"I want you to attend a party, anak. My business partner invited us. Alam mo namang busy ang Daddy mo, tomorrow night may a attendan akong dinner meeting. So, technically hindi ako makaka abot sa party." Sabi ni mom. Tumango naman ako, sino ba naman ako para tanggihan si mom right? Minsan lang siya humingi ng favor sa akin.
"Yes, mommy. But I have no escort yet." Pag aamin ko. Mom just smiled, "My business partner has a son. Hindi rin kasi siya makaka-attend sa party kaya he also asked a favor from his son to attend and we decided Felix to escort you." Tumango nalang ako and then we changed the topic into a new one.
"By the way anak, I heard the news and I was shocked to see you there. Hindi mo naman sinabing may boyfriend ka na anak." Nagtatampong sabi ni mommy.
Kinabahan ako sa sinabi ni mom. Hindi ako nakapagsalita samantalang si Alexa naman na kanina pa tahimik ay naubo pa sa narinig mula kay mom. Tatawa tawa namang pinunasan ang bibig niya ng table napkin.
"Mom! Tsk." Parang batang sabi ko. Pagdating kasi kay mom parang nahihiya pa ako sa mga ganoon. Siyempre alam naman nilang umalis ako ng bansa nang dahil kay Miguel tapos malalaman nila na kawangis pa ni Miguel ang boyfriend ko daw ngayon. Awkward diba?
"I thought it was Miguel, but later on nalaman ko ring kakambal iyon ng ex mo. Dapat pala ipakilala mo na sa amin ang boyfriend mo one of these days." Sabi pa ni mom.
Hindi naman pwedeng sabihin kong hindi ko totoong boyfriend si Troy kasi for sure, isang matinding sampal ang aabutin ko.
Parents are always like that right? Hindi raw pwedeng gawing biro ang pakikipag relasyon. At bakit naman ako magkakagusto sa Troy na yon eh puspusan sa pagkababaero yon eh!
"He's out of the country, Mom." I rolled my eyes again.
"Alam mo tita, dapat ngang makilala niyo na sa personal ang future son-in-law niyo at nang pagplanuhan na natin ang kasal." Biro nitong si Alexa. Siniko ko siya at nilakihan ng mata.
"Anong kasal? Ayoko pang matali no!" Reklamo ko. Sabay na nagtawanan sina mommy at si Alexa sa sinabi ko.
Ugh! At ipapakasal pa nila ako sa babaerong yon? Tsk!
***
Arellano Corp. Annual Party
I mumbled after reading the invitation letter. Hindi na rin magtatagal ay dadating na ang sundo ko which is my escort for tonight.Felix Liam Ardsley siya ang escort ko ngayon. He is on the way and I'm doing my make up now. Kailangan kong maging presentable kasi ayokong mapahiya si mom sa mga business partners niya.
I heard somebody's outside. Ang daming beses ba namang pindutin ang doorbell ko sa labas! Naalala ko tuloy ang kapatid kong si Kent. Hindi ko na nababalitaan ang kapatid kong yon ah? Ang bata-bata pa kasi eh busy na sa career.
"Come in." I said half smiling after I pulled the door.
Naramdaman kong nakasunod siya. Hindi ko man siya kilala pa pinaupo ko siya sa sofa ko. I guess he's not harmful base sa itsura niya. He's a serious man as I can see his facial expression.
"By the way I'm Felix Liam Ardsley." Sabi niya in a serious manner. Muntik pa akong mapa roll eyes, ang seryoso masyado!
Tinanggap ko ang kamay niyang naka angat para makipag shake hands.
"Safiya Kate Asuncion." I said as we shook our hands.
Pinaupo ko na muna siya sa sala kasi may kukunin pa akong pouch ko. Muli kong tinitigan ang sarili ko sa salamin. Tama nga si mom. Tumataba ako.
Nadagdagan na ng kaunti ang katawan ko noong mag diet ako but I'm so thankful na bagay parin sa akin ang suot ko ngayon. I'm wearing a blue gown that fits to my body. Isa ito sa mga gawa ko. Ang isa sa mga collections ko na para sa akin lang talaga.
Lumabas na ako ng kwarto ko and I found him staring at may mini table with my pictures on the frame on top.
"Let's go?" Patanong kong sabi. He stiffened when he heard me behind. "Okay." Sabi niya at sumunod parin sa akin palabas, samantalang nauna naman siya at nag lakad palabas. Ni hindi manlang ako hinintay! Ugh!
"Hey! Wait for me!" Sabi ko habang nilalakihan ang mga hakbang pero hindi naman niya ako nililingon. Nakaabot pa kami sa may pintuan ng elevator but he stopped all of a sudden.
"Ouch!" Sabi ko nang bumangga ang noo ko sa likod niya. Tiningnan niya lang ako at muling naglakad.
"You fckn kidding me. This is not happening. Damn yes it's her!" I heard him mumbling. Sino ba ang tinutukoy niya?
"What's wrong Mr. Ardsley?" Puna ko. Napangisi naman siya at umiling-iling.
Seriously? What's with this guy? At kinakausap pa niya ang sarili niya sa lagay na yan.
"Get in." Sabi niya. Sumakay ako sa kulay asul niyang kotse. Feeling ko tuloy bumagay ang dress ko sa kotse niya.
Nakarating kami sa venue at ibinigay ang invitation letter sa guard. Kumapit ako sa braso niya before kaming pumasok and I felt him stiffened. Ba't ba lagi ko yata siyang nagugulat? May sakit ba siya sa puso? Duh!
Isang napaka eleganteng selebrasyon ang nagaganap ngayon na halos mga businessmen and businesswomen ang naririto.
Nakatayo ako sa tabi ng isang mataas na lamesa pero good for three lang. Saglit lang na umalis si Liam para batiin ang mag asawang Arellano because he came back at kinuha ang palad ko. Dinala niya ako sa mag asawang Arellano at iniharap dito.
"She's Safiya Kate Asuncion, the daughter of Mr. And Mrs. Cassandra Asuncion." Nakangiting pakilala ni Liam sa mag asawa.
"Oh really? Kaya pala't proud na proud si Cassandra para sa anak. Well she really is right! Hi, iha I'm Mrs. Sylvia Arellano and this man beside me is my husband Rodolfo Arellano." Natutuwang saad ni Mrs. Arellano.
"Good afternoon, I'm Kate Asuncion. Glad to meet you po." Magalang naman na sabi ko. Ngumiti pa ito at tumingin ng makahulugan sa amin.
"You two look good together! Look at them Rodolfo, they seem to be like us before. Noong mga kabataan pa natin." At napapalo pa sa braso ng asawa niya. Natawa ako at napadako ang tingin sa katabi ko. Nakangiti naman siya ngayon ng pilit habang nakatitig sa mag asawa.
Napalunok ako kasi ang awkward. Awkward because sa totoo lang, hindi ko pa nga kilala ng maigi ang lalaking kasama ko ngayon tapos good together? Like, hello?
Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na ang mag asawa kasi may pasasalamatan pa silang mga bisita.
Only to find out na nakahawak pa pala ang isa kong kamay sa kamay ni Liam.
"Uhurm. Wait here, I'm just going to meet a friend." Sabi niya nang mapansin ding magkahawak pa kami ng kamay. I looked away para tanggalin ang awkwardness na nararamdaman.
I was sipping on my wine when I saw a man two meters away from me. Anong ginagawa ng isang Troy Francisco dito?
He is with someone else.
Elisse Hillary, ang sikat na model sa France!
**
BINABASA MO ANG
I Seduced My Ex-boyfriend's Twin? (Completed)
RomanceI was being played by the person I fell inlove with. I changed my lifestyle and lose weight. I came back to the Philippines to take my revenge. Only to find out that the man I seduced was my Ex-boyfriend's twin? Written by : Loovybelle Genre: Romanc...