Bago magsimula ang kasal ay hinanap ko muna ang groom which is Miguel. Ikakasal pala siya kay Trina. Si Trina ay ang isa ko pang kaibigan na tulad rin kay Alexa. Kaya pala't imbitado din sa kasal itong si Alexa.
Ba't hindi ako nagawang imbitahan ni Trina sa araw ng kasal niya? Dahil ba si Miguel pala ang pakakasalan niya?
At bakit si Miguel pa? Alam naman niya kung ano ang sinapit ko diyan sa lalaking 'yan, alam niya kung bakit ako nagpakalayo layo. At 'yon ay dahil kay Miguel tapos si Miguel pa ang pinatulan niya? How come?!
Gusto ko silang maka-usap pareho but what am I gonna do? It's their wedding day! For god's sake I'm not the bitch here. Ba't nagawa 'yon sa akin ng sarili kong kaibigan? Matagal na niya bang mahal si Miguel?!
"Kate, I know what you're thinking. But don't worry we'll talk about that after the wedding." Malumanay na saad ni Alexa.
Ginandahan ko talaga ang pag aayos ko. I want to show them na di hamak na mas maganda naman ako kay Trina pero sinong pinili niya? Ugh! Naalala kong pangit nga pala ako noon!
So, pagandahan pala huh?
I might be jealous but hey! Siya lang naman ang reason kung ba't ako umuwi ng Pilipinas ano! At malalaman ko nalang na ikakasal na siya at sa kaibigan ko pa! What a shame.
I know that she's my friend and I should not be telling this about them pero naman ex-boyfriend ko yan eh! Pumili naman sana siya ng ibang pakakasalan. Yung hindi ex ng kaibigan niya at isa pa, yung hindi iniiyakan ng kaibigan niya! Nakakainis.
Humiwalay na muna ako kay Alexa at nag lakad-lakad. Karamihan ay mga ka klase namin dati nung college ang mga umattend ngayon.
Marami-raming nakakakilala sakin at hindi sila makapaniwala na ito na ang itsura ko ngayon. 'Wow! you really looked different now, Safiya!'
That's the words that are coming from my former classmates. Yeah, I know.
Until I bumped into someone.
"Y-you!" Turo sakin ni Miguel. Sa pagkakakita ko sa ekspresiyon niya ngayon ay hindi siya makapaniwala. I rolled my eyes at him at nag crossed arms.
"Yeah, it's me. SAFIYA KATE ASUNCION. Well congrats on your wedding day Mr. Francisco. You should not be moving around at this time. The bride might be here already." I said as I looked on my wristwatch. He just answered me "huh?!" At parang may isang lightbulb na umilaw sa tuktok ng ulo niya base sa kanyang makahulugang ngiti.
"So, your name is Safiya huh? Your name suits on you, so gorgeous." Sabi niya pa. Aba't ikakasal na nga lumalandi pa ha?
Magsasalita pa sana ako pero nag announce na na nakarating na ang bride at nasa labas na ito ngayon. Hindi ko na rin nakita si Miguel paniguradong nasa unahan na ito ngayon.
Ang hindi ko lang ma explain ay noong makita ko ulit si Miguel na nasa front na ay naka black na ito ng tuxedo which is different from kaninang kausap ko pa siya na naka blue ito ng tuxedo.
Maid of honor pala itong si Alexa. At nang makita ko na si Trina, ay napataas ang kaliwang kilay ko. Bitch mode attack! Biglang uminit ang dugo ko sa kanya, am I jealous? Or insecure?
Hindi ko alam kung bakit pero naiinis talaga ako. Hindi ko akalain na naging kaibigan ko ang bride na si Trina Natividad. Ugh!Pagkatapos lang ng ceremony ay naglakad na ako palabas ng simbahan. May picture taking pa kasi pagkatapos ng ceremony bago pumunta sa reception.
"Kate! Wait for me." Habol naman ni Alexa. Inirapan ko lang siya at nagpatuloy sa paglalakad.
"Sabay na tayo papunta sa reception. Gaganapin iyon sa Resorts World." Sabi niya at umangkla sa braso ko. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pag pasok sa kotse ko.
"Bes naman, don't ignore me please..." sabi niya pa with matching pa cute pa. Ugh!
"Mukha ka nang pato diyan. Tumigil ka baka putulin ko iyang nguso mo." Sabi ko sabay irap parin. Kung hindi lang ako seryoso ngayon malamang natawa na ako sa joke kong yon.
Nakarating kami sa Resorts World at hindi ko maiwasan na mauna nang kumain. Naiinis talaga ako! Pati tuloy pagkain gusto ko nang ubusin.
"Hinay-hinay naman bes. Alam kong bigo ka ngayon, wag mo namang ibuhos ang galit at selos mo diyan sa pagkain. Kawawa naman." Alexa joked pero hindi ako natawa. Alam kong pinagagaan niya lang ang loob ko kasi alam niyang hindi pa ako nakaka move on kay Miguel.
"Kung wala lang akong respeto sa babaeng yon, sinira ko sana ang wedding niya. Pero siya ang walang respeto kasi pinatulan niya ang lalaking sumira sa puso ko. Pinatulan niya ang lalaking hindi ko pa nakakalimutan hanggang ngayon. Tama ba yon? Ha? Na ipamukha niya sa akin na mas bagay siya kay Miguel kasi mas maganda siya sa akin noon? Ni hindi niya manlang naisip ang kaibigan niya?" Inilabas ko ang saloobin ko dahil hindi ko kayang ipunin yon sa loob ko. Napaluha pa ako habang sinasabi iyon. Pesteng luha ba naman to ayaw paawat!
Naiyak narin si Alexa. I don't know why ang baba ng luha ko. Bakit ko naman iiyakan ang kaibigan ko at ang taong sumira sa puso ko? Diba dapat lumalaban ako ngayon? Bakit hinahayaan ko lang sila?
"I'm sorry, hindi ko nasabi agad sayo Kate. Akala ko kasi naka move on kana eh. Tapos ayon pang problema natin. Siya pala naka una sayo. Bakit niya pa itinuloy kung ikakasal naman na siya diba?" Hinging paumanhin ni Alexa. Hindi naman niya kasalanan to eh. It was me who's at fault kasi inakit ko si Miguel.
Pinahid ko na ang mga luhang lumandas sa pisngi ko kasi nga nagdadatingan na ang mga bisita pati narin ang groom at bride. Patuloy lang ako sa pagkain at hindi na pinansin ang mga taong makakita man sa akin.
"Lex! Hinanap kita sa church para sana sa picture taking, pero wala ka naman na doon." I heard somebody called Alex at my back.
Boses palang, alam kong si Trina yon.
***
BINABASA MO ANG
I Seduced My Ex-boyfriend's Twin? (Completed)
RomanceI was being played by the person I fell inlove with. I changed my lifestyle and lose weight. I came back to the Philippines to take my revenge. Only to find out that the man I seduced was my Ex-boyfriend's twin? Written by : Loovybelle Genre: Romanc...