Dahil nga sa paghahatid ni Troy sa akin kagabi ay nalaman niya tuloy kung saang condo ako nakatira lalo na't hindi rin ako nakapunta sa drugstore para bumili ng PT kasi kasama ko siya. Baka malaman niya pa iyong posibleng pagbubuntis ko.
Nagising ako ng maaga na humihilab ang tiyan. Masusuka yata ako! Gosh! What is happening to me? Wala namang lumalabas sa bibig ko nahihilo pa ako.
Bumalik nalang ako sa pagkakahiga at naalala ang nangyari kagabi.
☆☆☆
"See? I'm going to take you home whether you like it or not." He said while still looking at me.
Ang kulit naman nitong lalaking to!
Dahil sa inis ay iniwan ko na siya at naglakad paalis. Hindi ko napansin na nakasunod na siya. Hindi ang kotse niya ha? Kundi siya! Naglakad siya para habulin ako.
Naramdaman ko nalang na nakaangat na ako. Pinasan niya ako na parang isang sako ng bigas, hindi naman ako magkamayaw sa pag sigaw at pinagpapalo ang likod niya.
"Ibaba mo ako sabi! Bastos!" Buong lakas na sigaw ko nang paluin niya yong pwetan ko ng isang beses. "Shut up or I'll make love to you right here!" Wth! A-ano?
"Walang hiya ka talagang hinayupak ka! Ang bastos ng bunganga mo, bwesit!" Inis na sabi ko na ikinatuwa naman ng lalaking to.
"Sir, mawalang galang na po pero may problema ba dito?" Tanong ng isang pulis na lumapit. Hinarap naman ni Troy ang isang pulis pagkatapos akong isakay sa front seat ng kotse niya.
"Don't worry, she's my girlfriend and we're having a misunderstanding, right babe?" Nakangising sabi niya habang nakatingin sa akin. Inirapan ko siya na nakataas kilay at hindi siya sinagot. Alam niya bang bumalik yung pagkahilo ko sa ginawa niya? Bwesit na lalaki to!
"Ganoon ba sir? Sorry po. Akala ko kung ano na ang nangyayari. Pero maari po bang paandarin niyo na ang kotse niyo at nagrereklamo na po ang nasa likuran ng kotse ninyo at nakakaabala po sa mga dumadaan." Mahabang sabi ng pulis. At gosh! Ang dami na ng nag hihintay sa likod. Two ways lang kasi ang daanan ng mga sasakyan.
Wala akong imik habang nasa loob ng sasakyan. Hindi man mapakali sa maya't mayang titig ni Troy ay ikinalma ko na lamang ang sarili ko. Feeling ko ang init init dito kahit ang lakas naman ng aircon! Ano bang mayroon sa lalaking to at nagkakaganito ako?
"I searched for you after what happened the first time we've met." Ano bang pinagsasasabi ng babaerong ito?
"I hired an investigator to find you pero dahil sa wala akong litrato mo ay hindi ka parin nahanap ng taong inutusan ko." Napangisi siya sa inaalala niya. "But small world right? I even asked my brother, Miguel if he knows anyone named SKA. Damn! Muntik pa niyang di ituloy ang kasal niya when he remembered you. Pero sinabi kong I already marked you mine." Sabi niya habang nakatingin pa sa daan.
"What?!" Hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango naman siya.
"Nagtataka ka sigurong hindi mo naman ako nakita noon. Yes, because I lived in the states for 10 years. Occasionally lang akong umuuwi sa bahay. I Know si Miguel ang kakilala mo because the first time I saw you I already know na pinagkamalan mo akong si Miguel." Natatawang sambit niya sa huli. Buong lakas ko siyang pinaghahampas sa balikat.
"Walang hiya kang lalaki ka! Pinagmukha mo akong tangang hinayupak ka!" Inihinto niya ang pagmamaneho at saka hinuli ang mga kamay kong ipinanghahampas sa kanya.
"You seduced me and I can't resist you. It's your fault." Aba! At ako pa talaga ang sinisi. Pwede naman niyang agad na sinabi na hindi siya si Miguel! Hindi sana ako namomroblema ngayon na baka nabuntis ako ng babaerong ito!
Nakababa na ako ng kotse niya. Ang ikinapagtaka ko ay bumaba rin siya sa kotse niya at humarap sa akin. "So you live here, huh?" Sabi niya sabay na sinulyapan ang condominium na tinitirhan ko.
"Susunduin kita bukas, 2 pm." And he kissed me. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang makaramdam ng kakaibang sensasyon. Why do he always affect me like this? Nagugustuhan ko na ba ang ginagawa niya?
No! Hindi pwede, mapaglaro siya sa mga babae. And I'm afraid that I might be one of those women he broke. Hindi ko dapat siya magustuhan, not Troy please.
Ako ang bumitaw sa halik na palalim na at tumalikod sa kanya. I left him wondering why I did that, naglakad na ako papasok sa condo and tried to calm myself. Dahan dahan kong hinawakan ang labi ko at napailing. This is just a trap. No, not again.
☆☆☆
Gosh! Ano ba ang gusto niyang mangyari? Alam naman niyang may nararamdaman parin ako sa kakambal niya, is he trying to divert me at sa kanya pa huh? Ang kapatid ng nanakit sa puso ko noon. At hindi lang basta kapatid, kundi kakambal pa! Kaparehong mukha.
Hindi naman maitatangging gwapo siya at mas tinitilian ng mga babae kumpara kay Miguel pero ibang usapan na yan eh! Isang babaerong tao si Troy! Maaari niya ring gawin sa akin ang ginawa ng kapatid niya noon.
Pinaglalaruan lang ba ako ng tadhana?
***
BINABASA MO ANG
I Seduced My Ex-boyfriend's Twin? (Completed)
RomanceI was being played by the person I fell inlove with. I changed my lifestyle and lose weight. I came back to the Philippines to take my revenge. Only to find out that the man I seduced was my Ex-boyfriend's twin? Written by : Loovybelle Genre: Romanc...