hambog o minsan mayaman nga, hindi ko naman type ang mga itsura ng sine-set niyang blind dates sa akin.
BINABASA MO ANG
I Seduced My Ex-boyfriend's Twin? (Completed)
RomanceI was being played by the person I fell inlove with. I changed my lifestyle and lose weight. I came back to the Philippines to take my revenge. Only to find out that the man I seduced was my Ex-boyfriend's twin? Written by : Loovybelle Genre: Romanc...