Kung nagustuhan nga ako ni Miguel bakit hinayaan niya akong mawala sa kanya aber?!
Noong nalaman ko kasi na dinaan lang ako sa isang pesteng dare ni Miguel at nang mga kaibigan niya ay kinompronta ko siya. Pero imbis na siya ang makipag break sa akin ay ako na ang gumawa sa harap ng mga kaibigan niya.
Pagkatapos noong araw na iyon ay napagpasyahan kong sa France ko na ipagpatuloy ang pag aaral ko. I studied hard at pilit kinalimutan si Miguel. Doon ako nag tapos at nag simula ng sariling negosyo sa tulong ng parents ko. Pero yong plano kong pag hihiganti ay ang alaalang hindi ko kinalimutan.
Kaya't nang maramdaman kong hindi na ako gaanong nag-iisip sa kanya ay doon ko na napagpasyahang bumalik ng Pilipinas.
"Bes, what hapened? Are you okay?" Nag aalalang tanong ni Alexa. Tumango lang ako at tahimik lang na nakaupo sa isang silya.
Nang matapos kasi ang pag-uusap namin ni Trina ay bumalik na siya sa asawa niya. Nakatingin lang ako sa may stage na kasalukuyang naroroon ang kambal. Sina Miguel at Troy.
Tinitigan ko sila pareho, no wonder ay nalinlang ako ng babaerong yon kasi pareho sila ng height, at features. Mas maganda ngalang ang tindig ni Troy kumpara sa kambal niya at mas ma appeal ito kung pag babasehan sa mukha.
Nakakalito kung hindi mo sila makikitang magkatabi. Pero kung titignan mabuti, mas maraming titili sa isang Troy Francisco. The way he look at people, the way he talk at lahat ng galaw niya magugustuhan ng babae sa kanya.
How about me? Nagugustuhan ko na din ba siya? My mind said, but I shake my head. No, hindi pwede.
Pagkatapos ng pagpapasalamat sa mga bisita ng kambal ay nagkanya-kanya na sila ng pinuntahan. Umiinom lang ako ng red wine nang may nagsalita sa likod ko.
"Kate." Napalingon ako sa nagsalita kasi hindi ako pwedeng magkamali. Si Miguel to.
"Miguel." And I'm right. It's Miguel.
"Kate, it's been 6 years. What happened to you? I never saw you in 6 years. Pagkatapos noong--noong ginawa ko, hindi na kita nakita." Nakatayo siya sa harapan ko at kalaunan lang ay umupo na rin siya sa harapan ko.
"Alam mo bang anim na taon kong dinala ang pagkabigo ko nang dahil sa ginawa mo?" Sabi ko. Tutal nandito na siya ay sasabihin ko na sa kanya.
"I'm sorry Kate. But believe me, minahal kita. Nasaktan din ako, siguro nga karma sa akin noong iniwan mo na ako kasi sobrang sakit eh. Pinaglaruan ko ang puso mo, nagsisi ako Kate. Pinagsisihan ko ang nagawa ko sayo kasi pakiramdam ko ako lang naman ang nasaktan." Napangisi ako. Minahal niya ako pero huli na ang lahat kasi may asawa na siya at noon iyon na mahal niya ako pero ngayon may iba na siyang mahal.
"I'm sorry Miguel. I tried to make revenge. Pero I'm glad that it wasn't you, may kambal ka pala. Kasi kung ikaw yon, makakasira pa pala ako ng magsisimulang pamilya." Nagtaka man ay parang alam na niya ang nangyari. Tumango siya at parang may sasabihin pero hindi niya itinuloy.
Pagkatapos ng pag-uusap namin ay nagsimula na kaming mag usap ng ibang bagay na nakapagpangiti sa akin. He even offered me for a dance. Tutal, wala naman ng malisya kasi nga may asawa na siya ay pinaunlakan ko na ang offer niya.
"You've really changed, Kate." Nailang ako sa klase ng titig niya, he looked like he still have feelings for me which is hindi naman totoo kasi may asawa ng tao si Miguel! Hindi pa ako nakakasagot ay mayroon nang taong humila sa akin upang magkahiwalay kami sa pagkakadikit ni Miguel.
"I already told you bro, she's mine."
Troy? Ano namang drama to?
"At paano siya naging sayo? When from the start she's mine first." Sagot naman ni Miguel, aba aba! At mag aaway pa yata ang dalawang ito sa harapan ko.
"Yours? Come on bro, you already have a wife. You're married." At doon na natahimik si Miguel. Are they arguing because of me?
"Excuse me?" Agaw pansin ko kasi may napapatingin na sa gawi namin. Dumating naman si Trina na naguguluhan sa nangyayari.
"What's happening here?" Tanong ni Trina kay Miguel. Bigla naman akong hinila ni Troy sa kung saan. At nang nasa elevator kami ay nakakuyom ang kaliwang kamao niya habang ang isa ay mahigpit na nakakapit sa akin.
"You're making me crazy, Safiya. I almost kill my brother because I was jealous." Napatingin tuloy ako sa kanya. Jealous? May salitang 'kami' ba at nagseselos siya?! Hindi ko tuloy mapigilang mang irap.
"And why would you be jealous?" Inis na tanong ko. Tch! Like hello! Ano ba ang karapatan niya diba?
"Never mind. I'm going to Europe for three weeks. I have some business to do there."
Nabigla man ay nakaramdam ako ng pagkalungkot. 3 weeks ko siyang hindi makikita.
Teka Kate, why do you care ba? Eh hindi naman kayo at saka bakit niya to sinasabi sa akin.
Napailing na lamang ako.
"I just want to warn you that don't flirt with my brother." Nangliit ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Pinagsasabihan mo ba ako? And why do you care kung ano man ang ginagawa at gagawin ko? Ano bang pakialam mo?" Nakita ko siyang ngumisi and the next thing I know, he is starting to kiss me torridly.
I was enjoying the kiss nang una siyang bumitaw. Sakto namang bumukas ang elevator at sumalubong sa amin ang sandamakmak na reporter.
"Because from now on, you'll be my girlfriend." Sabi niya at humarap sa mga camera na sumasalubong sa amin. Hindi ako nakapag salita.
Ano daw? Ako? Girlfriend niya? Sasagutin ko na sana siya ng pambabara pero nagsalita na siya.
"She's now my girlfriend, I hope you'll support us." Nakangiting sabi niya sa harapan namin. Naghiyawan naman ang nakigulo na ring mga fans ni Troy.
Ugh! This will be a big problem!
***
BINABASA MO ANG
I Seduced My Ex-boyfriend's Twin? (Completed)
Roman d'amourI was being played by the person I fell inlove with. I changed my lifestyle and lose weight. I came back to the Philippines to take my revenge. Only to find out that the man I seduced was my Ex-boyfriend's twin? Written by : Loovybelle Genre: Romanc...