Nagtext na sa akin si Alexa at papunta na raw siya doon sa venue ng birthday celebration. Hindi ko na sinabing susunduin ako ni Troy sa kadahilanang alam na alam kong iintrigahin na naman ako ng kaibigan ko. Tsk.
Nakabili na pala ako ng PT at plano kong bukas ng umaga pagkagising ko gagamitin. Mas mabisa daw kasi iyon kapag umaga at unang ihi ang ilagay sa kit. Napailing nalang ako sa mga ginawa ko kanina para lang hindi magmukhang nakakahiya ang pag bili ko ng PT.
Kunwaring tumatawag ako sa phone at parang may kinakausap. Nakaharap pa ako non sa counter,
"Sige na ano ba ang gusto mong ipabili at nandito ako ngayon sa drugstore." Medyo nilakasan ko pa ang boses para hindi halatang kunwari lang.
"Ano? Bakit naman yon pa? PT? GOSH! magiging ninang na ba ako?" Kunwari'y tuwang tuwa kong sabi. May narinig pa akong nagbulungan,
"Diba siya iyong kalandian nung modelo sa isang restaurant?"
"Oo nga! Siya yon. Tsk. Akala naman niya siseryosohin siya ng isang Troy Francisco! Err."
"Hahaha"
Wth?!! Tinarayan ko iyong nag chi-chismisan pagkatapos ay lumapit sa counter at sinabi kung ano ang bibilhin ko. Napalitan ang hiya ko ng inis.
Padabog akong umalis ng drugstore dahil sa nararamdamang inis. Mga walang magawa sa buhay yon! Arrg!
At yon nga, hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan ang pang iinis ng mga diehard fans nung Troy na yon sa akin.
Inayos ko nalamang ang damit na susuotin ko at saka nagsimula nang maligo. Pagkatapos noon ay sa mukha naman ang inayusan ko. Ginawa ko lang na simple pero elegante ang dating ng in-apply kong make up sa mukha ko.
30 minutes lang ay ayos na pati ang buhok ko naman ay inabot ng 10 minutes. Isinuot ko na ang naka hanger pang dress na kulay blue. Hapit ito sa baywang ko samantalang sa baba naman ay maluwag. Above the knee ang dress na suot ko ngayon at tinernuhan ko ng isang blue din na stilletos. Yeah, I love blue eh.
Kinuha ko na ang pouch na kapares ng damit ko at isinuot iyon. Lumabas ako ng kwarto ko na sakto namang may nag doorbell.
"Woah! Y-you look great! I mean, gorgeous--" hindi ko na siya pinatapos at baka maglaway pa siya sa harapan ko. "Let's go." Napatingin pa ako sa relong suot ko at pinatay ang ilaw ng condo ko. Lumabas naman siya agad at parang may ibinulong. Hindi ko ngalang nadinig. Tsk!
Nang makapasok na kami sa loob ng kotse niya ay saka siya nagsalita.
"Iniiwasan mo ba ako? May problema ka ba sa akin?" Curious niyang tanong. Malaki ang problema ko sa iyo Troy! Hmp. Nang dahil sa iyo, masama na ang tingin ng mga tao sa akin. Well infact wala naman akong dapat isipin kasi problema na nila yon kung isipin nila na malandi ako, ayoko lang ng pinaparinig pa sa akin. Nakakabwesit kasi eh.
"Sa iyo oo, at sa mga fans mong makakati ang dila. Hmp!" Inirapan ko siya at saka hindi na pinansin hanggang sa makarating kami sa venue. Pagkababa palang ng kotse ay sumalubong agad ang nagkikislapang mga camera ng media.
Nauna siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. Humarap ako sa mga camera at plastik na ngumiti. Ayan mga fans ng babaerong to! Ito ba ang sinasabi niyong unserious girlfriend? Hmp!
Teka, ano ba ang ipinaglalaban ko?
"Ma'am ano po ang pangalan ninyo, kayo na po ba ang girlfriend ni Troy Francisco?"
"Hindi po ba, kayo iyong sinasabing unserious girlfriend ni Troy Francisco? Ano po ang masasabi ninyo tungkol doon?"
"Mr. Francisco, Mr. Francisco pwede po ba kayong magpahayag tungkol sa kasalukuyan niyong relasyon sa inyong kasama sa iyong kaarawan?"
Nilampasan lamang namin ang mga nag iintrigang mga media at isang ngiti lamang ang ibinigay ko sa kanila. Sinasabi ko na nga ba eh!
I never expect this would happen. Nakalimutan kong isa nga palang sikat na modelo ang kasama ko at kahit saan man siya magpunta ay mayroong nakadikit na mga reporter. Sana pala hindi na ako pumayag na sunduin niya pa ako papunta dito!
Sa labas lang pala ang mayroong media dahil sa loob ay wala nang iba pang reporter ang nakapasok.
Kakausapin pa sana ako ni Troy ng pinagkaguluhan siyang batiin ng mga kamag-anak niya kaya't humiwalay ako sa kanya sakto namang nakita ko ang kaibigan kong si Alexa at nilapitan ito.
"God, Kate! You look perfect. Mana talaga ako sayo!" She hugged me dahil sa tuwa. "Marami ka pang utang na kwento sa akin, gaga ka!" Sabi niya with a meaningful look. Ikwenento ko sa kanya ang nangyari kagabi. Iyong tungkol sa nakita niya sa amin ni Troy pati yong paghahatid niya sakin.
"Yiiii! Gaga ka ang haba talaga ng hair mo!" Marahan niya pa akong sinabunutan at saka parang inipit na tili. Hinampas ko siya ng mahina sa braso.
"Tumahimik ka nga! Para kang teenager na kinikiliti diyan bruha ka!" Saway ko sa kanya. Inalog alog pa kasi ako para namang siya yong nasa sitwasyon ko. Tsk!
"Ba't hindi mo nalang kasi aminin na nagkakagusto kana sa isang playboy. Hahaha." At tinawanan pa ako. "Pero infairness bes, he's so damn hot! alam ko na kung bakit you can't resist the charm of a casanova Troy Francisco!" Napapalakpak pa siya sa sinabi. Sinamaan ko lang siya ng tingin at mas lalo pang sumama ng makita kong palapit si Trina sa direksiyon namin.
"Hi! Glad you came. I missed you!" Sabi ni Trina at niyakap si Alexa. Nakatitig lang ako sabay taas ng kilay ko sa kanya. Naiilang naman na tumingin siya sa akin. "K-Kate." Sabi niya.
Huminga ako ng malalim at nagsalita. "Let's talk." Tumango naman siya. Nag aalalang nakatingin sa tabi namin si Alexa. Pero inirapan ko siya, haler! As if naman na sasaktan ko itong kaibigan niyang gaga rin!
Naupo ako sa upuan na kaharap ang mesa at isa pang upuan. Umupo rin siya sa harap ko at matamang nakatingin sa akin.
"Don't look at me as if you're guilty, Trina." Malamig kong sabi.
"Kate, I love him." Pag aamin niya. Of course she does, papayag ba naman siyang maging sila ni Miguel kung hindi? Tsk.
"Kailan pa?" Walang gana ko namang tanong. Huminga siya ng malalim at tumingin sa mga mata ko. "Since the day he broke you." Sabi niya. At matagal na pala, bakit hindi niya sinabi?
"Kate, I know masama ang loob mo sa akin but please listen to me. I'm sorry kung hindi ko nasabi sayo, I'm just afraid na baka hindi mo ako maintindihan. I respect you so much Kate. Nagmamahal lang din ako. Natakot lang ako na baka pagbalik mo, bumalik sayo si Miguel." Naiiyak na sabi niya. "Huwag kang mag alala hindi ako nang aagaw ng taong nakatali na." Pataray kong sabi. Hindi ko gawain ang mang agaw ng asawa no!
"Alam mo bang pagdating kay Miguel, ikaw ang best rival ko kasi alam kong nagustuhan ka niya Kate. Minahal ka niya." At doon na tumulo ang luha niya.
Ako? Minahal ni Miguel? Bakit hindi ko nalaman iyan noon. Noong mahal ko pa siya.
***
BINABASA MO ANG
I Seduced My Ex-boyfriend's Twin? (Completed)
RomanceI was being played by the person I fell inlove with. I changed my lifestyle and lose weight. I came back to the Philippines to take my revenge. Only to find out that the man I seduced was my Ex-boyfriend's twin? Written by : Loovybelle Genre: Romanc...